Part 36

2.6K 89 2
                                    

Pasensya sa matagal na pahinga, matapos ko lang po yung isa. tatapusin ko po agad ito. salamat po sa mga taong nag-aabang nito...

CHAPTER 36 - Date

Matapos kong makalma ang sarili ko, ilang besis akong naghilamos para walang makitang bakas ng iyak si Boo sa mga mata ko.

Nagpasundo ako sa bahay, kung anong imbentong kwento ang sinabi ko sa kanya para lang mawala ang palaisipan nya bakit nasa apartment ako at wala sa office.

Maaga akong natulog, ang sabi ko kasi maaga akong aalis bukas dahil may presentation kami. Buti nalang at hindi sya makulit at matanong, hindi tuloy ako nahihirapan sa pagkontrol sa sarili ko.

Pagdating ng opisina, tahimik akong nagtrabaho. Pinag-iisipan ko ang bawat galaw na gagawin ko para hindi madagdagan ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Bess, nasayo pa ba yung gant chart natin last year?" si Abby.

Tumango ako, nilagay ko yun sa steel cabinet ko sa tabi ng resting quarter. "bakit?'

"kukopyahin ko sana para hindi na ako mahirapan pang gumawa ulit, maganda yun kompleto na kasi ang mga nakalistang committee doon" sabi nya habang hawak-hawak nya ang tasa nya.

"ah, sandali kukunin ko lang ha?" ngumiti ako at tumayo. Nagpunta ako ng steel cabinet ko at hinanap yun.

"may hinahanap ka Shy?"

Umiling ako sa taong nakatayo sa tabi ng cabinet. Hindi ko nadinungaw kung sino ang nagtanong.

"How are you?" napapaos nyang tanong.

Napahinto ako sa ginagawa kong paghahanap, nag-angat ako ng ulo at naabutan si Von na nakangiting nakayuko sa akin.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa paghahanap, "im fine" sambit ko.

"pumayat ka ata? Stress ka ba lately?" napaangat ako ulit dahil sa nag-aalala nyang boses. Umiling ako at hinila ang folder na hinahanap ko. Tumayo ako at hinarap sya.

"i dont know Von why your doing this? Pinagtutulakan mo ako dati na para bang diring-diri ka tapos ngayon makalapit ka daig mo ang loyalty awardee na asawa" diretsa kong sabi. Napailing ako at tinaasan sya ng isang bahagi ng labi ko. "i dont want any cat fights anymore, were done so please keep distance?"

Kakatalikod ko palang nang nahagip nya ang braso at mabilis itong hinila na syang dahilan para mapaatras ako at mapalapit sa kanya. "were not yet done, Trish!" matapang nyang sinabi.

Napangiti ako at napailing, binawai ko ang braso ako at hinarap sya. "im not your old Trisha Villanueva, Mr. Von Salazar. I change because of you. And either you like it or not, were done and keep your face out of my sight or else --" inis akong napangiti sa kanya. Masama ko syang tinitigan sa mata. "makakagawa ako ng mga bagay na hindi ko pa nagawa sa buong buhay ko" mabilis ko syang tinalikuran at bumalik na sa cubicle namin.

"si Von ba yun?" si Bess. Tumango ako at walang ganang bumalik sa harap ng monitor ko. "pursigido si tsong ah!" natatawa nyang sabi na kinailing ko nalang at binalik na ang sarili ko sa trabaho.

Pagsapit ng lunch, wala akong ganang magkipaghalobilo. Nagcup noodles lang ako at tumamabay sa harap ng monitor ko at pinagtuunan ng pansin ang trabaho ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi talaga maalis sa isipan ko ang mga pinadala ni Frost sa akin na mga larawan, i dont know why but its bothering me.

Parang may malalim na impact ang mga yun sa akin, kung tutuusin past na yun, im happy, were happy, ano pa ang pwedeng gawin o imbestigan. I can feel na totoo ang pagmamahal ni Boo sa akin. I can bet on his feeling for me.

On LeaveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang