KABANATA VII: He'll Be

29 2 1
                                    

Kakatapos lang ng practice nila sa para sa liga. Kaya napag isipan namin na tumambay sa tapat ng bahay. Nagtatawanan sila about sa mga kalokohan nila kanina habang naglalaro. Samantalang ako, wala ako ni-isa magets sa sinasabi nila dahil wala naman ako dun.

Nagpatugtog ng malakas na Love Songs ang pinsan kong si Nics. Na sobra ko naman ikinatuwa dahil sa wakas hindi na rin ako mabobored! Umupo ako sa isang mahabang monobloc chair na kasya ang tatluhan.

"Paupo ako Allie ha?" Nagulat ako kasi ngayon lang ulit ako pinansin ni Chris. "Osige lang! Para ka naman ibang tao!" Ngumiti sya kaya ngumiti din ako. Umupo na sya, tapos yung braso nya pinatong nya sa sandalan nung upuan. Kumbaga para syang nakapaakbay.

"Ayos ah gumaganyan ka ngayon!" Sabi ko, hindi nya ako pinansin at nakisawsaw nanaman sa usapan nila John, Bentong at Harry. Ako naman nakikinig sa mga lovesongs at nakikisabay na din sa mga kanta. Tapos bilang tumugtog yung favorite lovesong ko. Kaya sumabay ako at lalo kong nilikasan ang boses ko!

The strand in your eyes

That color them wonderful stop me and steal my breath

And emeralds and mountain that thrusts towards the sky

Never revealing their depth

Biglang tumabi sa kabila kong side si Liam "Ano nanaman ba ha?" Angil kong sabi sakanya. Saya saya ng buhay ko eepal nanaman 'to.

"Paupo lang Allie e!" Tapos pinatong nya din yung braso nya sa sandalan nung upuan. Napansin naman ito ni Chris kaya sa inis nya tinanggal nya yung kanya. Nilagay naman bigla ni Liam ang kamay nya sa bewang ko tapos mas lalo akong isiksik sa tabi nya. "Favorite mo yung kanta?"

"Eh ano naman? Paki mo?!" Di ko na lang pinansin yung ginagawa nya. Nagulat ako ng nilapit nya kung bibig nya sa tenga ko at pabulong na kinakanta yung favorite song ko! Tumaas lahat ng balahibo ko sa batok.. Ano ba tong effect sakin ni Liam! Kinikilabutan ako!

I'll be your crying shoulder

I'll be love suicide

I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

Sa buong pagkanta nya sa tenga ko parang blur lahat ng ingay na naririnig ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang boses nya. "Ayos ba?" saka lang ako napalingon sakanya. Anak ng putspa! Maling mali Allie! Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa!

Bigla akong hinagisan ng tissue ni Nicole ate sinabi "Tama na yan! Masyado ng sweet! Umaambon na!"

Hala! Oo nga no! Hindi ko na napansin! Grabe ano ba 'to!

"Pasok na tayo sa bahay Ate Allie!" sabi ni Alvin

"Sama ako sa loob best!" pahabol ni John

"Sige! Tara na! Bago pa tuluyang umu--"

"Ako din sasama Allie!" biglang singit ni Liam, "Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sakanya

Pagpasok namin sa loob ng bahay, kanya kanya kami ng pwesto ng uupuan. May tatlong mahahabang sofa kasi dito sa loob.

Umupo ako sa malapit sa Tv Set dahil gusto ko ako maglilipat ng mga kanta. Nasa kabilang sofa si Alvin at Liam. Tumabi naman sakin si John. Si Nicole naman ay sumalampak sa sahig.

"Best! Nanliligaw ba sayo si Kuya Liam?" Bulong nya, "Baka naman magpaligaw ako jan! E mahal na mahal ko yung boyfriend ko sa Manila. Four months na kaya kami!" Kinikilig kong bulong sakanya

"Eh ba't ganun kayo kanina? Selos na selos nanaman tuloy si Chris! Akala mo inagawan ng laruan, e hindi naman sya makapalag kay Kuya Liam." nagtatakang sabi nya. E maski ako hindi ko alam bakit gumaganun sakin si Liam. Kung ano man ding kalokohan yun, ayoko na alamin! Maasar lang ako lalo sakanya!

Pumasok si Kuya Matt sa bahay "Liam, Vin, John tawag kayo ni Tito Aj magpapasukat na daw kayo ng jersey bilisan nyo na daw para hindi abutang ng ulan."

"Osige kuya Matt! Salamat! Ge alis na kami Nics, Allie!" paalam ni Liam as if naman may paki ako sakanya!, tumayo na sila ni Vin at lumapit sa pinto habang inaantay si John

Tumingin ako kay John, ang boring naman pagsumama sya! "John! Best! Wag ka na sumama! Wala ako kasama! Sige na! Wag ka na sumama!" pagmamakaawa ko sana naman effective. "Sige John, pwede pa naman siguro bukas kasi wala din yung ibang player." sabi ni Liam

"Yehey!!! Oh best! Okay na! Wag ka na sumama! Kwentuhan na lang tayo!"

"Sige best! Thanks Kuya Liam!" natatawa ako kasi ang landi ng pagkakasabi, e ayaw pa naman ni Liam sa bading

"Okay! Teka may nakalimutan ako!" Nagkatinginan naman kami ni John, wala naman syang dala ano makakalimutan nya?

Lumapit sya saakin at hinawakan ang mukha ko, nagtataka naman ako kung ano nanaman binabalak neto.

Bigla nyang kiniss yung ulo ko. Nanlaki naman yung mata ko! "Inamoy ko lang buhok mo! Hindi ka pa kasi naliligo! Yung reaction naman ng mukha mo para kitang kiniss!" Aba't ang kapal mukha nya! Naramdaman ko naman na lumapat labi nya sa ulo ko! "Kapal talaga ng apog mo! Lumayas ka nga dito! Naaalibalbaran na ako sa mukha mo!"

"Hahahahahaha! Allie! Masyado ka kasing assuming! Anyway, wala man lang ingat?" Natatwang sabi nya, pati sila John, Vin at Nics natatawa na!

"WALA LETCHE! UMALIS KA NA NGA!" sigaw ko. Tuluyan na silang umalis.

Inamoy daw! KISS YUN EH! KINISS NYA AKO NA PARANG MAGPAPAALAM NA AALIS SYA!

Bakit? BAKIT SYA GANUN?!!!! At bakit ko 'to naramramdaman!

KINIKILIG AKOOOOOOOOOOOO!!!!!!

BAKIT Marc Liam Mendoza????!

The MuseWhere stories live. Discover now