DYTM.24 - And I'm on fire when you're near me

199K 5.6K 783
                                    

                  

"Hindi kasi siya umuwi kagabi. I was just wondering if he spent the night with you."

Huminga nang malalim si Hyacint sa kabilang linya. Hindi naman ako mapakali kasi alas nuebe na nang umaga pero wala pa rin si Yael sa bahay. Pumasok na nga si Yohan sa school. Si Yanna naman ay nasa ibaba at nagagawa ng lego puzzles niya. Iyon ang ibinigay ko sa kanyang activity para hindi siya mainip habang hinihintay naming umuwi ang Daddy niya. Nag-aalala na ako. Alam kong nainis siya kagabi dahil magkausap kami ni Hyacinth at hindi naman siya tanga para hindi malaman na si Ignacio nga ang pinag-uusapan naming dalawa ni Hya. Hindi ko naman sinasadya iyong mga sinabi ko.

Alam kong wala siyang babae. Minsan kasi ay natutuwa akong i-bully siya lalo na kapag tinutukso ko siya kay Raquel Lactaotao. Namumula agad iyong mukha niya tapos magagalit siya tapos magagalit din ako tapos susuyuin niya ako tapos magme-make love kaming dalawa. I sighed.

I missed him here. I want him here. Nami-miss ko rin naman siya. Tinawagan ko siya pero iniwan niya ang cellphone niya sa kama naming dalawa. I want to know where he is.

"Mymy, tapos na ako sa work ko. Wala pa rin si Dydy! Sabi niya pupunta kami sa mall par bumili ng bagong puzzles! Ang tagal – tagal niya!"

"Sige na, Hya. Tatawagan na lang kita mamaya." Sabi ko pa sa kanya. Binalingan ko naman si Yanna na nagpapapadyak na sa harapan ko. I walked to her and calmed her down.

"If Dad isn't here yet, ako na lang ang sasama sa Toy store sa'yo." Ngumiti ako sa kanya. "Halika, mag-color tayong dalawa." Huminga siya nang malalim tapos ay hinawakan ang kamay ko. Hindi naman mahirap pakalmahin si Yanna. Basta bibigyan lang siya ng bagong pagkakabalahan ay umaayos naman siya.

Medyo harsh nga lang siya sa mga kalaro niyang bata. Noong nakaraan ay nagreklamo si Mrs. Enquevez dahil binato ni Yanna sa pool ang cooking set ng anak niya dahil lang nainis si Yanessa kasi daw hindi siya pinahiram nito. Madalas tuloy ay si Yohan na lang ang kalaro niya dahil mas nagkakaintindihan silang magkapatid. Yohan knows how to deal with his sister.

"Yael, nasaan ka na ba?" Wika ko habang nakatanaw sa labas. Si Yanna ay nagkukulay ng mga Mandals. Ako naman ay hindi talaga mapakali. Hindi na nga ako pumasok sa trabaho ngayon dahil baka umuwi siya.

Tumawag rin ako sa office niya pero wala rin siya doon. I wondered where he was.

Halos dumaan na ang maghapon. Nakatulog na si Yanna kakaiyak dahil nga sa kakahanap sa ama niya. Halos nakulayan na niya ang lahat nang pwedeng kulayan sa coloring book na binili ko sa kanya ay wala pa rin si Yael. Nag-aalala na ako.

Hindi kaya nambabae talaga siya?

Sumikdo ang puso ko nang may mag-doorbell. Napangiti ako dahil baka si Yael na nga iyon. Baka naman nakalimutan niya ang susi ng bahay sa bulsa ng pants niya kaya nag-doorbelle siya pero pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Apollo Vejar.

He was holding a bouquet of flowers and he has this big smile on his face.

"Kamusta, Alyza?" Tanong niya sa akin. Napatango naman ako. Pinatuloy ko siya sa loob at saka pinaupo sa couch doon.

"Hindi mo ba nakita ang pinsan mo?" Tanong ko sa kanya matapos siyang bigyan ng maiinom. Nagkibit-balikat siya.

"Galing ako sa Compostella. May bago kaming minahan doon. Hindi ko pa nakikita si Yael kahit nga si Achill ay hindi ko pa rin nadadalaw. Panay siyang nasa Texas. Si Mama naman kasi ang ipinunta ko. Pabalik na rin ako mamayang madaling – araw. Nag-away ba kayong dalawa?" He asked me. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya ang nasa isipan ko pero kailangan na. Kagabi pa kasi ako hindi mapakali talaga.

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon