Part 35

2.4K 92 3
                                    

Sorry about the typos and the wrong grammar! heheheh... thank you narin sa paghintay! 

CHAPTER 35 - Accident

Natulog kami ng buong umaga ni Boo, pagsapit ng hapon ay magkasama kaming naggrocery namili kami ng mga stock food sa condo nya. Mga toiletries at mga kakailangin pang importante sa condo nya.

Kumain kami sa labas at nagbonding narin sa pag-ikot sa loob ng mall. Napadpad kaming dalawa sa cinema at naisipang manood ng movie. Insurgent ang naisip naming panoorin, pumila si Boo para sa ticket habang ako naman ay nawiwili sa kakatingin ng mga nakadisplay na posters ng ipapalabas palang na mga movies.

Napayuko ako nang mapansin na may tumayo sa tabi ko, amoy palang alam ko na kung sino. Nasa tenga nya ang phone nya at pero alam kong wala syang kausap dahil ganito ang mga style niya sa pagbigay ng impormasyon.

"get away from him, he's no good for you" pabulong nyang sabi.

"why? What's wrong with him?" diretsa ang mga mata ko sa poster na nasa harapan ko.

"believe me Kit, you wont like the reason anyway" sagot nya.

"send me your report Frost, you know me. I dont easily believe in what people say" tumalikod ako at naglipat sa kabilang banda at nagbasa na naman ng mga poster.

Nakikita ko ang pag-iling ni Frost sa pag-iwas ko sa kanya. I know there is something behind that i need to know pero mahal ko si Boo, i cant feel any danger in his side.

"Boo" lumingon ako sa malambing na boses ni George. May hawak syang popcorn at cellophane ng soda sa kamay nya.

Ngumiti ako at napakapit na sa braso nya. Kahit pansin ko ang mga sulyap ng ibang tao sa aming dalawa, hindi parin naalis sa isipan ko ang sinabi ni Frost.

I wont deny that of all the men working for my Dad, Frost is my trusted one. Kahit kelan hindi nya pa ako binigo sa lahat ng pinapagawa ko sa kanya.

Tahimik kaming nanood ng sine, habang nanonood kami ng insurgent bumabalik din sa akin ang mga alaala ng nakaraan ko. How i tried to escape from my dark world and live on my own. How i runaway from my past just to forget everything.

"labas na tayo Boo?" tumayo ako at naglakad palabas.

Nag-aalalang sumunod si Boo sa akin palabas ng sinehan. Kahit paulit-ulit syang magtanong kung ano ang problema ko tanging pag-iling lang ang nasasagot ko sa kanya.

"sumakit bigla ang ulo ko Boo, sorry pwede bang bilisan nalang natin?" nakayuko kong sabi. Tumango sya at pinagsalikop ang mga kamay namin at umalis na kami.

Tahimik syang nagmaneho habang ako naman ay nasa bintana ang mga mata ko. Paminsan-minsan ay napapahawak sya sa kamay ko at pinipisil nya ito, paraan nya para tanungin ako kung okay lang, tanging ngiti lang ang binibigay ko.

Pagdating sa bahay, agad akong nahiga sa bed at sinubukang matulog, naririnig ko pagbukas ng mga drawer at cabinet, nilalagay nya siguro ang mga pinamili naming groceries.

Dinungaw ko ang phone ko para sana itext si Frost pero naunahan nya na pala ako.

Frost:

I send the details in your email. Stay away from that asshole!

Mabilis kong binura ang text ni Frost at inayos ang sarili, hindi ako pwedeng magopen ng mail dito sa bahay ni Boo, baka makita nya.

Bitbit ko ang bag, lumabas ako ng kwarto at hinanap si Boo. Nadatnan ko syang naglilinis ng mga prutas sa kusina.

"Boo, punta muna ako sa office, my mail kasing kailangan kong isend. Tawagan nalang kita mamaya." nakangiti kong sabi.

"ihahatid na kita Boo" sabi nya pero agad akong umiling, nilapitan ko sya at binigyan ng halik sa labi. "i promise to be safe" sabi ko at tsaka na umalis.

"dont forget to call me when you reach your office" sabi nya na kinatango ko naman agad.

Pagdating sa baba, sumakay agad ako sa taxi at sa bahay nagpahatid. Wala si Bess sa bahay, mas mabuti.

Tahimik ang byahe ko at nasa bintana ang lahat ng atensyon ko. Tumunog ulit ang phone ko at unknown number ang lumabas.

Hindi ko na sinagot dahil yan ang nakasanayan ko, ang huwag sagutin ang bawat tawag na hindi nakaregister sa phone ko.

Pagdating ng bahay, mabilis kong binuksan ang laptop ko at hinintay maopen ang mail na pinasa ni Frost. Kabado ako dahil kahit kelan hindi pa pumalpak si Frost sa pagbigay ng impormasyon sa akin.

Isa sya sa mga tauhan namin sa Triad ng pamilya. Sabay kaming lumaki ni Frost ngunit sya lang ang tinuruan ni Kuya at ate ng mga bagay sa triad at ako hindi. Gusto nilang mamuhay ako ng tahimik at hindi alam ang pag-ikot ng mga buhay ng tao sa loob ng triad.

Si Papa ang nagmana ng posisyon buhat ng mamatay si Lolo. Karamihan sa mga tauhan namin ay mga assassin, tinalikuran ko ang pamilya namin buhat ng mamatay ang kapatid ko dahil sa car accident. Kami nalang ni Kuya ang naiwan, at si Kuya ngayon ang may hawak mula nang magkasakit si Papa sa pagkamatay ni Ate.

Binuksan ko ang mail na pinadala nya at nagulat ako sa nakita ko. Mga litrato ito ng isang aksidente, may duguang pasahero sa loob ng kotse at halos wasak na ang harapan ng sasakyan.

Sa mga sumunod na litrato, napaawang ang bibig ko nang makita ang mukha ni Ate na puno ng dugo, naipit sya sa loob at mag-isa, ngunit bakit may tama ng bala sa noo si Ate?

Sa sumunod na litrato, ang nakangiti kong kapatid ang nakita ko kasama ang isang pamilyar na mukha sa akin. Napapikit ako at napaisip kong saan ko nakita ang mukha ng kasama nya.

Ang sumunod na litratong nakita ko ang nagpaestatwa sa akin, litrato ni ate na nakaupo, nakangiti at masaya, nakahawak ang mga kamay nya sa tiyan nya, sa nakaulbo nyang tiyan at katabi ang parehong lalaki.

Matagal akong napatitig sa litrato nina ate at ng lalaking kasama nya. Naglalaro parin sa isipan ko ang mukha ng kasama nya, naagaw lang ang atensyon ko nang tumunog ang phone sa tawag ni Boo.

Napahawak ako ng bibig nang maalala ko na sa bahay nina Boo sa Pampanga ko nakita ang lalaking ito, ito yung kasama nina Boo sa litrato.

Pumikit ako para at umiling, hindi pwedeng mangyari ang nasa isipan ko. Hindi ito ang kapatid ni Boo. Hindi, magkamukha lang sila.

Sinagot ko ang tawag ni Boo habnag hinihintay ang pagload ng next na picture.

[nasa office ka na ba?] tanong nya.

"oo, ito pa naghihintay pa ako maload ang letter na ipapasa ko kay Odet" sabi ko habang hinihintay na magload ang picture.

[sunduin nalang kita dyan, then well go straight to your apartment to get some of your stuff] dinig kong sabi nya sa kabilang linya.

"ah, tatawagan nalang kita mamaya Boo, magpahinga ka muna baka kasi magpunta rin dito si Abby sasab--" napahawak ako sa bunganga ko nang makita ang sumunod na litrato, si Boo at ang kapatid nya kasama si Ate sa isang Bar.

Napakagat ako ng daliri ko para pigilan ang mga hiningang nilalabas ng nanginginig kong katawan. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko ngunit nanatili ang kamay ko sa bunganga ko para pigilan ang sarili kong umiyak.

[Boo?] dinig kong sabi nya.

[boo, are you okay?]

[Boo?]

[mahal ko?]

Ilang besis akong napalunok para lang ayusin ang boses ko, nilayo ko sa akin ang phone ko at tsaka ako naglabas ng malalim na hininga.

"tatawagan nalang kita mamaya Boo, medyo nagkaproblema ang computer ko. Sorry ulit Boo" tsaka mabilis na binaba ang tawag nya.

Binuksan ko pa ang huling litrato na pinadala ni Frost sa akin, napailing ako at napahagulhol nang makita si Ate na nakaupo sa bed may hawak na sangol at kompleto ang pamilya nina Boo. Naguguluhan na ako ngayon sa nangyayari. Ano to?

"He kill my daughter, he thought my daughter is cheating on him that is why he set that accident to happen. Life to a life, he kill my Andrea. Ill kill his whole family."

Yan ang huling naalala ko na sinabi ni Papa nong gabing nilibing si Ate. Pagkatapos noon, pagkaraan ng isang buwan nagkasakit si Papa at si Kuya na ang naging pinuno. 

On LeaveWhere stories live. Discover now