Loving you (6)

7.4K 194 64
                                    

"Tapos na mall tour mo? May appointment ka pa?"


Napangiti si Glaiza nang mabasa ang text ng Girlfriend niya.

"Hi lablab! ♥ Wala na. Isusurprise sana kita e pero tinanong mo so di na ko magsisinungaling. Hehe Pupunta ako sana diyan sa condo mo :)"

Hindi din naman nagtagal e nagreply na si Rhian sa text niya.

"No. Ako nalang pupunta sa Condo mo. Now na. I'm on my way. I'll wait for you there."

Napangiti nanaman siya. Of course. Merong key si Rhian ng condo niya. Para if ever na gusto nitong pumunta okay na okay lang. Tsaka parang 2nd owner na rin si Rhi ng condo ni Glaiza.

Napa-smile nanaman si Glaiza sa kakyutan ng kanyang lablab.


"Okay Love. I'm on my way na rin. Merong foods diyan sa ref if ever na gusto mong kumain kakahintay sakin. :) I love you!"


Napasmile siya. Nagkibit balikat nalang siya nang di na magreply si Rhian sa text niya. Well, inaamin niya nagexpect siya ng 'I love you too' from her. Pero naisip niya,


Baka nagddrive..


She smiled. Nag-start na rin siyang magmaneho papunta sa condo unit niya.


//


Naabutan niya si Rhian na nasa couch niya at nakatulala. Parang ang lalim ng iniisip. Nilapitan lang naman niya ito at kinissan niya ito sa pisngi.

"Hi lablab." Nag-smile si Glaiza.

Nagulat naman si Rhian dahil nandiyan na pala si Glaiza. Tiningnan ni Rhian ang mga mata ni Glaiza... Eto yung mga matang nagsasabi at nagpaparamdam sa kanya na mahal siya nito. Na totoo yung narararamdaman nito for her.. Na hindi siya nito iiwan kahit anong mangyare..

Hindi napigilan ni Rhian ang sarili niya at bigla siyang naiyak..


Nawala naman ang ngiti sa labi ni Glaiza nang makita niyang umiiyak si Rhian.


"Lablab? Rhian? Bakit? Anong nangyari? May problema ba?" Umupo si Glaiza para makausap niya ng ayos si Rhian.

Tiningnan ni Rhian si Glaiza. "I-I'm so sorry..."


Napakunot naman ang noo ni Glaiza. "Sorry? Bakit? Bakit kaba nagsosorry? Ano bang ginawa mo? Wag ka ng umiyak. Kung ano mang kasalanan yun, hayaan mo na. Wag kana magsorry. Okay?" Hinawi ni Glaiza ang buhok na humaharang sa mukha ni Rhian.

"Nooo. Hindi mo naiintindihan Glaiza..." Hindi alam ni Rhian kung paano to sasabihin. Ayaw niyang saktan si Glaiza at masakit din ito para sa kanya...

"Ipa-intindi mo sakin. Ano bang nangyayare? Nag-aalala na ko.."

·

·

·

·

·

"We need to end this." Biglang lumabas sa bibig ni Rhian ang mga salitang yun.

·

·

Nabigla naman si Glaiza. Naibaba niya ang kamay niyang humahawi sa buhok ni Rhian dahil bigla ata siyang nanlambot sa narinig niya.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon