Chapter XI: Upside Down

20 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit lagpas tatlong araw na at ganito pa din si Liam sakin. Nagtataka na nga din ang Gang. Yung sudden sweetness nya, hindi na nya ako inaasar o nilalait o kanit na anong ikakapikon ko. Para syang nagbago. At hindi ko. Din alam kung bakit.

"Ate Allie." Napalingon ako. Si Ashlee. Bunsong kapatid nila Liam at Bry.

"Yes baby?" Tinaas nya ang dalawang kamay nya, nagpapakarga ang baby. Close na close sya sakin dahil pareho kami ang mga gusto sa buhay. Isa na dun ang maging pretty! Hahahaha! 4 years old pa lang si Ash pero parang hands on ako na nanay kapag kasama ko sya.

Kinarga ko sya, kahit maging maliit ako lalo okay lang! Hehehehe! "Tara nga baby! Saan mo ba gusto magpunta?" Napa-pout naman sya. Ang cute cute nya grabe! Di ko alam pano naging kapatid 'to ni Liam. Siguro ampon talaga yun lalaki na yun. "Bawal daw ako lumayo Ate Allie sabi ni Kuya Liam eh."

"Sino nagsabing bawal? Si Kuya Liam mo?! Sus. Hindi mo sya nanay --"

"Eh ikaw ano ka ni Ash?" Bigla nanaman lumabas tong damuho na 'to. May lahi atang kabute kung san-san sumusulpot!

Niyakap ako ng mahigpit ni Ash, tapos bumulong "Ate, crush ka nyan ni kuya eh. Hihihi!"

"Hahahahahahahahahahaha! Talaga? Kadiri naman yang kuya mo Ash!" Kahit hindi nakakatawa yung sinabi ni Ash, tumawa na lang ako para kinwari iba pinag uusapan namin.

"Ash! Anong sinabi mo tungkol sakin ha? Wag kang sumama jan! Panget yan tsaka chubbypot!" Asar nanaman ni Liam sakin. Naku pag talagang sumeksi ako HU U talaga sakin yan. Binaba ko si Ash, "Baby, paalam ka kay Tita Ann. Punta tayong park." Napasmile naman si Ash habang patakbo sa bahay nila. Tumabi sakin ang walang hiya.

"Ano nanaman tinuturo mo kay Ash? Nung una, favorite nya na si Spongebob at Patrick kasi gusto mo daw yun. Tapos mahilig na mag-makeup makeup. Ngayon naman tuturuan mong pumunta kung saan-saan?" Singhal nya sakin.

"Magagawa ko? Idol ako ng bunso nyo! Saka anong masama? Tinuruan ko na sya magdrugs? Ay, wait tuturuan ko sya kung pano maging play girl. Tama! Para paglaki nya hindi sa tatabla sa mga paeffect effect mong ganyan tulad ng ginagawa mo sakin! Hot and Cold! Letche!"

The Museजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें