Chapter 31

20.2K 366 102
                                    

Special

Brail's POV

"Pre, mukhang gumaganda na ang pakikitungo mo kay Charm, ah." pang-aasar ni Connor.

"Pinagbibigyan ko lang siya." I said.

"Pinagbibigyan daw... eh, kung makakapit ka sa baywang ni Charm kagabi, 'kala mo aagawin namin, ah?" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Oo nga, Brail. Akala namin binibiro mo kami na nagkaayos na kayo, 'yun pala totoo talaga." singit ni James at kumibit balikat.

Nandito ngayon ang tatlo sa opisina ko. Tsk... nakikigulo na naman. May mga opisina naman silang tatlo dito sa kompanya ni Dad eh dahil may mga sariling posisyon sila dito pero ang alam ko ay bubukod din sila sa kanilang kompanya sa huli.

Wala naman masyadong mga gagawin ngayon kaya kasama ko ang tatlo ngayon.

Nakakapagod talaga pag palagi trabaho ang isinisikaso mo. Nakakasakit pa sa ulo pag may problemang dumadating.

"Ang sabihin ni Brail, nagselos yan ng magkita muli sina Charm at Harris noong reunion kaya ayan nagulat na lang tayo ng biglang lumambot ang puso niya dahil ayaw niyang makuha ulit ni Harris si Charm." singit din ni Kiero.

Naningkit ang mga mata ko.

"Anong sabi mo Kiero? Ako nagseselos? Kay Harris?" tumuwid ako sa pagkakaupo sa swivel chair.

"Ba't hindi mo na lang aminin, Brail? Kitang kita ko r'yan mismo sa mga mata mo noong reunion ang pait at galit nung hinagkan ni Harris ang asawa mo." giit niya. "Parang gusto mo nga siyang patayin sa mga titig mo. Kung nakakamatay nga lang."

Napipikon ako sa mga binitawang salita ni Kiero pero pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil baka sabihin nilang defensive ako.

Hell! I was not jealous! And why would I be?!

"Look, Kiero, I was not jealous to Harris, okay? Ginagampanan ko lang ang pagiging asawa ko sa kanya." mahinahon kong saad at pinaikot ikot ang sign pen.

"As you say so." kibit balikat niya.

"So, ang ibig mong sabihin, Brail ay hindi mo mahal si Charm?" tanong pa ni Connor.

Umiling ako. Hindi naman sila nabigla pero nakita ko na nakangising aso si James.

"Ah, alam ko na. Sabi mo ginagampanan mo ang pagiging asawa mo, 'di ba? So... it's just sex, no love involve." he stated.

Natigilan ako ilang sandali. Kita ko ang mga malalim na titig nilang tatlo sa'kin.

"Hindi mo ba iniisip ang mararamdaman ni Charm, Brail?" tanong ni Connor na mukhang dismayado.

"Syempre iniisip. Napagkasunduan na namin ang tungkol sa kung ano man ang nangyayari samin. Malinaw na sa kanya."

"Siguraduhin mo lang, Brail. Sino ba ang mas matimbang sayo? Si Cherish ba o si Charm?" tanong ni Connor.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre si Cherish!" walang kagutalgutal kong giit.

"Ahhh..." sabay sila at tumango tango na parang mga tanga.

Psshh...

"Kung gano'n, maaari ko bang mahalin si Charmise?" tanong ni Kiero na ikinagulat naming tatlo ni Connor at James.

My jaw clenched at biglang kumulo ang dugo ko sa tanong ni Kiero. Kanina pa siya, ah! Pinipikon niya na talaga ako!

Goddammit!

Marahas akong napatayo at napahampas ng malakas sa table dahilan sa pagtalon ng dalawa sa gulat maliban kay Kiero.

Nanlilisik na matang tinignan ko siya.

"What did you just say?!"

"Sabi ko, maaari ko bang mahalin si Charm?" he ask again and smirk.

"Damn you!"

Agad akong pumunta sa harap niya at susuntukin na sana siya ng maagap na nahawakan ng dalawa ang braso at kamay ko.

"Wag nga kayong mag-away!" saway ni James pero hindi ko siya pinansin.

"O easy lang, pre. Masyadong mainit ang ulo natin, ah. Nagtatanong lang naman ako."

"Hindi magandang biro yan, Kiero!" sigaw ni Connor na nakahawak sa braso ko ng mahigpit.

Pilit akong kumakawala pero ang lakas ng dalawa!

"Bakit? Sino bang nagsabi na nagbibiro ako?"

"FUCK YOU!"

Damn! Hanggang mura nalang yata ako! Mas lalong humigpit ang hawak nila eh. Fuck!

Tumawa ng malakas si Kiero.

Just what the Hell? Is he making fun of me?!

Tumakbo siya palabas ng pintuan na tumatawa parin. Parang baliw lang! Pero bago siya lumabas ng tuluyan ay may sinabi siyang nagpatigil sa'kin.

"By the way... Happy Birthday, pre!"

What? It's my birthday?

"Happy Birthday, pre. Ilibre mo kami sa susunod, mukhang hindi maganda ngayon eh." Ani James.

"Oo nga, pre. Happy Birthday din. Wag mo ng isipin ang sinabi ni Kiero. Sigurado akong binibiro kalang nun." Ani Connor.

Nagpaalam sila at umalis.

Sana nga nagbibiro lang si Kiero.

May nararamdaman ba siya para kay Charm? Mukhang wala naman, ah. Malapit lang sila noon sa isa't isa pero sigurado akong kaibigan lang ang turing niya kay Charm.

Napapitlag ako ng magring ang cellphone ko sa table. Tumungo ako sa table ko at umupo saking swivel chair.

Tumingin ako sa phone caller. It's my Mother. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tawag.

"Hello, Mom."

"Happy birthday, anak!"

So... it's really my birthday. Bakit ko ba nakalimutan?

"Thanks mom."

"Oh, why so sad my son? Aren't you happy? It's your birthday. You must be happy! We will celebrate your birthday later at our mansion."

"Mom... you know I don't like to celebrate my birthday in grand--"

"Oh, dont worry, son. This time hindi na ito engrande. Tayo tayo lang na malalapit sayo. Anyway, your grandma misses you so much. I know hindi kayo magkasundo pero please... And... we have a surprise for you. We'll make sure you'll gonna love it!"

I sighed. Surprise? I'm not a kid anymore. For me, surprises are just for kids. Ano naman ito surpresang sinasabi niya?

"Okay mom. Later at night, pupunta kami r'yan ni Charm mga--"

"No. Please don't bring Charm later."

Kumunot ang noo ko. What?

"Why?"

"Please just listen to me son. Maiintindihan mo rin pagdating mo rito mamaya."

"But--"

"No more buts!"

"Mom!"

Aiisshh! She ended the call!

Lumamya ang timpla ng mukha ko. Bakit hindi pwedeng isama si Charm?

I guess I don't have a choice. Pag hindi ako sumunod sa sinabi ni mommy ay susuklaban niya ako ng apoy. Grabe pa naman yun magalit.

Pero paano si lola? Sigurado akong hahanapin niyon si Charm. Kahit hindi maganda ang relasyon namin ni lola, natatakot pa rin ako sa kanya.

Baka bawiin niya ang posisyon ko sa kompanya.

Pero... paano naman si Charm? Hindi ko siya makakasama sa espesyal kong kaarawan?

My Husband's Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon