9. Fitting Room

42 5 2
                                    

Chapter Nine: Fitting Room


Felix Claude Renoir

Bumalik na kaming lahat sa loob nang mansyon pagkatapos ng gulo. Lima ang nasugatan sa amin, hindi na ako kasama doon. Naging ma-ingat ako nang makalaban ko si Pierce. Sinubukan kong hindi gumamit ng kahit na anong sandata habang kinakalaban ko siya kanina.

Sa lahat ata ng mga natamo kong sugat at pasa, wala na atang mas sasakit pa sa sinabi niya sa akin kanina.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo. Sumali ka ba sa kanila para kalabanin kami?" Matigas niyang sinabi sa akin. Kitang-kita ko ang pagpipigil niyang suntukin ako. "Hindi ko rin alam kung anong nangyari kay Emerald. Sobra siyang naapektuhan sa'yo, tapos ito ang ipapakita mo sa kanya pagkatapos?!"

Doon niya na ako unang sinuntok. At nasundan ng isa, at ng isa pa, hanggang sa sinuntok ko na rin siya pabalik.

"Tutulungan nila ako kaya ako sumali rito. Hindi ko na kasalanan ang nangyayari kay Emerald."

Hindi ko ipinakita sa kanya o sa kahit na sino man na naapektuhan ako sa sinabi niya. Hindi ko sinabi na gusto kong kausapin si Emerald, na gusto kong sabihin sa kanya na okay na, na tinawag ko siyang sinungaling para lang makuha ang atensyon niya at para malaman nila na ako ang bagong miyembro ng grupo.

Ah, shit. Napaupo ako sa kama ko at ginulo ko ang buhok ko. Wala akong dapat na maramdaman sa babaeng 'yun, bakit hindi 'yun maintindihan ng sarili ko? Magkaaway ang grupo naming dalawa. Ayaw kong maging traydor sa grupo namin. Ayaw ko siyang isipin, pero bakit ang kabaliktaran ang ginagawa ng sarili ko?

"Come in," sabi ko nang may kumatok sa pinto. Pumasok si Cerina na may ngiti sa labi niya. "Hey."

Umupo siya sa tabi ko at nakaramdam ako ng pagkailang, siguro dahil naalala ko 'yung gabi sa club. Noong hindi ko pa siya kilala at sobra akong naakit sa kanya. Umiwas ako ng tingin nang hawakan niya ang pisngi ko. Bakit ba siya nandito? Lalaki ako! Pag hindi ko napigilan ang sarili ko, hindi ko na alam.

"Cerina. . ." Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. "What are you doing here? You should rest."

Ngumiti lang siya. "Apektado ka pa rin." Inalis na niya ang kamay niya at medyo lumayo siya sa akin. "Mahihirapan ka niyan, Felix. Hindi lang niyan maaapektuhan ang nararamdaman mo. Pati rin ang mga kilos mo, and worse, pati ang relasyon mo sa ibang mga miyembro."

Doon ko nalaman na alam niya kung anong nangyayari sa akin. Alam niya kung anong gumugulo sa akin. Alam niya na may iba akong nararamdaman kay Emerald. At alam naming dalawa na bawal itong nararamdaman ko.

"Ano ang gagawin ko? I'm trying. I'm trying to not think of her, I'm trying to not care for her but everytime I'm alone, all I can think about is her. This is bullshit." Hindi ko pa nga nabibigyan ng hustisya ang mga magulang ko, tapos dadagdag pa ito?

Bumuntong-hininga siya. "Ano ba ang rason kung bakit ka sumali rito?" Tiningnan niya ako. "Mga magulang mo, 'di ba? Isipin mo sila. Isipin mo ang rason mo kung bakit ka nandito. I-focus mo ang sarili mo doon at huwag kang magpapa-distract sa mga ganyang bagay. Cooperate with us, work with us, treat us like your family and don't ever think about Emerald."

Tumayo na siya. "Easier said than done, I know. Just pretend that you don't care, and eventually you'll get used to it." Lumabas na siya ng kwarto ko.

I dropped my back onto my bed and stared at the ceiling above. Just pretend that you don't care.

Fine.

Prohibited WeaponWhere stories live. Discover now