Prologue

177 7 2
                                    

𝒥𝒽𝑜𝒶𝓃𝓃𝑒 𝒮𝒾𝓃𝑒𝒶𝒹 𝒹𝑒𝓁𝒶 𝒯𝑜𝓇𝓇𝑒

The Start of Misery

"I'm sorry, Miss dela Torre," the doctor said, solely. "Mr. dela Torre is not able to make it."

Napakagat-labi ako. Araw-araw, iyon ang paulit-ulit na parang sirang plaka sa isip ko. Sariwang-sariwa pa ang alaala ko. Parang kanina ko lang narinig iyon mula sa doctor, parang kanina ko lang nakita si Daddy na tinakpan ang mukha ng kumot.

Ang isang linggo ay naging isang buwan... Hanggang sa naging anim na buwan na pala ang lumipas.

I can't believe I was able to endure this for six fucking months!

Isang linggo ko na iyon naririnig mula sa isipan ko ngunit ni isang patak ng luha, walang lumihis sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, hindi ko kayang umiyak dahil sa sakit. Hanggang ngayon, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili na panaginip lang ito at magigising akong lahat ay katulad ng dati.

Pero hindi na mahalaga kung isang bangungot ito o katotohanan.

Nakakamanhid na ang sakit...

My heart felt as if it was wringed and hardened. It was hammered into pieces multiple times. It felt like it was pulverized to be blown by some wind and vanish fully.

I never felt hollow. Nothing will ever be hollow like my heartless chest.

Napahawak ako sa pendant ng aking kwintas. Isang kwintas na may pendant na tunay na diamante. Ilang beses ko na itong pinag-isipan. Sa mga oras na gipit ako, iniisip kong baka pwede rin itong ibenta na lang. Probably, I can get a higher bid in an auction.

Ngunit, hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

Ito na lang ang natatanging alaala ni Daddy. Kung ihihiwalay ko ito sa akin, pakiramdam ko, hindi ko na kailanmang makakasama ang aking ama.

"Miss Dela Torre," pumasok ang sekretarya ni Daddy, si Mariel. Matapos namatay si Daddy nagsilbi na rin siyang sekretarya ko. "Mr. and Mrs. Perez would like to speak to you."

Inikot ko ang inuupan kong swivel chair upang harapin si Mariel. "Papasukin mo," sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob ko upang gampanan ang pagiging presidente nitong kumpanya sa edad na labing-walo. I still have not achieve anything in life.

Pumasok na si Tita Marga at Tito Serjoe.

"Good morning." I greeted formally and stood. "How may I help you?"

"Hanggang kailan mo itataas ang pride mo, Jhoanne?" Angil agad ni Tita. "Gusto mo ba talagang ibagsak ang kumpanyang ito?"

Napahilot ako ng aking leeg. "If you're still into opening the stocks to public, I'm sorry but my decision is absolute."

"Then, how can you fix all these? We are running out of funds, sued by different people. Kulang na lang ay ipasara ang buong kumpanya! How can we continue operating if you're not selling stocks!"

"Walang papasok na hindi kapamilya," sabi ko. This company was run by my Father. Walang sinuman ang aangkin nito. Si Daddy ang naghirap at ako ang anak niya. I can't slip my Father's hardwork in my very own hands. Isa pa, naging legasiya na ito ng dela Torre.

At, paano ko madadakip ang salarin kung balak pala nilang tumakas sa kasalanan nila sa ganitong paraan?

"Mag-isip ka nga, Jhoanne!" Si Tito Serjoe na ang nagsalita. "If you continue to run this without prior knowledge, you can be our downfall. This is not an old-fashioned system we are in, now. Decisions should not be centralized and controlled by one person only."

Pinandilatan ko si Tito Serjoe. "We'll have a vote for the decision then. As an acting President, I will be presiding this. Same rules. The majority wins."

Kahit hindi nila sagutin ang tanong ko, alam ko naman ang nasa isip nila.

Hindi ko kaya.

I never tried to learn the core operations of out business. I did not take a course related to medicine or pharmaceuticals.

As they say, I'm naive.

Pero, ipipilit kong paganahin parati ang utak ko, maisalba lang ang kumpanya nang hindi ito mawawala sa mga Dela Torre.

This is an important asset of the family. Mas importante ito dahil ito ang pinasapasa mula sa nakaraang henerasyon hanggang sa kasalukuyan.

Nang mamatay si Daddy, ipinasa na sa akin kaagad ang posisyon niya bilang nag-iisa niyang anak. Ipinasa lahat sa akin ang responsibilidad. Pati mga desisyon, nakasalalay din sa akin.

Masyado ba akong bata para rito. They believe I'm not capable.

Ngunit, bukod doon, iba ang iniisip ni Tita Margo.

If the stocks are open to public, then they can sell the stocks too. Worst, they will sell the stocks to the Cervantes. Adison has a relationship with the rightful heir of Cervantes Pharmaceuticals empire.

Baka, dahan-dahan nilang kakamkamin ang kumpanya. Adison, my cousin, could marry Czar Cervantes as the is the heir of Cervantes.

Kung sa kanya mapupunta, kung sila ang mamumuno, magiging tuluyan nang nasa kanila ang kumpanya. I won't have the chance to take my asset. I cannot take my position. It will be easy to kick me out of the business... Worst, kick me out of the family.

Kung hahayaan ko silang manipulahin ako, mananakaw nila ang kung ano ang dapat sa akin.

💍

READ. VOTE. COMMENT. SHARE

MysteryWhere stories live. Discover now