DYTM.13 - All of my regrets are nothing new

221K 6.4K 1.8K
                                    

                  

"Abnoy, may dinner mamaya sa mansion. Pumunta tayo. Sinabi na ni Mama kanina."

Kinatok ako ni Yael sa bathroom. Kasalukuyan kasi akong naliligo. Nasa ilalim pa ako ng shower habang tinititigan ko ang mga frames kung nasaan ang tissue contract namin. Isang linggo na lang ang talab ng contract na iyon at ngayon palang ay nag-iisip na ako ng mga idadagdag doon. Pwede naman na akong makipag-annul pero inisip ko si Yohan. Naisip ko, ganoon pala iyon kapag may anak na, panay iyong anak ang unang maiisip. Panay iyong anak ang inuuna. I want Yohan to be happy, I want him to have a whole family just like what I have and what Yael has. Ang unfair naman kung naranasan ko at ng ama niya tapos pagdating sa kanya mawawala.

Hindi naman na ako nahihirapan sa pagsasama namin. Hindi na rin niya ako sinasaktan – iinaasar niya nga lang ako pero okay na din iyon. Basta nakikita kong masaya ang Yohan ko, solve na rin ako.

"Abnoy? Nakatulog ka na ba diyan?" Kumatok siyang muli.

"Patapos na ako! Nasaan na si Yohan?"

"Isinama na ni Mama sa mansyon. Hinahanap daw kasi ni Papa. Bilisan mo na diyan nang makaalis na rin tayo."

"Akala ko ba dinner?" Ang alam ko mag-a-alas dos pa lang nang hapon.

"Oo nga. Pero nandoon na si Ica. I miss her. We have to go early. Naglalambing ang kapatid ko."

Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita. Pinatay ko na ang shower at saka inabot ang towel ko. Medyo mataas iyong sabitan ng towel kaya tumingkayad pa ako, pagkatingkayad ko ay may naapakan akong basa kaya nadulas ako.

"Ay!" Sigaw ko. Napaupo ako sa tiles. Napangiwi ako sa sakit. "Aray!" I bit my lower lip.

"Abnoy? Hoy! Anong nangyari?" Napatingin ako sa pinto.

"Nadulas ako."

"What?! I'm coming in!"

Hubad ako! "Wag kang papasok! Ahhhh!" Sinipa niya ang pinto at nakapasok siya. He found me lying flat on my back on the tiled floor. Hindi kasi ako makagalaw kaya hindi ko matakpan ang sarili ko.

"Abnoy! Ohhhh!"

"Wag kang tumingin!" I hissed at him.

"Paano kita bubuhatin kung hindi ako titingin?"

"Bobo ka! Takpan mo na!" Sabi ko. Kinuha niya ang towel ko at itinakip sa akin. Binuhat niya ako na parang bagong kasal kami. Kinakabahan ako. Ang sakit talaga ng baywang ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo doon?" There was strain on his voice for I don't know what for. He took a deep breath and put me down on the bed inside the master's bedroom – his room.

Huminga ako nang malalim. Napangiwi ako. Kinuha niya ang receiver ng phone at may kinausap.

"Nay, nadulas po si Alyza sa bathroom, masakit daw po ang baywang niya, anong gagawin ko?" Tanong niya. Nabigla pa ako nang bahagya nang mapagtanto ko na si Nanay pala ang kausap niya. Close sila?

"Okay, Nay. Salamat po."

"Oy, talikod ka daw, My. Lalagyan kita ng yelo sa baywang. Wait kukuha ako."

Napanguso ako. Ayaw na ayaw ko kapag tinatawag niya akong Mommy. Naririnig niyang madalas kasi kay Yohan kaya naa-adapt niya. Kinikilabutan pa rin ako kapag ganoon.

Nang bumalik siya ay may dala na siyang ice pack. Pinatagilid niya ako.

"'Wag kang lilibugin! Sisipain kita sa genitals mo!"

"Sus! Hindi nga kita type, My este Abnoy!" Natawa siya.

"Bobo!" Bulong ko.

Napangiwi ako nang masahihin niya ang likuran ko. Ngayon ko lang nalaman na may wonders ang kamay ni Yael. Napapapikit ako. Ang sarap...

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon