Part 30

2.3K 103 1
                                    

CHAPTER 30

Buong umaga ko ginugol ang oras ko sa trabaho, pero pagsapit ng tanghalian kasama ko ang dalawa kong kaibigan para maglabas ng stress. Kumain kami sa labas at nagkwentuhan.

"yung baby girl na nakapost sa instagram ng boo mo, anak nya ba yun?" so Odet.

Tumango ako at ngumiti na kinagulat nila.

"okay lang sayo dear na may extra baggage sya?" si Odet.

tumango ako, "okay lang! Brey is cute naman at tsaka very nice and very sweet"

"makavery wagas bess noh?" sabad ni Abby kay Odet.

"oo nga eh, hopeless tuloy ang tunog" natatawang sabi ni Odet.

"totoo naman kasi, mabait yung bata at tsaka anak na sya ni Boo bago naging kami." paliwanag ko na kinangiti lang nila. "if you really love him, you should love also those who are around him" ngumiti ako sa kanila, gusto ko nang sabihin na itigil na nila ang mga tanong nila sa akin kasi okay na ako.

"paano ang modra ng girl?" si Abby.

Nagkibit balikat ako. Hindi pa kami nakapag-usap ni Boo about that matter kaya mahirap magsalita. Isa pa mahal ko na so boo, I don't see any problem with that. wala ako sa lugar to react.

"ikaw?" tinuro ko si Abby. "Kelan ka nagpaplano na magkwento about your lovelife?"

napaubo si Abby at nagtaas ng kamay at umiling. "naku next na kasi baka malasin pa kung pangunahan ko"

"ikaw?" tinuro ko si Odet na parang umiiwas na agad. "kelan mo ipapakilala yang mystery man mo?" may sinisekreto kasi itong kinakatagpo minsan.

"fling lang yun. textmate lang!" agad nitong sabi.

"ano ka pbb teen? pabebe? textmate? uso pa ba yan?" natatawang sabi ni Abby na agad ding pinalo ni Odet at sinaway.

Sa gitna ng katahimikan namin, nagsalita si Oder. "masaya na kami ni Abby para sayo. At least hindi kana tulad noon na nanlilimos lang ng pag-ibig mula sa taong manhid. Ngayon masaya kana sa kanya at alam no a mahal karin nya."

napangiti ako, tama si Odet. pinaramdam ni Boo ang pagmamahal nya sa akin kahit na bago lang kami nagkakilala.

"basta ingat lang. Ayokong masaktan ka ulit" malambing na sabi ni Abby.

tumango ako. I know my friends, they just want to assure my happiness. They've seen what I'd been through just to move on before.

Gaya ng dati tambak ang trabaho namin. Mag-oover time ako ngayon para bukas makapagleave ako. I want to have a long weekend for Brey and Boo. Gusto ko silang makasama, gusto Kong makabonding si Brey.

Hinatiran ako ni boo ng dinner. Magpapasundo nalang ako mamaya sa kanya habilin ko bago sya umuwi, nagpaiwan si Brey sa bahay dahil nandoon naman ang yaya nito.

Hinati namin ni Abby ang hinatid na pagkain ni Boo. Tulad ko plano nya ring maglong weekend.

"parang impossible yung pagkarelasyon nyo ni George noh? I mean parang ang bilis lang ng lahat?" napangiti sya, "hindi ka ba natatakot na baka, Alam mo na?"

Tumango ako sa tanong nya. Naisip ko na rin kasi yan noong pagbalik ko rito. Alam kong biglaan ang lahat at mahirap syang paniwalaan, "alam ko, pero who cares? mahal ko sya at mahal nya ako. kung magkaproblema man kami, normal lang yun. Wala namang relasyon na hindi dumaan sa pagsubok diba?" 😘

tumango lang sya at nagpatuloy kumain. Ilang besis akong napasulyap sa kanya bago ko nabuo ang desisyon kong tanungin sya tungkol sa kanila ni Alex. "kayo? kamusta na kayo?"

Tumango sya. "okay lang" nagkibit balikat sya, "sinusubukan ko ulit magtiwala, kahit alam Kong walang closure ang relasyon naming dalawa."

nangunot ang noo ko, "what do you mean?"

Napangiti sya at umiling.

Si Abby ang tipo ng taong Hindi makwento sa buhay nya. napakamisteryoso ng lahat sa kanya. Wala syang namention tungkol sa family nya, sa past nya at sa buhay pag-ibig nya. Ang alam ko lang nasa pilitika ang pamilya nila sa Batangas.

"can I tell you something?" mahina nyang sabi.

Napatitig ako sa kanya bago ako tumango.

"childhood sweetheart ko si Alex, high school palang ako nang makilala ko sya, sikat syang model ng isang brand, napadpad sya sa resort ng tita ko noon dahil sa photo shoot. After noon lagi na syang sekretong nagbibisita. Tapos bigla na syang nawala at hindi na nagpakita."

"bakit ganoon ka makareact noong nagkita kayo sa cubicle?" pansin ko ang pamumula ng pisngi nya.

"kasi he left me hanging on the air" pagod syang ngumiti.

"what do you mean?" nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

Nilabas nya ang necklace nya at pinakita sa akin ang pendant nya. "Alebby" basa ko.

Tumango sya, at ngumiti.

"team Alebby pala kayo?" nakangiti kong sabi, pero sya umiling lang at tipid na ngumiti.

matagal kaming nabalot ng katahimikan, gusto Kong magtanong pero ayaw ko namang sagarin ang moment kasi baka isipin nyang inaabuso ko ang moment na ito.

"balik na tayo?" nauna syang tumayo at niligpit ang pinagkainan namin. "thank you sa dinner ha?" nakangiti nyang sabi.

tumango lang ako kahit alam kong pilit ang ngiti nya.

nagbabad kami sa trabaho, hanggang ala una kami ng umaga sa office.

"uuwi kaba ngayon?" tanong ni Abby sa akin. Nasa elevator kaming dalawa pababa na sa ground floor.

Hahihiya akong umiling. Kahapon napadami narin ang dala kong gamit para sana makasama pa si Brey at Boo ng maraming oras.

Ngumiti sya at kumindat sa akin.
nanuot ang noo ko sa respond nya sa pag-iling ko. "bakit?"

Umiling sya kasabay sa pagtunog ng elevator. "basal bang magtanong?" sabi nya nang nanatili ako sa elevator na nakatayo.

Pabiro ko syang binatukan bago naglakad kasabay sya palabas pero hindi paman kami nakalabas ay nagpaalam na sya at mabilis na pumasok sa kotse nasa harapan namin, sa kotse ni Alex.

Kumaway ako na is ang pagbaba ng bintana at pagkuway ni Alex sa akin.

inimbita ako ni Alex na sumabay pero humindi ako lalo na't nakataas na ang isang kilay ni Abby. May plano na naman yung babaeng yun, I'm sure.

sinundo ako ni Boo, halatang Antok pa sya at kagigising lang dahil nakapambahay pa ito.

"boo daan tayo sa dunkin ha? ibibili ko lang si Brey ng donuts" napangiti sya at tumango. Inabot nya sa akin ang wallet nya tsaka sya nagpatuloy sa pagamaneho.

"ako na boo, my treat!" ibabalik ko na sana ang wallet nya nang mapatingin sya sa akin at Napa "tsk!" sabay irap. Napangiti ako at napailing. magbiro na sa lasing wag lang sa antok.

"buy two boxes" sabi nya at tumango lang ako.

Pagdating ng condo ni boo, nagulat ako sa presensya ng mga taong nandoon. May dalawang may edad na at isang magandang babae.

"nana!" sigaw ni Brey at kumaway pa ito. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi sabay pakarga.

kahit isang linggo palang kaming magkasama, ang Turin nya sa akin ay parang isang ina na.

"why your so late?" tanong nito. napangiti lang ako lalo na't nasa akin ang mga mata ng mga bisita ni Boo.

"ikaw, why your still awake?" tanong ko rin matapos ko syang halikan sa pisngi nya.

Naagaw ang atensyon ko nang hilahin ako ni boo palapit sa mga bisita nya, kabado akong napatingin sa kanya lalo na't iba ang tumatakbo sa isipan ko.

"boo, meet my family"

On LeaveWhere stories live. Discover now