DYTM.05 - The tension is here

179K 5.6K 1.5K
                                    

                  

Dinala kami ni Ma Yza sa mansion ng Lolo at Lola namin. Hindi ko alam kung para saan. Kasama namin si Mama at si Alyza. Ma Yza said that she will fix things – mga bagay na makaka-benefit sa aming dalawa ni Alyza.

Habang nasa kotse ay iyak siya nang iyak. Si Mama naman ay sa labas ng ng bintana nakatingin. Si Mama Yza ay nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Pagdating namin sa Sheena Consunji mansion ay naroon na si Papa at si Ate Hya. Ate Hya looked worried. Agad siyang lumapit sa akin at tinanong ako kung ayos lang ba ako.

"Yza Joan, what the hell are you doing?" Iyon agad ang salubong ni Papa.

"I'm undoing what you have done, Yto Jose. You have brought chaos to the kids' life. This has to stop at hahayaan mo ako kung ayaw kong maging criminal ang anak mo."

Hinawakan ni Ma Yza ang kamay ni Alyza at umakyat na sila. Ni hindi ako nilingon ng babaeng iyon. Por que nakahanap na siya ng kakampi ay magmamalaki na siya sa akin. Napabuntong-hininga ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila papunta sa itaas – sa library – kung saan alam kong naghihintay ang Lolo Tatay namin.

"Yza's just overreacting." I heard Mama said. Hinawakan niya ang kamay ko. "Everything will be fine."

Tulad ng inaasahan ay nasa library nga si Lolo Tatay kasama na si Ma Yza at ang malanding babaeng iyon. My grandfather's eyes met my gaze when I entered the room. He seemed calmed and composed but I also sense something else...

Fear.

Napalunok ako.

"Tay..." Lumapit si Papa kay Lolo upang magmano. Ganoon din si Ate pati si Mama. Nang ako na ay nakatuon sa akin ang mga mata ng lahat. Nagmano naman ako ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. He was just eyeing me.

"Care to explain to me what is really happening, Yto Jose?" Kalmado pa rin si Lolo Tatay. Tumikhim si Papa.

"Tay, Yael got married a month ago."

"And why wasn't I informed?"

"It was a rushed wedding. You see, Alyza here is already pregnant with Yael's child."

Tumango si Lolo.

"Magkaka-apo na pala ako sa tuhod." Ngumiti siya kay Alyza. I smirked. "What seems to be the problem, Miss?"

"Hernandez... po..."

"Miss Hernandez seemed to be a good lady. Again, what seems to be the problem?"

Hindi nagsasalita si Alyza. Parang naninimbang siya. Tumingin pa siya kay Ma Yza tapos ay kay Hyacinth. Nakuyom niya ang mga palad niya tapos ay muli na naman siyang napaiyak.

"G-gusto ko na po kasing umuwi sa amin. Miss na miss ko na po ang mga magulang ko." Humikbi siya. Sa isip ko naman ay napamura ako. Lahat na lang ba talaga ay dadaanin niya sa iyak.

"But why? My grandson is your husband. You're Alyza Consunji now. You should stay where he is." Umiling si Alyza. Lalong napalakas ang mga hagulgol niya.

"Uuwi na lang po ako. Pangako po na hindi ako mangugulo. Mali po talaga ang pinasok ko. Ayoko na po dito..."

My grandfather looked at me again. His eyes were penetrating my soul. Kinakabahan ako. Talo pa ni Lolo Tata yang mga professors ko sa major na kapag tinitingnan ako para tanungin ay sila pa ang nag-iiwas tingin because they couldn't handle my gaze.

"Now, Yael can you tell me what really is happening? Be honest..."

"I... I..." I swallowed hard. "slapped her once..."

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon