DYTM.17 - I never thought that I would fall like that

219K 6.3K 1.7K
                                    

                  

"Happy Birthday, anak!"

Masayang-masaya si Alyza Mae habang ginising namin nang magkasabay si Yohan nang araw na iyon. It's his sixth birthday today and we're celebrating it. Kasabay noon ay ang anim na buwang tyan na ni Alyza Mae. Anim na buwan na ang matuling lumipas na balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't isa. Halos hindi ko siya nakikita sa bahay – hindi naman kasi ako madalas umuwi. I spend my nights in Hyacinth's couch, asking myself how I can unfeel this feelings I have for her.

"Dy, birthday ko, bakit ka sad?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Yohan. Tumingin tuloy sa akin si Aly. Naningkit ang mga mata niya na para bang nagagalit na naman. Mula noong huling beses na nagdiskusyon kami – noong araw na tinanong ko siya kung ayaw ba niyang mahalin ko siya ay hindi na kami naging maayos. Balik na naman kami sa square one. She sleeps on Yohan's room kahit na kaming dalawa ni Yohan ang nasa master's bedroom.

She's near and yet she's so far.

"Hindi. Masaya ako, Anak! Happy birthday! We're going out today! Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa akin.

"Dito lang po sa house. Gusto ko pong makasama ikaw at si Mommy. Saka gusto ko po ng family picture. Wala po kasi tayo noon,Dy. Iyong meron lang tayo ay noong baby ako. Gusto ko tayong four lang."

"Ay. Ganoon lang ang gusto mo?" Tanong naman ni Alyza. "Sige, baby, magluluto na lang ako ng lunch tapos mamayang hapon magpapicture tayo kay Yaya Betchay." Nakangiti siya sa anak namin. Doon ako hanga kay Alyza. Kahit kailan ay hind niya ipinapakita sa bata na galit siya sa akin. Whenever Yohan's around, she acts fine around me. Nakikipag-usap siya, nakikipagtawanan pero sa oras na kaming dalawa lang ay iwas na iwas siya sa akin.

Minsan ay tinanong ko siya kung nagsisisi ba siya na may naganap sa amin nitong huli at walang habas niyang sinabing: Oo. Hindi ko na naman iningatan ang sarili ko.

Hindi ako umuwi nang gabing iyon. Doon lang ako nag—stay kay Ate Hyacinth. She let me. Tulog lang naman siya tapos ako ay hindi makatulog dahil sa nararamdaman ko. Tuwing nagsasalita siya sa akin ay pakiramdam ko ay para akong basura na paulit-ulit niyang itinatapon.

Why did I ever fall in love with a stubborn bitch like her?

I have to save myself. I need to unlove her.

"Dy, mag-sing ka dali!" Sabi sa akin ni Yohan. Ibinigay niya sa akin ang ukulele na iniregalo ko sa kanya noong nakaraan. He made his mother sit beside him. Kinuha ko naman ang ukulele at naupo sa laz-y boy na nasa gilid ng kama nila. I took a deep breath.

Alyza put down the cupcake she was holding. Hinaplos niya ang tyan niya at saka tumingin sa akin.

"Ready na kami, Dy! My, makikinig din si Baby diba?"

"Oo naman. Sige na, Yael, kumanta ka na nang matapos na tayo." Walang habas na sabi niya sa akin. I just shook my head and started strumming the strings.

I've been floating in the night sky

On a ship that's stuck on standby

Your voice reminds me I'm real

I made a choice and now I wait here

Orbiting the earth for five long years...

Our lives like magnetic fields...

You are my universe

You are my universe

And I'm just a planet

And I can stand it...

The song had been stuck in my head for a very long time. Whenever I look at Alyza, I remember the song. Para  kasing bagay sa aking dalawa. Limang taon nga naman akong naka-stuck sa kanya and now, I asked myself how can I not love her? She is the mother of my children, she is... well now, she is my everything and I so want this thing to be right but how can I if every time I look in her eyes, I see a monster because of the fear she has for me?

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon