The other way around (3)

12.1K 331 51
                                    

"PACK UP NA!!!"

Napasigaw silang lahat dahil after 5 straight days ng taping ay pinayagan silang magpahinga for 2 days.

Nagpapack up si Glai ng gamit niya nang lumapit sa kanya si Rhian. "Girlfriend!!! Hahahahaha." Natatawa nitong sinabi.

Napatingin naman si Glaiza sa kanya. "Hay nako. Pinaalala mo nanaman yung pagpapakilala mo sakin na girlfriend mo nung nagguest ka sa 'Tunay Na Buhay'."

Natawa naman si Rhian. "Bakit? Kinilig ka naman dun ah! Hahaha Admit it. Kinilig ka dun."

"Purpose mo yun no? Pakiligin ako?"

"Wag ka nga diyan! Pati naman ako kinilig nung sinabi ko yun." Napangiti ito na parang kinilig. Ganun din naman si Glaiza.

Matagal silang nagkatinginan habang nakangiti nang biglang may tumapik kay Glaiza. And well, sino pa ba ang sisira ng ganung moment? Ang nag-iisang Chynna Ortaleza.

"Ano nanamang namiss ko? Saglit lang tayong nagkahiwa hiwalay may moment na agad kayo. Eto si Rhian e. Ano ba talaga ha? Crush mo ba tong bestfriend ko?" inakbayan ni Chynna si Glaiza at tumingin ito kay Rhian na parang nanloloko.

Natawa naman si Rhian. "Hindi ko crush yan! Girlfriend ko na nga yan e."

Napatingin naman bigla si Chynna kay Glaiza na halatang nagulat. "Oh?! Kayo na? Oh my Gosh. Kelan pa?" tapos tumingin nanaman siya kay Rhian.

"Secret. Basta girlfriend ko na yan. Wag mo nga siyang akbayan ng ganyan!" Lumapit si Rhian kina Chynna at Glaiza at inalis ang kamay ni Chynna na nakaakbay nga kay Glaiza. "Selosa ako. Wag mo yang aakbayan."

Obvious naman na di na makapagsalita si Glaiza sa mga naririnig niya mula kay Rhian. Kanina pa nanginginig ang kamay niya. Kanina pa tumatalon yung puso niya.

Totoo ba to? O baka nagjojoke lang siya? Baka binibiro niya lang si Chynna. Nasa script ba to? Bat wala akong maalala na nasa script to? Ano ba to Rhian? Pinapatay mo ba ko?

"Whoa. Wala akong masabi. Totoo ba to? Alam na ni Direk? Alam na ng mga Rebels niyo? Ang bilis ng pangyayari." Parang hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Chynna.

"Shhh. Wag kang maingay. Secret lang to." Nag hand gesture naman si Rhian ng Shhh. Tapos tumawa.

Sa wakas, nagawa na ni Glaiza na makapagreact sa mga naririnig niya. "Ano kaba Rhian. Tigilan mo nga yan. Baka mamaya maniwala na nga yan si Chynna sa mga sinasabi mo." Ngumiti siya. Pero alam niyang di niya ginawa ang ngiti na yun.

"Ano naman kung maniwala siya e totoo namang girlfriend na kita."

"In character ka pa rin bilang Jade Tanchingco no? Hahaha. Baliw ka talaga. Magpack-up kana Miss Rhian Ramos. Isantabi mo muna yung character mong si Jade Tanchingco."

"Hindi ako si Jade Tanchingo ngayon na nagsasabing girlfriend niya si Althea Guevarra. Ikaw talaga Glaiza. Binabasted moko."

Napatingin naman si Glaiza kay Rhian. "So totoo talaga to?"

"Oo nga girlfriend." Tapos nagsmile si Rhian. "Anyways, pwede bang magstay nalang ulit ako sa condo mo Glai? Ang layo pa kasi ng byahe ko kung uuwi ako."

Hindi alam ni Glaiza ang isasagot kaya syempre, si Kapitana na ang sumagot para sa kanyang bestfriend. "Oo naman. Parang ikaw na nga second owner ng condo niya. Sige. Magpakasaya kayo dun ha? Wag kayong gagawa ng kung ano sinasabi ko sa inyo." natawa ito.

"Hala Chyns baliw ka! Ang dumi ng utak mo. Magmmovie marathon lang kami ni Glaiza. Yun naman lagi naming ginagawa e."

"Nakuuuu. Basta itext niyo nalang ako pag kailangan niyo ng back-up. Hahaha. Sige na sige na. Una na ko. Hinihintay na ko ng driver ko. Ingat kayo ah. Yung bilin ko." Tumawa pa ito ng malakas bago tuluyang umalis.

"Baliw din yun e. Sooo, pwede nga kong magstay ulit sa condo mo Glaiza?" Tumingin ito kay Glaiza at nag-smile.

Di na mapigilan ni Glaiza. Ewan niya. Iba na talaga nararamdaman niya...

"O-oo naman... Oo naman girlfriend." tapos ngumiti ito.

///

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: WAAAAAHHHHH GIRLFRIEND!!!!!

Hihihi SORRY NA KUNG MADALDAL WAAAH HUHU ✌

.

.

.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now