Chapter 22

20.3K 392 220
                                    

Reunion (part 2)

Nakakakamiss palang pagmasdan sina Tifany, Quena at Triza habang tumutugtog ng mga instrumento. Si Tifany at Quena ay nag gigitara habang si Triza naman ay drumer at si Cherish ay ang kumakanta. Hindi ko mapigilang mainggit. Malaki ang ngiti sa kanilang mga labi, puno ng kasiyahan. Paano kaya kung ako parin ang vocalista? Ano kaya ang sitwasyon ko?

Pagkatapos nilang kantahin ang 'Bring me to Life' ay malakas na palakpakan ang iginawad ng mga tao. Sa taas ng kantang iyon ay nakuha niya. Walang duda, napakahusay niyang mang-aawit. She deserves my place as a vocalist but not my place as a wife of my husband...

Sinundan ko sila ng tingin pagkababa nila ng entablado. Nabiyak muli ang puso ko ng salubungin ni Brail si Cherish ng yakap. Dahilan para maghiyawan ang mga tao rito. Kung alam lang sana nila.

Akala ko ba may problema sila?

Bati na agad?

Napatungo nalamang ako. Nabigla nalang ako ng may bumagsak na tubig saking kamay. Pesteng luha na ito. Hindi ko pala napigilan. Agad kong pinunasan ang basa saking pisngi gamit ang likod ng aking kamay. May humawak saking braso kaya napatingin ako rito.

"Ang panget mo."

What the?!

"Anong sabi mo?" pinandilitan ko siya ng tingin.

"Pumanget ka dahil umiyak ka. Tingnan mo nga o. Mas lalo kang pumanget dahil lumalaki ang butas ng ilong mo."

'Di ko na napigilan at binatukan ko na siya kaya ayun napa-aray. Sasapakin ko sana eh. Ang galing lang manglait, ha. Kanikanina lang kung makapuri wagas.

"Paupo ako dito, ha?" hinging permiso niya kay Earyl at tumango ito.

Nakatutok lamang ang mga mata ni Earyl sa stage na ngayon ay ibang banda naman ang tumutugtog. Nang tuluyan na siyang makaupo sa tabi ko ay nag loading muna ang utak ko.

Teka...

"Paano ka nakapasok dito, Ron?!"

"At ngayon mo lang talaga naisipang tanungin yan, ha?"

"Tss.. sabihin mo na kasi. Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Malamang may invitation ako."

Huh? So...so...

"Magka-batch mate tayo?" tanong ko na di makapaniwala.

"Exactly." he rolled his eyes.

"Pa-paano?..."

"Paano? Nagulat nga rin ako, eh. Dito rin kasi ako nag-aaral noon." paliwanag niya pero di pa rin ako kumbinsido.

"Eh, bakit noong una tayong nagkita sa salon ay hindi mo ako kilala? Kilala 'kami' o ako ng mga istudyante dito tapos ikaw hindi?" sumimangot ako.

"Wow! ang lakas din ng bilib mo sa sarili mo, ano? Hindi ko kayo kilala bilang kung ano mang echos-echos tungkol sa inyo noon dahil... once a month lang naman ako pumapasok noon."

"What?!" napahilamos ako ng mukha.

Grabe naman tong baklang ito? Ano siya? Nagrerebelde?

"Ito naman. Grabe ka kung maka-react, ha. Magpasalamat ka na lang kasi nandito ako. May karamay ka." sabay lagok niya ng alak nakakakuha niya lang sa waiter. Sinamaan ko siya ng tingin sa huli niyang salita kaya nag peace sign siya.

Kaya pala bihis na bihis siya kanina, 'yon pala ay iisa lang kami ng destinasyon. May pa secret secret pang nalalaman.

Ipinaliwanag niya sa akin ang tungkol sa pag-aaral ng once a month noon. Kawawa pala si Ron dahil nagka-problema raw sa family nila noon kaya siya mismo ang nag ayos ng problemang iyon. Wala talaga siyang kakilala noon sa kabatchmate namin kahit ni isa. Grabe lang, pero ngayon ako ang kilala niya dito. True, magkaramay nga kami dito. Pero nang tinanong ko siya na kung paano siya grumaduate na bagsak lahat ng subject niya ay ito lang ang sagot niya. Pera. Pera nga naman.

My Husband's Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon