KABANATA VI: His Moves

31 2 0
                                    

Gabi na at tinatamad akong tumambay hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing naiisip ko yung kanina naasar lang ako lalo kay Liam! At pati na rin sa sarili kong tatanga tanga syempre! Hindi ko tuloy alam pano ko pakikitungugan yun!| Pero hindi kaya ko naman yun! Matangkad lang sya yun lang lamang nya! Nag-iisip ako kung ano pwede i-ganti ng biglang bumukas ang pinto, at niluwa neto si Bading. Ay, hindi pa pala kasi hindi pa sya umaamin. Pero halata naman! HEHEHEHE

"Best! Labas ka na! Tambay na tayo sa dulo! Hanap ka din ni Kuya Liam!" excited na sabi nya

"Ako Janjan tigil tigilan nyo ko ha! Isa ka din sa nagpahamak sakin kanina! Ano pa ba gusto nya? Di pa ba sya natuwa sa kiss ko? Baka gusto nya sa lips din?" asan na sabi ko, "Bakit best? Gusto mo sa lips din?" sabay nakakalokong ngiti

"H-Hindi noh! A-asa naman sya! Bwisit na yun! Wala na syang ginawa kundi uratin ako ng uratin simula pagkabata natin!"

"Grabe ka naman Best! Kala mo sobrang tanda na natin! 15 pa lang tayo no! Ay! Gurang na pala kayo ni Kuya Liam! 16 na kayo! Bagay na bagay!"

"Ano bang pinagsasabi mo jan! Nakakadiri lang! Ewwwww!", hinatak ko na sya palabas ng kwarto "Tara na nga! Hindi mo naman ako tatantanan e!" sabi ko, grabe po kasi sya mangulit! Dinaig pa si Mike Enriquez!

"Buti alam mo! Tara andun sila sa dulo. Sa tapat ng bahay nila Harry."

Nakalabas na kami ng bahay, at mula dito kitang kita ko na sila na nakatambay dun. Yari talaga saakin yang Marc Liam Mendoza na yan!

"Kabado ka ba Best?" bulong ni John nung medyo malapit na kami, "Bakit naman ako kakabahan sa damulag na yan?" sabi ko kahit medyo kabado nga

"Ba't sya ba tinutukoy ko? Uyyyyyy!" asar nya saakin. Binatukan ko nga! "Aray naman best! With feelings pa yun!"

The MuseNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ