Like I Can (8)

6.5K 222 53
                                    

October 3





"Happy Birthday to my bestfriend na nagmana ng kagandahan sakin!" Hyper na pumasok si Bianca sa kwarto ng condo ni Rhian. "Hey! Bumangon kana! It's a beautiful day! It's your day!"

Nilapitan ni Bianca ang bestfriend niyang nakahilata pa sa kama.

"Hey Bestie! Happy Birth--" Napastop siya nang hawakan ang braso nito. "Oh my God. Bestie, ang init mo." Hinipo ni Bianca ang leeg at noo ni Rhian. "My God, may lagnat ka Bestie. Omg." Biglang nagpanic naman si Bianca at tumayo at lumabas ng kwarto ni Rhian.

Pumunta siya sa may Cabinet sa kitchen at kumuha ng meds and water for Rhian and mabilis din naman siyang bumalik sa kwarto nito.

"Hey.. Bumangon ka muna Bestie.. Omg. Birthday mo ngayon, tapos may sakit ka?" Ibinaba niya saglit yung gamot and yung tubig para tulungang bumangon si Rhian.


Parang tamlay na tamlay naman si Rhian. "Okay lang ako...." Halata sa boses niya ang pagkatamlay.

Umiling si Bianca at kinuha ulit yung gamot para ipainom kay Rhian. "No. Here. Inumin mo muna to."


Ininom din naman agad ni Rhian yung gamot tapos nagbuntong hininga siya pagkatapos. "Medyo masakit lang yung ulo ko pero okay lang ako... Bakit ka nandito?"

"Birthday mo ngayon! Bruha ka. Paano tayo makakapagparty kung may sakit ka?" Bianca said.

"Birthday?" Umubo si Rhian sign na may sakit nga siya. "Anong araw na ba ngayon?"

Napakunot namanan noo ni Bianca. "God Rhian! October 3 na! Ano ka ba. Ano bang nangyayari sayo?! Isip ka kasi ng isip ng kung anu ano kaya ka nagkakasakit." Pinagalitan naman ni Bianca si Rhian.

Suminghot si Rhian tapos umubo nanaman. "Okay lang naman e..."

"Okay?! This isn't." Umiling si Bianca. "I was expecting magpaparty tayo tonight pero... Well, I have no choice. Magsstay ka dito sa condo mo and kahit AYAW KO, magsstay na rin ako dito dahil baka kung anong abutan ko pag iniwan kita dito. Birthday mo pa naman."

"No. I'm fine... Baka may appointment ka.."

"Well, yun nga sana yung appointment. Yung party sana mamaya kasi nga birthday mo. But, well, eto nga. May sakit ka and hindi naman tayo pwedeng magparty na gegewang gewang ka dahil masama yung pakiramdam mo."


Nagbuntong hininga nalang si Rhian dahil parang wala talaga siyang gana ngayong masama ang pakiramdam niya..


"Wait, Tita Clara and Nadine texted me pala. Hindi sila makakauwe from London dahil hindi daw maganda yung weather don so cancelled lahat ng flights. Hindi ka daw nagrereply sa messages nila e." Kinuha bigla ni Bianca yung phone ni Rhian sa bed side table. "Oh my God. Ang dami mo ng messages. Kelan ka ba huling nagcheck ng phone mo?"

Tiningnan ni Rhian si Bianca. "Wala din naman kasi akong mapapala kung magcheck ako... Hindi ko naman din kasi makikita yung message ng taong gusto ko." Naglook away din siya at sumandal sa kama.


Tiningnan naman ni Bianca saglit si Rhian dahil alam niya ang ibig sabihin nito.. Hindi nalang siya sumagot at tiningnan na ulit yung messages sa phone ni Rhian.


"May text si Patty Tiu." Bianca said so biglang lumingon si Rhian sa kanya. "Ang sabi, 'Hi Rhian. It's 5 am and nabalitaan ko na birthday mo daw. Happy Birthday! Excited lang ako pero gusto ko lang sanang sabihin na sana makinig ka ng radio mamayang 10pm. I'll greet you. Yun nalang yung gift ko. Follow up nalang yung iba. Lol Ingat ka and Have a blast miss!'" Bianca looked at Rhian. "Yun. Makinig ka daw ng radio mamayang 10? Radio Dj pala siya?"

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon