PROLOGUE

34.1K 348 33
                                    

PROLOGUE

“Mahal na mahal kita”, “Hinding hindi kita iiwan”, “Tayo lang dalawa hanggang huli”, “Hindi ka iiyak sa akin”, “Magkakaroon pa tayo ng pamilya.” –Ang mga katagang iyan ay hindi ko pa rin nalilimutan… nakatatak pa rin sa utak at puso ko. Mga katagang kahit gasgas na pero kapag nanggaling sa mahal mo paniniwalaan mo talaga nang lubusan...

Kahit na kadalasan wala pa namang nakakapagpatunay ng mga iyan.

Masakit isipin na nabubuhay tayo sa katotohanan. Sa katotohanang walang permanenteng bagay dito sa mundo. Sa mundong mas pinangingibabawan ng kasamaan, kasinungalingan, kataksilan, at marami pang iba.

Maging isang desperadang babae ay napakahirap gampanan. Bakit? Bakit nga ba nagiging desperada ang isang babae? Simple lang. Dahil nasaktan siya at gusto niyang maging masaya uli kaya humahanap siya ng mga paraan na makakapagpasaya sa kanya kahit alam niyang maling mali na. Nagpapakatanga pa rin siya sa mga bagay na wala ng pag asang mabalikan pa. Naghihintay pa rin, kumbaga ginagawa niya ang lahat ng mga kakaibang bagay na alam niyang makukuha niya atensyon ng mga tao sa paligid niya... Binabalikan pa rin niya ang mga alaalang alam naman niyang mas masasaktan lang siya lalo… Ganyan mamuhay ang isang DESPERADA.

Pero alam niyo ba na sa kabila ng paghihirap ng isang desperada ay isang matatag na babaeng 'yun ang paraan para sumaya? Kahit nagmumukha siyang tanga, gago, bobo, nganga, umaasa sa wala, uto-uto... 'La eh, dun niya nahahanap ang salitang “HAPPINESS” niya. Dun niya nahahanap ang Coke niya.

Makalipas ang anim na buwan…

Maraming nangyari sa loob ng anim na buwan na iyon…

Lalo na sa buhay ni Ynah Marie Sanvictores.

Maraming mga taong sumuporta sa kanya…

Marami siyang mga kaibigan na umalalay at gumabay sa kanya ngunit tinaboy niya lamang ang mga ito…

May pamilya siyang laging nasa likod niya lang para bantayan siya nang palihim… Suportahan na lamang siya sa mga bagay na alam nilang dun siya sasaya…

Mga taong nagbalak siyang mahalin pero siya lang din mismo ang nagbigay ng dahilan para layuan siya at hindi siya karapat-dapat mahalin…

Kasama na rin dito ang mga pagpapahirap at pagpapakasakit niya sa sarili niya...

Humanap siya ng mga paraan. Paraan upang takasan ang sakit na kanyang nararamdaman, upang takasan ang problemang kinahaharap niya. Paraan upang ipakitang lampa siya. Weak siya, wala na ang lakas niya. Wala na ang inspirasyon niya para mabuhay pa rito sa mundong ibabaw.

Tama nga bang paraan ang pagpapahirap sa sarili para lang matakasan ang mundong puno ng kasinungalingan at kahirapan?

Magiging manhid tayo, ika nila. Manhid daw tayo kung ginagawa natin ang mga bagay na 'yan lalo na pag ang kondisyon natin ay hindi na natin maintindihan pa.

Iniyak na niya ang lahat-lahat. Kulang nalang yata ay lumuha siya ng dugo at iluwa na ang mga mata niya. She even tried to cut her wrist pero wala, napigilan siya ng mga tao sa paligid niya. Nagkukulong din siya ilang araw sa kwarto niya nang hindi lumalabas. Hindi man lang kumakain… Makikita nalang siya na namumutla at sobrang payat. Sinubukan na rin niyang tumalon sa terrace nila pero buti nalang talaga at may nakapagpigil sa kanya. Muntik na rin siyang ma-overdose sa mga gamot na iniinom niya. Dinapuan na rin siya ng iba’t ibang sakit at marami pa siyang ginawang hindi tama.

Pero sa kabila ng lahat nang 'yon, tunay na nangingibabaw pa rin ang lakas ng pananampalataya niya… Nagdarasal pa rin siya sa itaas na babalik si Zayn. Alam niyang magmumukha siyang tanga at baliw pero pinagmamalaki niyang malakas lang talaga ang pananampalataya niya at walang magagawa dun ang ibang taong nagrereklamo. Ano nga naman ang pakielam ng mga tao sa paligid niya kung ganun ang idinarasal niya?

Nagdadasal siya na nasa masayang piling na ng Panginoon si Zayn… Na hindi na siya nahihirapan pa dun sa taas. Kinakausap niya si Zayn sa paraan na 'yun… Sa paraang si Lord lang ang magkokonekta sa kanya dito. Kung g'ano kalakas ang pananampalataya niya dito, hindi rin siya pinababayaan ng nasa itaas. Dahil kahit marami na siyang ginagawang mga pagpapahirap na bagay sa kanyang sarili, hindi pa rin ito tumatalab sa kanya dahil alam ng nasa itaas, hindi pa ito ang tamang oras… May mga susunod pang mangyayari na dapat niyang harapin at hindi takasan.

“Forever doesn’t exist, right? But hey, I’ll show you the real meaning of forever.” Ang mga linyang iyan na sinabi sa kanya ni Zayn dati ay hanggang ngayon… Pinaniniwalaan pa rin niya. Umaasa pa rin siyang magkakatotoo iyon. Kahit na wala na ito sa kanyang tabi, araw-araw… Gabi gabi… Oras oras… Laging sumasagi sa kanyang isip ang mga memoryang iniwan sa kanya ng kanyang minamahal. Ramdam niyang nabubuhay pa siya sa katotohanang andiyan lang si Zayn sa tabi niya… Hinding hindi siya nito iiwan, binabantayan at tinitignan lang siya nito parati.

Pero kahit siya ay nagtataka kung bakit isang beses lang talaga sumagi sa kanyang panaginip si Zayn... Pilit niyang patulugin lagi ang sarili niya dahil alam niyang yun nalang ang tanging paraan para magkasama sila. Dun nalang niya ito matatagpo... Pero bigo pa rin siya. Iniisip niya na bakit nga ba hindi man lang makuhang dumaan kahit saglit si Zayn sa kanyang mga panaginip?

Gustong gusto niya ring magparamdam man lang kahit isang beses ito sa kanya… Pero makalipas ang anim na buwan, walang bakas ni Zayn ang naaaninag niya. Wala kahit ni isang pananakot man lang.

Lagi niyang dinadalaw ang puntod nito…

Iniiyak pa rin niya ito hanggang ngayon. Hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyayari… Ang katotohanang wala na si Zayn Louis Realubit sa mundong ito.

Patuloy nga ba siyang mamumuhay sa mundong sarili nalang niya ang niloloko niya?

Magpapakatanga pa rin ba siya hanggang ngayon, at pilit ipinagpipilitang isang masamang panaginip lang ang lahat nang 'to?

May isa at karapat-dapat na tao nga ba ang papalit sa pwesto… Ni Zayn?

At ang mga katanungan nga bang naiwang nakatiwangwang ay siya rin ang makakasagot nito?

What lies beneath? Meron pa nga bang mga sikretong hindi nabubunyag? May mga tanong pa nga bang hindi nasasagot? May mga kasinungalingan nga bang nabuo?

DEATH ENDS A LIFE, NOT A RELATIONSHIP, ika nila. Umaasa pa rin siya hanggang ngayon.

---

(A/N: hello guys! muling nagbabalik. ^_^ Unknownimous, signing on again. :) saka ko ipopost yung chapter 1. pabitin muna tayo. ;) medyo tabingi na ako sa mga panimula eh, kaya pagpasensyahan ang prologue. <3

para saan nga pala ang pinacontest ng paramihan ng likes para sa best book cover? may npili na ako eh, kaso nung sinubukan ko, di siya kaysa. :/ kaya ang ginawa ko nalang, yung pinakaunang nagpasa ng book cover para sa story na ito ang ginawa kong book cover. pero idededicate ko nalang sa next chapter yung gumawa ng BC na napili ko na may pinakamaraming likes. as for now, thanks MESTIZONGPRIMADONNA! kaway. ^u^

malapit na pong maipost ang soft copy ng TROMN. kaunting araw nalang po, medyo busy kasi ako kaya di ko matuloy-tuloy pa yung pageedit. punta nalang kayo sa FB page ko, para makatunghay ng iba't ibang happenings at teasers about dito. :) click the external link beside. -->)

TROMN 2: Imprint on my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon