Chapter 35

22.6K 395 281
                                    

Falling

Pagkapasok ng pagkapasok ko sa loob ng bahay ay may yumakap sakin galing sa likuran. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hinawakan ko ang kanyang kamay para sana alisin ito pero mas lalo niya pang hinigpitan.

"I-I'm sorry..."

Bakit siya nagso-sorry? Wala naman siyang kasalanan ah.

"Are you mad at me?"

Umiling ako. Pinunasan ko muna ang mata at pisngi ko bwgo siya hinarap. His hands are still on my waist. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at ngumiti ng katamtaman.

"Bakit naman ako magagalit, Brail? Wala naman akong karapatan magalit diba?"

Hindi siya kumibo. Tanging titigan lamang ang ipinukol namin sa isat-isa. Pagkatapos ng nangyari kanina ay wala namang masamang nangyari. It ends smoothly. Pero nasasaktan parin ako tuwing nakikita ko sina Brail at Cherish na nag-uusap or I mean naglalambingan kanana. Alam kong sinadya iyon kanina ni Cherish na pagselosin ako. Oo, nagtagumpay siya. Umiirap na lamang ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Kina Mommy at Daddy naman ay hindi ko sila pinapansin kanina, ayaw ko lang talaga makita ang pagmumukha nila.

Kay Kuya Zabin naman ay gustong gusto ko sana siya maka-usap dahil namiss ko na talaga siya pero siya naman ang hindi pumapansin sakin. Hmpp... ang suplado niya parin hanggang ngayon, pero mahal ko pa rin ang kuya ko. Naguguluhan parin ako sa isang babaeng bata kanina na tansya ko ay mga walong taong gulang. Kamukhang kamukha siya ni mommy. 'Di kaya... kapatid ko rin siya? Pero bakit wala siya sa Family Picture na ibinigay ng imbistigador? Ay ewan, magpapa-imbestiga nalang ulit ako.

Yung totoo, kaarawan niya ba talaga ang naganap kanina o usapang negosyo?

Niyakap niya ulit ako. I hug him back. Sana ganito nalang palagi dahil pakiramdam ko, mahal ako ng asawa ko pero ang totoo naman talaga ay hindi. Makalipas ng ilang minuto ay bumitaw kami sa isat-isa. He held my hand and brought it to his lips. Parang hinaplos ang puso ko sa ginawa niya. Napakagat labi ako. I don't want to assumed but I cant help it.

"Sabi ni Mom ay wag daw kitang isama but I insisted na isama ka but it was too late. She said she has a surprise for me. When I arrived there, aaminin ko... sumaya ako na nandoon ang boung pamilya ni Cherish. That was my mom's surprise. I was really happy...until you came there and--"

"You got mad because I ruined your moment with your love and a chance to her family?"

"No." sabay iling niya, "At least kompleto."

Kumunot ang noo ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Nevermind."

"Ano nga?" sabay yugyug ko sakanyang braso. Gusto kong malamin eh!

"Hindi na, tulog na tayo." aya niya.

"Ayaw ko." sabi ko sabay talikod at umaktong nagtatampo.

"Ayaw mo pala ah..."

Naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Nagulat ako ng kiniliti niya ako sa tagilirin dahilan sa paghagalpak ko ng tawa. Damn! May kiliti ako dyan! Paatras ako ng paatras habang patuloy na umiilag at nagmamakaawa na tumigil siya. Sumasakit na ang panga ko sa kakatawa!

Napatili ako ng matumba ako sa sofa kasabay si Brail. We both froze when we realize our position. I am underneath him. Tumindig ang balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ng bumaba ang tingin niya sa'king labi. Namula ako ng mabilisan niya akong hinalikan sa labi at tumayo.

Ay... peck lang? I want more!

Ay teka, ano ba tong iniisip ko?!

Tumayo rin ako. He pinched my cheeks and kiss it there quickly too. Parang may nabuhay na paru-paru sa tyan ko.

My Husband's Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon