Sino naman kayang bisita 'yon?

"Princess, pagbuksan mo." wika ni kuya Zein sa akin.

Nagmadali akong pumunta sa pintuan. Baka inip na inip na 'yong tao sa labas dahil nakakailang pindot na sa doorbell.

Pagpindot ko ng doorknob at pagkakita ko sa taong nasa labas ay mabilis kong sinarado ang pinto.

Mukhang namamalikmata ako. Bakit naman siya pupunta? Inimbitahan din ba siya ni kuya o pinapapunta siya ni Rex?

Muling nagwala ang tunog ng doorbell namin. Malamang galit na galit na 'yong tao sa ginawa ko.

"Princess, pagbuksan mo. Huwag mong pagsarahan. Tigilan ang se..." pinutol ko na ang nais niyang sabihin.

"OO NA PAGBUBUKSAN KO NA PO." sabi ko ng pasigaw dahil malayo-layo ang pintuan sa salas.

Binuksan ko na 'yong pinto at hinayaan siyang pumasok.

Inisnaban niya ako pagpasok sa loob. Baka palabasin kita diyan.

Nang makadating na kami sa salas ay pakunwaring mabait pa 'tong si Nika at niyakap si Mama at nakipagbeso gano'n din kay Dad.

Pagkatapos maging straw, sipsip na, plastic pa, ay dumiretso siya sa pinakamamahal niyang hubby.

Bigla na lang niyang niyakap at hinalikan si Rex sa lips. Wala namang sinabi sa kaniya na manghalik siya kaya bakit pa siya manghahalik?

Tinitigan ko sila ng masama at nakita ni Rex na nakatingin ako sa kaniya kaya nag-iwas ako ng tingin.

Pilit akong mgumiti kahit inis na inis na at the same time ay nawawalang ganahang makipag-usap sa kanila.

"Kamusta na ang pinaka sweet na couple? Ikakasal na ba?" ani Mama.

Kung may kinakain lang ako ay isa ako sa mabubulunan. Grabe si Mama, kasal kaagad? Magbre-break din 'yan.

Bitter ba? Hindi naman 'di ba?

"Ayos lang po tita. Parang napapaisip nga po ako minsan. Okay lang naman po na yayain ko siyang magpakasal 'di ba? Tutal mag na-nineteen na naman ako at siya ay 18 na." ani Rex na ikinaubo ko.

Gusto na kaagad matali?

Nakita kong nakatingin sila sa aking lahat dahil sa pag-ubo ko.

"Ehem, ehem, sorry... Inuubo lang talaga ako." sabi ko para matanggal ang atensyon nila sa akin pero ang titig ng tatlo ay hindi matanggal. Kuya, Nika and Rex.

Tinaasan ko sila ng kilay at ng mapunta ang atensyon ko sa dalawa ay parehas ko silang inisnaban.

Nakaka-BV!

"Talaga hubby?! Aw... Ang sweet mo talaga. Kahit huwag mo na akong tanungin ay papayag na ako. So does that mean we're already engaged?!" masayang sambit ni Nika na patalon-talon pa at muling hinalikan si Rex. Hindi lang ito smack at mas malalim pa roon.

Muling bumalik sa ala-ala ko ang mga Nakita ko dati.

Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko.

"Mama, punta lang ako sa kwarto ko. May kukunin lang ako." paalam ko at nagmabilis na umakyat sa kwarto ko.

Naguguluhan ako! Super Duper! Parang hindi ko mapigilan ang selos pero bakit? Normal lang ba 'yon sa crush? Na parang gusto mo siyang solohin?

Napapikit na lang ako ng madiin at pilit na iniintindi kung bakit may parteng masakit sa dibdib ko na parang gusto kong ilabas.

Sa sobrang dami kong iniisip ay napatulo na lang ang luha ko. Bakit ganito ang epekto no'n? Gusto ko ba talaga siya? Kung oo, ang bilis naman para magkagusto sa kaniya 'di ba? Kaya pakiramdam ko ay crush lang ito pero ganito pa ba ang crush?

May kumakatok sa pinto ng kwarto ko, sino naman kaya 'yon? Buti na lang at ni-lock ko 'yong pintuan.

Pinunasan ko muna ang mukha ko at patayo na para buksan iyong pintuan.

Bubuksan ko pa lang ng bumukas ito bigla.

"Rex?! Anong ginagawa mo rito? Paano mo nabuksan ang pintuan ng kwarto ko? " tanong ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya na hindi pinansin ang tanong ko.

"Okay lang a-ako. Bakit mo naman natanong? Okay lang talaga ako, may kinuha lang ako rito sa kwarto ko. Bumalik ka na sa kaniya." sabi ko.

"Kaniya? You mean kay Nika?" ani Rex.

"Yep." sabi ko na pilit ngumingiti.

"Ayos ka lang ba talaga? Are you jelous?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Why should I? At isa pa bakit ka ba tanong ng tanong kung ayos lang ako?" sabi ko.

Bakit nga ako magseselos? Hindi naman ako ang Wifey niya?

"Because you're not good at lying." ani Rex na lumapit sa akin at hinila ako sa veranda ng kwarto ko.

I felt my heart raised.

Tama ba talaga si Kuya?

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon