Chapter 25: Changed

Magsimula sa umpisa
                                    

I used the word 'tboom' kasi sabi ni Bang tboom talaga yung jowa ni Mands. Girls lang ang gusto niya hindi katulad namin and yung pananamit niya pang boys.

"Aba. Ano nagsawa kana ba sa girlfriend ko?" napatingin kami sa likod namin, isang.. tboom?

Hindi siya masyadong matangkad. May kasama siyang 3 tboom at 4 na babae.. yung isa si Mands.

"Mands, eto ba pinagmamalaki mo? Tingnan mo nga, anong sinasabi mong mabait na tao yang Bang Pineda nayan ha? Pinagpalit kana nga sa iba oh! Sigurado akong iba iba kasama niyan araw  araw!" tapos tumawa siya pati yung mga kasama niya pwera lang kay Mands. Tinignan ko si Mands, iniiwasan niyang tignan si Bang.

"Bang tara na.. wag mo nalang silang pansinin." mahina kong sabi kay Bang tapos hinila siya.

Narinig kong sumusunod parin sila samin,"Teka lang, wag naman kayong bastos. Nag-uusap pa tayo eh."

Tumigil sa paglalakad si Bang. Binitawan niya yung kamay ko tapos hinarap sila.

"Pwede ba. Ayoko ng gulo." Nagform ng evil smile si Bang,"Sa ibang lugar mo na ipasyal yung mga aso mo." tinalikuran niya sila, hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos hinila niya ko.

"TARANTADO KA HA!" hinila niya si Bang tapos sinuntok sa left cheek. Napabitaw si Bang sa kamay ko tapos napaatras ng konti.

OMG. AYOKO NG GANITO!

"TAMA NA!" sigaw nung Mands, hinihila niya yung jowa niya, pero tinulak lang siya nito.

Sinubukan ko ring pigilan sila pero hinawakan ako nung isang tboom na kasama niya. Yung dalawang babae hinawakan yung Mands, tapos yung isang babae at dalawang tboom pinagtulungan si Bang, nakakaganti naman si Bang pero 4 kalaban niya!

"BANG!!" nababaliw naba sila?! Anong kalokohan to?! Pinagtutulungan nila si Bang!

"BITAWAN MOKO! ANO BA!" sinubukan kong makawala sa pagkakahawak sakin nung tboom pero masyado siyang malakas. "TAMA NA! WAG NIYO NA SIYANG SAKTAN! PLEASE!" hindi ko mapigilang umiyak. Tinapakan ko yung paa nung may hawak sakin tapos pinagtutulak ko yung mga bumubugbog kay Bang.

"Sana natuto kana, wag ka ng magpapakita pa sakin kung hinde, mas grabe pa matitikman mo dyan." Tumalikod sila tapos naglakad palayo.

"Bang? Teka.. tatawagan ko lang si  Denden.." nilabas ko yung cellphone ko, pero masyado akong natataranta kaya hindi ko madial ng maayos yung number ni Denden,"Teka lang Bang.."

Hinawakan ni Bang yung  kamay ko,"Wag na, tara na. Tara hahatid na kita."

Tumayo siya, inalalayan ko siya tapos naglakad na kami.

Bang.. ano ba tong pinasok mo..

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Niyaya kong pumasok si Bang pero ayaw niya, nagsorry siya sakin dahil daw nakawitness pa raw ako ng kalokohan niya. Sabi niya rin wag ko na raw sabihin pa sa kanila yung nangyari.

Bang.. bakit ayaw mong sabihin kila Denden tong nangyari..? You almost got killed.

Pano na kaya bukas? May game sila.

Sinunod ko yung sinabi ni Bang, hindi ko sinabi sa kanila. Lahat nung nangyari, kinalimutan ko nalang.

Si Denden recess na nakapasok, ang weird niya, hindi masyadong nagsasalita. Pagod siguro siya.

Pero sa tuwing titingnan ko siya, lagi siyang umiiwas. She's being herself again.. yung Denden na kinaiinisan ko.

"Denden.. may problema kaba?" Umiling lang siya without looking."May masakit ba?" Again, umiling siya.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon