Chapter 53

29K 589 405
                                    

Dearly

"Bella!"

Tawag pansin ni Maine doon sa batang babae na bagong kaibigan niya raw. Sinuway siya ni Quena dahil sa pagtaas ng boses nito pero tila hindi nakinig ang anak. Nagtagumpay si Maine ng lumingon ang kaibigan niya sa direksyon namin. Mabilis na naglakad ang batang babae papunta dito. Tumayo si Maine at sinalubong ng yakap ang kaibigan.

Napa 'aaawww' kaming lahat.

Kumalas sila sa isat isa.

"Hi, Bella. It's my birthday today."

Hindi ko makita ng maayos ang itsura ng kaibigan niya dahil naka side view ito sa direksyon ko.

"Oh, really? Then Happy Birthday, Maine! I wish you all the luck!" Humagikhik ito.

Nakaramdam ako na parang maiihi kaya tumayo at nagpaalam muna ako papuntang C.R.

Pagkatapos kong umihi ay lumapit ako sa salamin at napahilot ng ulo. Kulang ako sa tulog pero worth it naman dahil nakasama ko ang mahal ko. Napangiti ako sa naisip. Binuksan ko ang gripo at binasa ng katamtaman ang mukha ko gamit ang aking kamay. Pinunasan ko ng panyo ang mukha ko at inayos ang aking buhok.

Lumabas na ako at tumungo sa table namin. Our order are not yet serve. Pagka-upo ko ay nagtaka ako na tulala ang mukha ng mga kaibigan ko, kahit sina tito at tita Cherry ay tulala rin. Ewan ko lang kay Cherish dahil namumutla siya. Kumunot ang noo ko, ano ba'ng nangyari?

Oh, I see the litte girl here in our table. I guess, she'll eat with us. Nilikot ko aking paningin at nakita kong nasa kabilang table lang ang kasama nitong yaya at apat na body guard. Inutusan siguro nitong bata ang yaya na samin muna makisama.

Bigla kong siniko sa tagiliran si Connor. Mukha pa siyang nagulat sa ginawa ko. What's happening to them, huh? Something's wierd.

"Hoy Connor, ba't tulala kayo diyan? Sobrang gutom na ba kayo kaya kayo ganyan?" biro ko.

"Gago, hindi." bulong niya. "Look at Maine's friend, Brail."

Tinignan ko ang kaibigan ni Maine, katabi niya ito at nag-uusap sila. Anong meron sa kanya? Muli kong binalik ang tingin kay Connor na nagtataka.

"Why? Anong meron sa batang iyon?" tanong ko.

Sumimangot siya na mukhang nainis.

"Pre, seryuso ako. Titigan mo ng mabuti yung bata. There is really something about her that our minds can't stop from running."

Para akong niloloko ng ugok na 'to, psshh. Pero pagbigyan natin.

This time, pinatitigan kong mabuti ang bata. Mahaba ang buhok nitong blond na bahagyang makulot. She's as white as snow. Manipis ang natural na mapulang labi at sa tuwing ngumingiti ito ay lumilitaw ang dimple nito. Tsakto ang hugis ng mukha at ilong. But wait.. she looks like the mini version of... Charm. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko pero patuloy pa sa pagmasid sa mukha nito. Mahaba ang pilik mata at.. kulay abo ang mga mata.

 kulay abo ang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Husband's Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon