Time Machine (1)

6.5K 267 61
                                    

"I wanna go back to the way we used to be.. I wanna feel your skin, your lips so close to me. I wanna go back when I called you mine all the time. Every smile and every moment.. If only I have a Time Machine... If I could go back in time--"

"Uy Rhi, ang ingay... Natutulog ako."

Napa-stop si Rhian sa pagkanta nang magsalita si Glaiza. Nakahiga ito sa kama niya at nakapikit pa nga na halatang inaantok pa.

"Naman Lovelove eh. Tinulugan mo kasi yung movie na pinapanuod natin. Pati si Nadine, nilayasan ako dahil naboring na rin ata. Edi kumanta nalang ako." Nag-sad face si Rhian na parang lungkot na lungkot.

"Ano ba Rhian. Inaantok pa nga ako. Patulugin mo muna ako please." Nakapikit pa rin si Glaiza at hindi inintindi ang Girlfriend niya.

"Teka, Nilalamig ka ba? Hinaan ko lang yung aircon--"

"Ano ba Rhian!" Glaiza shouted. Di na niya napigilan. Siguro dala na rin ng antok at pagod. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kumamot pa ng ulo na parang nawala sa mood. "Uuwi nalang ako at doon nalang ako matutulog. Hindi ako makatulog dito." Umiling iling pa siya at tumayo na para umalis na sana sa kwarto ng Girlfriend niya.

Napatingin si Rhian kay Glaiza. "Wait lang muna Lovelove. Galit ka ba? Sorry."

Glaiza stopped pero di niya tiningnan si Rhian. "Uuwi na ko at doon nalang ako matutulog." Nagdiretso na siya papunta sa pintuan ng kwarto ni Rhian.

"Hindi ka ba muna magmemerienda or magcocoffee before ka umuwi?" Rhian asked.

Nagbuntong hininga si Glaiza at umiling. "Tulog lang ang kailangan ko kaya aalis na muna ako."

"Gabi na Lovelove. 10pm na. Dito ka nalang kaya mag-stay--"

"Rhian, ayoko!"

Rhian stopped.

Nagbuntong hininga nanaman si Glaiza at binuksan na ang pinto ng kwarto ni Rhian. "Aalis na ko." Tuluyan na siyang lumabas.

Napayuko si Rhian dahil para siyang nagtataka sa ugaling ipinapakita ni Glaiza sa kanya ngayon. Nabaling ang atensyon niya sa wallet ni Glaiza na nasa bed side table. Dali dali niya itong kinuha at inilagay sa bulsa niya. Sinundan niya si Glaiza.







"Lovelove. G. Kaumain ka muna." Rhian said pero di nagsalita si Glaiza at nagdiretso lang sa paglalakad.

Nakita pa nila si Nadine sa may kusina at binati pa nga si Glaiza.

"Uuwi ka?" Nadine asked.

Tumango lang si Glaiza dahil parang wala na nga siya sa mood.

Lumabas na siya at pumunta siya sa may bandang gilid ng bahay nina Rhian kung nasan ang kotse niya pero nakasunod lang si Rhian sa kanya.

"G, wait." Hinawakan ni Rhian ang braso ni Glaiza para pahintuin ito.

Huminto naman si Glaiza bago ito sumakay ng kotse.

"Sure ka bang uuwi ka? Gabi na e. Hindi ba delikado?" Halata sa boses ni Rhian ang pag-aalala para sa girlfriend niya.

"Kaya ko. May kotse naman ako." Sumakay na si Glaiza sa kotse niya at inistart na ito.

Wala na ring nagawa si Rhian kaya hinayaan nalang niyang umalis si Glaiza kahit ayaw niya.

Pero nakasarado yung gate kaya siya na rin ang nagbukas para kay Glaiza.

Liliban na sana si Glaiza sa kabilang kalsada dahil dun ang way niya nang magsalita si Rhian. "Lovelove."

Since nakabukas ang bintana ng kotse ni Glaiza, tiningnan niya si Rhian at hinintay ang sunod na sasabihin nito.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon