"Yes ate," He kissed my cheeck too. "Ingat ah."

"Siyempre bunso." I smiled at him.

"Bye kuya Anthony," He says and waved his hand. "Ingatan mo ate ko ah."

"Siyempre naman little bro," Sabi niya at nag high five pa sila ng kapatid ko.

Close sila agad-agad? Iniwan ko lang sila saglit tapos may high five na?

Ni-remind ko ulit si Josh sa mga bilin ko bago kami lumabas.

*******

"Kumusta ang date with the prince charming?" Bungad sakin ni Eunice pagpasok ko dito sa dressing room. Pati sina Roxy at Candy ay nakiusyoso na rin.

"Oks lang." Tipid kong sagot sabay upo sa may dresser ko at humarap sa salamin.

"Saan kayo nagpunta?" Na-excite na tanong ni Roxy.

"Sa mamahaling restaurant ba?" Tanong naman ni Candy.

Lahat silang tatlo nakapaligid sakin.

"Duet talaga kayong tatlo ah." I said at nagsimula nang mag-ayos. Sinaksak ko yung curling iron at habang hinihintay itong uminit ay nagsimula na akong maglagay ng make-up.

"So ano na?" Impatient na pangungulit ni Eunice. "Saan ba kayo nag-date ni papable prince charming mo?"

"Sa Manila Ocean Park." Tugon ko sa kanila habang naglalagay ng make-up base sa face ko.

"Malakas na tili ang narinig ko sa kanila.

"Wow! Edi para lang kayong bugets na nag-date kanina!" Tiling sabi ni Eunice.

"Ang saya nga kanina eh," Nakangiting sabi ko nakaharap pa rin sa salamin. "Sabi niya pa, babalik daw kami don at kasama raw kapatid ko."

"Aye!" Sabay na tili nina Roxy at Candy. "Ang thoughtful! Patusin mo na girl at baka maagaw pa ng iba." Roxy says.

Binatukan siya ni Eunice ng mahina. "Ikaw talaga, patusin agad?" Tapos bumaling sakin. "Pag niligawan ka sagutin mo na agad girl ah!"

Natatawang napapailing na lang ako sa kabaliwan ng tatlong ito.

"Hey!" Nagulat kami sa boses ni Mama Tere na bumungad mula sa pintuan. "Bilis-bilisan niyo kumilos diyan at malapit na mag-time."

"Opo mama." Sagot namin.

"Divine, ikaw ang mag-open ng show tonight at kayo naman, Naya at Roxy ang mag duo after." Tapos tumingin siya kay Candy. "Kayo naman Candy at Sassy ang mag-perform ng pole dancing."

"Yes Mama Tere." Sagot naman ni Candy at sabay alis ni mama.

"Goodluck satin ngayong gabi fellas." Sabi ni Eunice at sabay upo sa may dresser niya at tinuloy ang pag-aayos. At habang nag-aayos siya ay may pinarinig pa sakin na 'Pa-suplada effect sa una pero ma-fall din kay papable pogi' at sabay ngisi sakin.

I just rolled my eyes at her at tinuloy na lang pag-aayos.

*********

Natapos na nga ang opening sexy dance ni Eunice pero hindi pa rin natigil ang hiyawan ng mga crowd dito. Medyo matao ang club ngayon. Di ko mapagkakaila na puro mga gwapo at mukhang mga may say sa buhay ang karamihan sa kanila.

Nagsimula nang tumugtog ang sexy music ni Beyonce's Naughty Girl.

While dancing to the rhythm ay tumitingin-tingin din ako sa mga audience sa harapan.

Nasa kalagitaan na ang kanta nang may mamukaan ako na lalaki na nakaupo sa may A2 table.

Muntik na akong matigilan sa pagsasayaw.

Bakit nandito pa si Anthony?

Akala ko umuwi na siya.

At ang intense pa ng mga mata niyang nakatingin sakin habang nagsasayaw ako.

I even blink nang kindatan niya ako.

Ganon ha...

Maybe I should tease him for bit.

I started to sway my hips more seductively. Inalis ko yung pantali ng buhok ko at ginulo-gulo ng konti para magmukhang messy curl. Dahil don nag-hiyawan ang mga nanonood.

Gusto kong matawa sa nakikita kong reaction niya.

Ibig sabihin may epekto ang ginagawa ko sa kanya.

Haha!

Pero kinabahan na ako nang mapagtanto kong iba na talaga ang mga titig niya.

Nakakatunaw.

I swear napadako ang tingin niya sa mga legs ko.

Ang iksi kasi ng suot kong damit na red pleated cire dress na backless at kapag umiikot ako ay revealing talaga kaya ako nagsusuot ng black cycling shorts na maiksi lang naman.

My gosh!

Tinuon ko na lang ang attention ko sa pag-sayaw at tumingin-tingin sa iba pang mga manonood.

Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at biglang nag-act ako ng ganon?

Sa tuwing mag-switch kami ni Roxy ng pwesto sa stage ay di ko maiwasan talaga napapatitig sa direksyon ni Anthony. Malapit lang kasi sa left side ng stage ang table niya.

And he's just watching me dance intently the whole time.

I was relieved nang matapos na ang dance number namin.

"Naya!" Nagulat pa ako sa boses ni Mama Tere sa loob ng dressing room.

"Bakit mama?"

"Si Customer pogi nung nakaraan ay ni-rerequest ka," She says. "Nasa Table A2 siya."

Napalunok ako.

"Mukhang pursigido si pogi na makausap ka," May konting pambubuyo sa tinig niya. "Biruin mo binalikan ka pa."

"Actually mama, nag-date na sila kanina." Biglang sabad ni Eunice at pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Talaga?" Gulat na sambit ni mama Tere.

Napatango na lang ako.

"Edi wala ka ang rason para hindi tumable sa kanya," Sabi niya. "Mukha namang mabait si pogi kaya patusin mo na."

"Go Girl!" Sabay bigay ni Eunice sakin ng black mini dress. "Yan suotin mo."

"Pero-"

"Wala nang pero-pero," Agad na sabad ni Mama Tere. "Magbihis ka na at upuanan mo na si pogi, tapos mamaya kwento mo sakin yong date niyong dalawa."

Hay naku...

Tumingin ako kay Eunice na napasimangot. "Humanda ka sakin mamaya."

Tawa lang sinagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako at nagbihis.

************

A/N

Finally! Afte 48 years na na-update ko na rin. Officially ay off-hold ko na ito pero slow update ah. Anong say nio sa update?

Vote or Comment

Play the song on the right>>>>

Naughty Girl - Beyonce

'Till my next update

xoxo

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now