ENDING

8.3K 205 36
                                    

Hi. I'm sorry (about last night). And I'm sorry dito. I know may hangover ka kasi naglasing ka kagabi. Nag-usap kami ni Chyns at super obvious na naiinis pa siya sakin. Muntik na rin silang mag-away ni Bianca pero umawat na ko (siguro dahil medyo lasing na rin kasi si Chyns and nakainom din si Bianca). Lasing ka na rin nun so I bet di mo na yun alam. Sabi ng manager mo, may appointment ka today so bumili ako ng meds and your happy food. =) Dapat coffee ang bibilin ko pero baka malamig na pag nakita mo so 3 big boxes of your happy food nalang. Sana nagustuhan mo. =) And one more thing, Glaiza I love you. Sana wag mong isipin na ginagawa ko to para lang bumalik ka...well, of course gusto kong bumalik ka pero ginagawa ko to para ma-feel mong super special ka and you're not worthless. I'm sorry kung pinaramdam ko yun sayo before. Bumabalik ako para bawiin yun. I'm sorry. I miss you.

P.S.
Sorry kung kailangan ko pang isulat lahat ng ito imbis na itext ko. Madali kasing idelete pag text and pag letter, maitatago mo... Well, I hope so. Pero kung ayaw mo nitong letter, pwede mo namang itapon after mong mabasa. Sana lang kainin mo yung happy food mo. Please smile today. =)

-Rhi

Napalunok si Glaiza at napatingin dun sa tatlong malalaking box ng Pepero na may kasamang mga gamot na para sa kanya. Nakalagay ito doon sa may labas ng pintuan nina Chynna. Nilagay doon ni Rhian. Tiningnan niya ulit yung sulat.

"...ginagawa ko to para ma-feel mong super special ka and you're not worthless.."

Napapikit siya at napahawak sa ulo niya. Ramdam na ramdam niya pa yung sakit ng ulo niya pero mas nararamdaman niya ata yung weird na something sa puso niya. Natatouch ba siya? Flattered? Kinilig? Nainis? Nairita? What?


Napatingin siya sa labas. Medyo kaka-angat palang ng araw so tingin niya, mga alas-8 palang ng umaga.

Wait, so kung 8 palang, anong oras pumunta si Rhian dito para dalhin ang mga to? Anong oras ba sila umuwi kagabi? Napailing siya. Hay, Rhian. Hindi mo naman kailangang gawin ang mga to....

Kinuha niya yung mga box ng pepero at yung gamot at pumasok na siya sa loob.

Hinanap niya yung phone niya at nagtext kay Rhian.

//

From: G Vibes ♡
Salamat pero di mo naman kailangang gawin to. Nag-usap na tayo kagabi. Na-aappreciate ko to pero Rhian, ayoko nga muna. Wag muna please... Hindi ko pa talaga kaya. Pasensya na. Masakit umasa at ayokong maramdaman mo sakin yung naramdaman ko sayo. Wag ka munang umasa na babalik ako sayo ngayon.

Napabuntong hininga si Rhian nang mabasa yung text na yun from G. Kinusot niya yung mga mata niya at humigop sa kapeng iniinom niya. Medyo kakagaling niya lang sa bahay nina Chyns para nga iabot yung mga yun kay Glaiza. Dalawang oras lang ata ang tulog niya at di pa dire-diretso. Naguguluhan siya. Nasasaktan din. Hindi niya alam pero parang kahit wala pa naman siyang nasisimulan e gusto na niyang sumuko. Base kasi sa sinasabi ni Glaiza, parang ayaw na talaga nito. Ayaw na nitong may bumalik. Ayaw na nitong bumalik sa kanya.


Siguro nga nasaktan ko talaga siya ng sobra. Sino ba namang tao ang babalik ulit sa taong nanakit sa kanya? Ang tanga tanga mo talaga, Rhi. Sinayang mo lahat. Kung kelan wala na, tsaka ka naghahanap.

Napayuko siya. Umiiyak nanaman siya. Ang hirap isipin na parang imposible na ngang bumalik yung dati. Sobrang hirap isipin. Masakit.


//



Nagulat si Glaiza nang makapasok siya sa studio kung saan nagtetaping ng Vampire Ang Daddy Ko. Bumungad kasi sa kanya ang dyosang may dalang flowers and gifts at nakangiti pa ito sa kanya.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon