DYTM. 01 - What happens next?

209K 5.5K 2K
                                    

Naroon si Ate Hya sa loob ng master's bedroom. Naririnig ko ang boses niya. Pumasok ako kahit na may posibilidad na may pinag-uusapan silang mahalaga ng mga magulang namin. Kailangan kong kausapin ang parents ko. I need back up on this.

My sister, Hyacinth Consunji was talking to our father. Iyon ang nadatnan kong eksena sa kwarto ng mga magulang namin. My father was Yto Jose Ybarra Consunji. He was one of the most influential man in the business world in this era and being the man on top of everything, I know for a fact na hindi siya papaya sa gustong gawin ng magulang ni Alyza Mae Hernandez sa akin. Hindi ako pwedeng matali sa ganito. I'm only eighteen. I have the world in my feet and hands.

I'm a Consunji and I have yet to conquer the world.

"Ma, Pa, I have something to tell you."

Tumawa ang Papa ko. Humawak ako sa braso ni Ate.

"Ano, sasabihin mo rin bang may apo na kami ng Mama mo?" Alam kong pabiro lang iyon but damn! That hit a spot.

"Oo, Papa, magkakaapo ka na. Nabuntis ko si Alyza Mae. She's four months pregnant, Pa."

Tumahol ang asong nasa paanan ni Papa. Tumakbo siya sa ate ko.

"Tell me you're kidding, right, Yael?" Si Mama ang nagsalita. Umiling ako at saka tumalikod. Lumabas ako ng silid. Naroon si Alyza. Tiningnan ko siya ng masama. Grabe, sa loob ng isang araw ay nagbago ang buhay ko. Dahil lahat ito sa katangahan niya. I shook my head. How I dreaded her. Pero alam kong hindi naman papaya si Papa na basta na lang akong matali sa ganitong klase ng babae.

Walang sinabi ang pamilya niya. Ni hindi pa nga yata siya napupunta sa ibang bansa. Nakakasuka ang babaeng ito. Para sa akin ay basura siya.

Kanina ay kinailangan ko pa siyang balikan para lang dalhin dito sa bahay. Katakot-takot na sermon ang narinig ko mula sa tatay niya pero wala akong pakialam. Malakas ang loob ko. Hindi ko pababayaan ni Papa.

"Oh my god!" Ate Hya exclaimed.

"Hya, iwan mo muna kami. Isama mo na iyang apo ko." Wika pa ni Papa. Napangisi ako. I know Papa will settle this.

Naiwan kaming apat doon. Si Mama ay nakatingin kay Alyza Mae. Lumapit siya dito at napakunot ang noo.

"Yto ko, may pasa siya."

Napatingin din ako. May pasa nga si Alyza sa pisngi at sa braso.

"Did you do this, Yael?" Mama asked me in an appalling tone.

"No! I didn't hurt her!" I hissed back.

"Do not talk to your mother like that Ysmael Pio!" Papa hissed at me. Kinalma ko ang sarili ko.

"How far along are you?" Mama asked Alyza. Hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya. "Hija, sumagot ka.  I need to know para madala ka naming sa doctor for a check-up."

"Four months po," Sagot niya. Nainis ako.

"H'wag ka nga umasta na parang ikaw ang agrabyado dito!" Inis na inis ako.

"Ysmael!"Sigaw naman ni Papa.

"That's a hundred and twenty – two days, Yto ko." Muli ay tiningnan ni Mama si Alyza. "Nagpa-check-up ka na ba? Did you tell your parents?"

"Hindi pa po. Ka-kagabi ko lang po nalaman."

"Tang ina naman! Wala namang nakakaiyak! 'Wag kang umiyak! Buhay ko ang nakasalalay dito! Ikaw kasi, epal ka nang epal! Basura!"

Nagulat ako nang sampalin ako ni Mama. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Galit ang ekspresyon ng mukha ni Mama habang nakatingin sa akin.

"I didn't raise you to be like that, Ysmael! You better get your fucking act together or you're so gonna get some!" Gigil na gigil si Mama sa akin. Natahimik ako.

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon