Chapter XII: The Muse

8 0 0
                                    

Sumama naman samin si Liam sa may park. Hinayaan lang namin si Ash na maglaro sa abot ng aming makikita. Kami naman ni Liam nakaupo lang dito sa may benches. Pinagmamasdan ni Liam yung middle finger nya na nadali ng bola havang practice daw nila para sa liga. At may naiisip nanaman akong kalokohan.

"Liam, anyare jan masakit? Tingin nga?!" Inabot naman nya sakin yung kamay nya. Natawa naman ako sa itsura at nagmistulang longganisa ang daliri nya dahil sa pamamaga. "Nadali ako kanina ng bola Allie, dahil sa pagpasa ni Chris galit ata." Kwento nya. "Ganun ba?" Sarkastiko kong sagot at bigla kong hinatak yung middle finger nya. "ARAAAAAY!!' FUCK! TANGINA ALLIE!!!" Hahahahaha! Nakakatuwa na ganito si Liam. I really like to bully him to death. Makaganti man lang ako sa lahat ng kalokohan nya sakin.

Tumingin sya sakin ng seryoso at naiinis, "Akala naman laging nagbibiro. Sinabing masakit talaga eh." Dinilaan ko lang sya sabay sabing "Ows talaga?!" Sabay hatak ko ulit sa middle finger nya. "Allie!!! Tangina humanda ka sakin. Tumakbo kana!" Tumakbo na ako ng mabilis. Sobramg bilis na hingalin nko sa naikot ko ang park, pero wala matangkad si Liam kaya nahabol nya ako. Agad nya kong nahuli, at niyakap patalikod. Di nya ko pinakawalan hanggang sa umupo ulit sya sa bench. Ang awkward ng posisyon namin dahil nakakandong ako sakanya. "Wala ka ng kawala Allie. Kala mo laging nakikipaglokohan ha. Sa pag uwi gagamutin mo 'to. At sasama ka mamaya samin manghingi ng solicit."

"Ayoko! Magbahay bahay yun diba?! Ayoko. Mapapagod ako." Tanging sagot ko.

"Sasama ka sa ayaw at sa hindi dahil ako ang Team Captain at ikaw ang napili kong Muse." Sabi nya sakin na parang walang pag aalinlangan na hindi ako tatanggi.

"Ako? Muse? Sa chubby kong ito?! Tangina insulto ka ba?! Abat ga--aray!!" Bigla nyang tinampal ang bibig ko. "Bat mo tinampal bibig ko?!" Napipikon na angil ko. Una, muse. Pangalawa, nagsasalita ako biglang ganon.

"Simula ngayon Allison Deanda Santos, ayoko nang makakarinig na kahit anong mura manggagaling sa bibig mo. Kapag nagmura ka. Tampal yan. Okay?" Tumingin sya ng diretso sa mata ko. Naisip ko. Nakakandong pa din ako, habang nakayakap sya sakin at napakalapit ng mukha nya, at mga labi nya.. Ayyy, shet yummy! "Hoy! Okay ba Allie?!" Bigla naman ako bumalik sa huwisyo. "O--oo. Oo na! Badtrip!" Nagpumilas ako sa yakap nya at tumayo na.

"Good. Tawagin mo na si Ash, umuwi na tayo at gagamutin mo pa 'tong daliri ko." Tss. Ang yabang. May karapatan? Boyfriend ang peg?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The MuseWhere stories live. Discover now