3. Help

76 2 0
                                    

Three: Help

Emerald Ocampo

Tulad ng ibang gabi, isang grupo na naman ng mga kriminal ang nawala. Palihim kaming humihingi ng tawad sa mga naiwang pamilya ng mga namatay na kriminal, pero hindi kami nagsisisi sa ginawa namin, dahil 'yun ang dapat. 'Yun ang hustisya sa lahat ng mga hindi makatarungan na ginawa ng grupo na yun sa mga biniktima nila. Sana masaya at nakahinga na ng maluwag ang mga taong nabiktima nila, kung saan man sila ngayon. Buhay man o patay.

Minsan, naiisip ko yung mga taong gusto kaming mawala. Hindi sila mga kriminal—mga normal na tao lang sila—sila 'yung may mga disenteng trabaho, may mga pamilya na binubuhay, pero gusto pa rin nila kaming mawala dahil sa isang rason.

Hindi raw tama ang ginagawa namin. Hindi raw makatao. Hindi maganda.

May point sila, may sarili silang opinyon at meron din kami. Kung kagaya nga namin ang mga sinasabi nila—masama, walang awa, mamamatay tao—edi ano pa ang tawag nila sa mga kriminal? Hindi ba masama ang mangnakaw? May awa ba ang mang-rape ng mga minor de-edad na mga bata? Hindi ba mamamatay tao ang mga nahuhulog sa kasong murder

Kung hihingiin ang opinyon ko, masasabi ko na mas malala sila kaysa sa amin. Mabilis lang kasi ang ginagawa namin. Babarilin at mamarkahan. Wala nang kung anu-ano pang pakulo 'di tulad ng mga kriminal.

Nahinto ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nilingon ko kung sino yung lumabas, at medyo nabigla ako nang makita ko si Pierce.

Bakit gising pa siya ng ganitong oras? Base sa sugat na natamo niya, mukhang kailangan niya ng mahabang pahinga. Baka kung ano pa ang mangyari sa braso niya kapag binibinat niya.

Tumaas ang dalawang kilay niya nang makita akong nakaupo sa itim na couch. Nabigla rin ata siya dahil gising pa rin ako. "Bakit gising ka pa?" Umupo siya sa tabi ko. "Lemme guess, hindi ka makatulog dahil nakokonsensya ka?"

Kumunot ang noo ko saka umiling. "Ayaw lang talaga ako dalawin ng antok," sagot ko. "Ikaw? Why are you still up?"

"Because I'm not down," sarkastikong sagot niya. Nakatanggap siya ng mahinang sapak sa braso niya na walang sugat. Nginitian niya lang ako at inirapan ko siya.

"Seriously, Pierce." Kahit ano ata ang maging sugat ng taong ito, hindi pa rin mababawasan ang pagkaloko niya. "Baka masapak ko 'yang sugat mo. Ayaw kong lumala 'yan."

"Ito naman, masyadong concern. Pinapakilig mo naman ako." I smiled and slightly shook my head while rolling my eyes. "But seriously, hindi naman siya ganun kalala. I am Pierce, you know. I'm tough."

Tumawa ako. I haven't done that for a while. "Talaga?" Pinisil ko ang lower part ng sugat niya na natatakpan ng bandage.

"Shit." Hinaing niya nang pisilin ko ang lower part ng sugat niya. "Remove that damn finger." Ginawa ko nga.

"Sabi mo malakas ka?" I told him, smirking. He shot me glare.

"Oh, Emerald. You're such a bïtch."

My smirk curved into a smile. Then I patted his shoulder. "Sorry." Alam kong masakit yung ginawa ko. He just rolled his eyes. "Sus, kunwari pa 'to. I know you still love me." 

Minsan talaga ay nagiging komportable ako sa kanila, lalong-lalo na kay Pierce. Nakakatuwa kasi siyang asarin. Madalas ay nakikisakay rin siya sa mga kalokohan ko at hindi siya madaling mapikon. Hindi tulad ni Pierre na may pagka-arogante. Si Hubert naman ay parang si Pierre lang din, pero mas less ang pagka-arrogant ni Hubert. Masyado lang siyang seryoso.

I later found Pierce wrapping his good arm around my neck and not-so-harshly giving me a playful headlock. Sinapak ko naman ng mahina ang kanyang braso. Ayaw ko naman na pati ang kanang braso niya ay masaktan.

Prohibited WeaponWhere stories live. Discover now