Somebody's Me (7)

5.8K 198 53
                                    

My G
Calling.....







Literal na naipreno ni Rhian ang sasakyan niya nang makita ang nagregister sa screen ng phone na nasa tabi niya...

Oh, shoot. What the hell is this.....


Nanginginig na kinuha niya ang phone niya at bumuntong hininga pa bago tuluyang pindutin ang answer button.




"Hello Love-- I mean, Glaiza...." Napalunok siya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagpintig ng puso niya.


·


·


·


·


·



"Heyo po Mommy Yoyon."



Nabigla si Rhian. Boses ni Cassie ang narinig niya. "C-Cassie? Baby? Oh my gosh.. Baby how are you? Miss ka na ni Mommy Yoyon. Kamusta ka na?"

"Okie lang po ako po Mommy Yoyon. Ikaw din po miss ko na kita. Bat di po ikaw punta samin?"

Napalunok nanaman si Rhian. "Uhm, sorry baby ha? Ano, may ginawa lang kasi si Mommy Yoyon mo kaya di na nakapunta sa bahay nina Mommy Cha.... Kamusta si Mommy Cha? Nasan kayo?"


Tinanong yun ni Rhian kahit ang obvious naman na nasa sasakyan sina Cassie ngayon dahil medyo naririnig niya yung tunog ng sasakyan sa kabilang linya.

"Sa kotse po kami po. Kasama ko po Mommy Cha. Punta kami kanila Tita Cris po."

"Why? Bakit kayo pupunta dun? Saan yun?"





Medyo matagal na sumagot si Cassie sa kabilang linya...




"Sabi po Mommy Cha, bakit mo daw po tanong? Kung gusto mo daw po ba sama samin?"








Nabigla si Rhian. Naramdaman niya ang pagtalon ng puso niya. Si Glaiza? Tinuruan niya ba si Cassie na sabihin yun?

"P-Pwede ba? P-Pwede bang sumama si Mommy Yoyon sa inyo?"




Saglit nanamang nanahimik sa kabilang linya... Parang tinuturuan na nga ni Glaiza si Cassie ng sasabihin nito kaya di na mapigilan ni Rhian ang mapa-smile...


"Sabi po Mommy Cha, kung sama ka daw po samin, wag nalang tayo punta kanila Tita Cris."



Biglang napakunot ang noo ni Rhian. "What? Eh... Edi saan nalang tayo pupunta?"







Medyo matagal na katahimikan nanaman.



Pero nabigla si Rhian sa sumagot.










"Sa bahay niyo."









Halos mapalaki ang mata ni Rhian nang marinig ulit ang boses ni Glaiza sa phone.

Oh God, her voice omg. Wala pa namang dalawang araw na nagbreak kami pero bakit parang miss na miss ko na siya?




"Ituloy na natin yung sleep over na sinasabi mo." Sabi pa ni Glaiza over the phone at nagbuntong hininga pa. "Pero kung hindi naman talaga pwede at ayaw mo, okay lang--"



"NO!" Rhian almost shouted. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinakabahan ngayon. "Uhm...." Napalunok siya. "Tell me kung nasan kayo ngayon. Sabay sabay tayong pupunta sa bahay at doon matutulog... Hindi lang ngayon, hindi lang bukas. Kahit kelan natin gustong mag-stay don, magsstay tayo dun. So tell me, nasan kayo?"


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon