DYTM.EPILOUGE - All of the stars

335K 8.6K 2.1K
                                    

                  

Seven hundred and thirty days later...

"I'm kinda nervous."

Tumawa ako habang inaayos ni Alyza Mae ang suot kong t-shirt pati na buhok ko. It was a Friday night and we have to go to Yohan's school for a talent show. Grade seven na si Yohan at nasa kalagitnaan na ang school year niya. The school was celebrating its foundation day at isa si Yohan sa napili ng teacher niya na mag-perform sa talent show na iyon. It was a father and son thing – kaya nandito ako ngayon at naghahanda.

"Ang bobo mo talaga." Sabi naman sa akin ni Alyza. "Yael, you conquer boardrooms—"

"Sorry, did you say bedroom?" Ngumisi ako sa asawa ko. Piningot naman ako ni Alyza.

"And that too. As I was saying, hindi ka dapat kabahan kasi talent show lang iyon. Ikaw si Yael Consunji and you're a monster in the boardroom."

"And in the bedroom." Inirapan niya ako. "Come on, say it!" Yumuko pa ako para hagkan siya sa leeg. Alyza giggled and wrapped her arms around me. Hinawakan ko naman siya sa baywang tapos ay tiningnan sa mga mata.

"Do you still hate me?" I asked her. Kuminang ang mga mata niya. Alam kong kuha niya kaagad ang sinasabi ko. Hinaplos niya pa ang pisngi ko at hinagkan ako sa ilong.

"I still do, I hate you so much. Sagad sa core ko."

Nagtawanan kaming dalawa. I feel so lucky having her by my side. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag iniwan ako ni Alyza at iyon ang isang bagay na alam kong hindi niya gagawin. Looking back to how we started, I realized that we have changed a lot. She changed me. She made me want to be a better person and sometimes, it felt so surreal. Para bang hindi totoo na minahal niya ako sa kabila ng mga bagay na ginawa ko sa kanya.

And yet she did, and that made me the lucky one.

Matapos ang kaunting lambingan ay lumabas na kami ng silid para sunduin sa kanya-kanyang kwarto ang mga bata. Si Yanna ang naabutan ko sa silid ni Yohan na nakaupo pa sa kama ng kuya niya.

"Baby girl, nasaan ang kuya mo?" Yanna was seven now. Wala naman akong nagging problema sa kanya dahil sa condition niya. She knows how to control her anger, lalo na kapag nainip siya. Siya pa mismo ang naghahanap sa Mommy niya ng gagawin niya para hindi siya magkaroon ng tantrums. Yanna looked at me.

"Nagbaba na siya Dydy. Dydy, sasama ba natin si Yuan?" Bumaba siya sa kama ni Yohan at lumapit sa akin. Yuan is her baby brother. Swerte kami kay Yuan ngayon dahil saktong nine months siya pinanganak ni Alyza at healthy talaga siya. She was looking at me. Yanna loves her baby brother so much. Isang taon na si Yuan at talagang napakalusog niya. Hindi naman imposible iyon dahil napakamaalaga ni Alyza sa mga bata.

"Nope. Mama Niki took him earlier. This night it's just you, me, Kuya and Mymy."

"Dydy, gusto din po ng twins na sister. Iyong three po. Parang sila Icarus, Idella at Iganatius!"

"Patay tayo diyan, anak! Hirap si Mymy sa pagbubuntis tapos gusto mo pa ng triplets!" Wika ko. Kinarga ko si Yanna. Dina-diet na siya ni Alyza. Binabawasan na niya ang gatas nito. Hanggang ngayon kasi ay nakikihati si Yanna sa breast milk na para kay Yuan lang sana.

Noong isa gabi ay kinagagalitan niya ako dahil pati ako ay nakikihati daw. Hindi ko naman iyon sinasadya. Sumasama kaya iyon!

Pagbaba namin ni Yana sa sala ay naroon na rin si Yohan. We were wearing matching shirts now that says Consunji Rocks. Inaayos ni Alyza ang buhok niya.

"Ready, Mommy?" I turned to my wife.

"Yes. I'm so excited! Tinawagan ko si Hya para tanungin kung gusto niyang pumunta. Hindi naman daw siya makakaaliss dahil nilalagnat ang mga kambal niya. Can you believe that she actually gave birth to triplets? How lucky can she get?"

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon