Part 3

3.1K 102 1
                                    

CHAPTER 3 - Join Me

Naririnig ko sya na may kausap sa phone nya pero hindi ko nalang pinansin. Napalingon ako nang magmura sya dahil nalowbat na ang gamit nyang phone.

Nilingon ko sya at nasa desperado ang kanyang mukha. Inabot ko ang sling bag ko na nasa paanan ko at nilabas ang power bank ko.

"here you use this" nagulat sya sa pag-abot ko sa kanya ng phone. Nangunot ang noo nya, first time nya sigurong makakita ng power bank.

Kinuha ko ang phone nya at chinarge na sa power bank ko. "pambawe lang sa plane kanina" at binalik ko ulit ang mata ko sa bintana.

"Thank you!" sabi nya at ngiti ko lang ang sinagot ko.

"taga Camiguin ka ba?" nagulat ako sa bigla nyang pagtanong.

Umiling ako. "may pinapacover lang sa akin doon.

Tumango sya. "writer?"

Umiling ako ulit, "Lay-out designer ako, kaibigan kasi ng boss ko ang bagong may-ari ng ipapagawang resort. Gusto nyang ako ang magtrabaho" napatawa ako ng kaunti. "malayo nga ng kaunti sa trabaho ko pero si Boss kasi eh" tinanggal ko ang suot kong salamin para mas lalong makita ang perpekto nyang mukha.

Tumango sya na nagpipigil ng ngiti.

"by the way, im George" naglahad sya ng kamay sa akin na tinanggap ko naman agad. "Trisha"

"taga camiguin ka?" - ako

Tumango sya, "bago lang" sabi nya na kinatango ko. "San pala sa Camiguin ang punta mo?"

Kinuha ko ang address na nakasulat na sa papel at pinakita sa kanya. "alam mo ba yan?" tumango sya at ngumiti sa akin "yup, near to my place"

Napasinghap ako ng malalim, "great! hindi na ako matatakot mawala." nakangiti kong sabi sa kanya. "how about you? What's your work?" tinupi ko ang papel at nilagay ulit sa bulsa ng polo kong checkered.

"office worker lang"

Napapansin ko ang kanina nya pang mga titig sa akin. Pero hindi naman ako feeler. Baka lang naman natural nayan sa kanya.

Humaba ang usapan namin. Naging halos close na kami. Nagpapalitan kami ng kwento at kunti nalang super close na kami nitong lalaking to.

Pagdating sa barge, nagpatuloy na naman ang bonding namin. Nauwi na sa kung saan ang usapan namin.

"picture tayo para may remembrance ako sayo, okay lang ba?" pinakita ko ang phone ko sa kanya.

"sure!" at dumikit sya sa akin.

Naka limang picture ako sa kanya. Ngumingiti naman sya na para bang super willing sya magpapicture sa akin.

Nagpost ako ng isa sa instagram ko at nilagyan ng caption.

Life is either a daring adventure or nothing. Security is mostly a superstition. It does not exist in nature.

"Make it sure that nobody will punch after you post that!" sabi nya na kinangiti ko. Hinarap ko sya at umiling. "nobody cares about me. Baka ikaw?"

Natawa sya. "nah! Walang interesado sa akin."

"really?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "your joking, right?"

Natawa sya at ginulo nya ang buhok ko. "cute!"

"seriously? Cute ako?"inayos ko ang buhok ko at nanlaki na naman ang mga mata ko.

"yup!" tumango sya at seryoso akong tinitigang nakangiti.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko "ahhh! Kinikilig ako!" napatakip ako mukha at umiling na tumatawa.

Natawa sya at inalis ang kamay kong nakatabon sa mukha ko. "tell me, why you said nobody cares about you?"

Natahimik ako. Ilang besis akong huminga ng malalim bago nagsalita. "he doesnt love, he hated me and he was just force to comply the bet" yumuko ako, nahihiya ako para sa sarili ko sa tuwing maalala ko paano ko binaba ang sarili ko at ipagpilitan sa taong ayaw na sa akin.

"then?"

"he left me hanging on the air!"

Natawa sya. "pathetic!"

"ang sama mo naman, pathetic agad? Di ba pwede martyr muna?" natatawa kong sabi.

Natawa sya at umiling. "sorry na!"

"its okay! Ugly truth!" at natawa kami pareho.

Natigil kami nang tumunog ang ugong ng barge. Hudyat na nasa Camiguin na kami.

"Tara na!" excited kong sabi pero nabigla ako nang hilahin nya ako paupo ulit.

"wait!" sabi nya at kinuha ang bag kong hawak.

"bakit?" nangunot ang noo ko sa seryoso nyang mukha.

"join me, well go down together" at sya na ang nagbuhat ng bag ko hanggang makasakay kami sa sasakyang nag-aantay sa kanya.

"ihahatid kita, para makasiguro akong safe ka" anya.

Pumasok na ako sa hilux na sundo niya at ganun din sya. Sa likuran ako umupo at kinagulat ko na doon din sya umupo sa tabi ko.


On LeaveWhere stories live. Discover now