Somebody's Me (8)

5.1K 159 28
                                    

Punung puno ng tawanan ang Rooftop sa may malapit sa room ni Rhian. Nasa rooftop ng bahay nina Rhian ang tatlo. Naglalaro. Kanina pa sila tawanan ng tawanan dahil puro lang sila harutan. Ilang araw na ding dito nagsstay si Cassie at Glaiza. Nung nakaraang mga araw kasi, may taping si Glaiza so kay Rhian naiiwan si Cassie. At kapag may appointment naman si Rhian, si Glaiza ang naiiwan dito sa bahay nina Rhian kasama din si Cassie.

Friday ngayon. Sa sunday na ang PEP interview ni Rhian... Nakapagdecide naman na siya, kaya di na niya muna masyadong iniisip.








"Aray!"

"Ouch!"




Napahawak si Rhian at Glaiza sa mga ulo nila.


Natawa naman si Baby Cassie. "Ahahahaha. Untog po kayo dalawa? Ahahaha."

Medyo natawa din sina Rhian at Glaiza sa pagtawa ni Cassie... Nakahawak pa rin sila sa mga ulo nila dahil sa sakit.

"Bigla bigla kang sumusulpot Love, Sorry." Nilapitan ni Glaiza si Rhian at kahit mas nasaktan ata siya, kinissan niya yung ulo ni Rhian kung saan niya ito nauntog. "Sorry Love. Sorry."

Umiling si Rhian. "It's okay.... Masakit pero okay lang. Mahal na mahal pa rin kita." Sinundot ni Rhian ang ilong ng Girlfriend niya.


Nilingon nila si Cassie at parang di na ito makahinga sa katatawa.


"Hala si Baby oh... Gusto mo nasasaktan si Mommy Yoyon tsaka Mommy Cha no?" Natatawa din si Glaiza habang hinihimas himas pa rin ang ulo niya sa sakit ng pagkakauntog nila ni Rhian.

Umiling si Cassie. "Di po. Katawa lang pag-untog niyo po dalawa Mommy Cha. Ahihihihihi."


Natawa si Rhian at nilapitan ang Baby nila at kiniliti ito. "Tinatawanan mo kami ha? Tinatawanan mo kame eeeeehhhh..." Parang nanggigil si Rhian at kiniliti pa lalo si Cassie.

Lalo lang natawa si Cassie dahil bet na bet niya talaga yung mga harutang ganito.

Napangiti naman si Glaiza at nakisali sa harutan nung dalawa. Binackhug niya si Rhian at kiniliti din ito so napastop si Rhian sa pagkiliti kay Cassie dahil siya naman yung natatawa.


"Baby, tumakbo ka na dali. Para di ka na mahabol ni Mommy Yoyon." Natatawa pa si Glaiza habang hinaharot si Rhian.

Mabilis na tumakbo si Cassie sa kabilang side ng rooftop. Natawa si Rhian at biglang niyakap si Glaiza.


Kinissan niya pa ito sa pisngi tapos hinabol na si Cassie.


Medyo natawa nanaman si Glaiza. Naisahan ako dun ah. Alam ang kahinaan ko.



"Waaaaaaaaahhhhh" Sigaw ni Cassie nang makalapit na si Rhian sa kanya tapos humagikgik ng pagkacute cute. Natawa si Rhian sa kakyutan ni Cassie.


Malaki ang pagkakangiti ni Glaiza habang pinagmamasdan ang dalawa...

Hay... Ang sarap nilang titigan. Yung masaya lang sila. Parang baby talaga namin. Sana ganito nalang kami lagi. Sana di na to matapos.....












Riiingggg... Riiiingggg....





Medyo nabigla si Glaiza nang mag-ring ang phone na nasa bulsa niya.



Napakunot ang noo niya bago sinagot ang caller.


"Ate Cris?"

"Cha, nasan kayo ni Cassie? Nandito kami sa bahay natin ngayon. Kasama ko yung lola ni Cassie..."








RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon