03

2.9K 125 19
                                    

Hehehe salamat sa mga nagbabasa, sorry sabaw lang din naman ung mga updates ko. Pampawala lang din ng boredom/stress ganern. Thank you sa mga nag-aadd sa RL nila at nagvovote. ヾ(@⌒▽⌒@)ノ








03


Grabe na-brain drain ako sa genetics namin kanina, nakakaloka magsolve ng probability ng sandamakmak na traits. Kaya eto, latang lata ako sa minor subject ko kung san classmate ko si koya ethan pogi. Syempre wag kayo maingay.. na tinawag ko siyang "koya" hehehehe.


"Miracle." Napabangon ako mula sa pagkakasubsob ko sa desk ko at nanlaki ang mata. Siraulo talaga 'to si koya eh.


"Hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay. Syempre kunware di ako affected sa amoy niya (bango niya sht) at sa ayos niya (huhu gwapo juicecolored).


"May sakit ka ba?" Hinawakan niya pa noo ko na kinagulat ko at posibleng kinagulat din ng iba naming classmates.


"Luh wala ah. Napagod lang sa genetics ko kanina." Tumango tango lang siya at umupo na sa place niya. Hayjusko salamat naman at nang makahinga na ko ng maayos ano.


"Babaita, ano yon ha. Bakit ka kinakausap ni crushie?!" Inirapan ko lang si Joy, syempre crush niya rin si koya eh.


"Wala na friend, huli ka na. Di mo ba alam?" Tinaasan din naman niya ko ng kilay, "tsk tsk yan napapala ng mga tulog ng tulog." Hinampas naman niya ko na kinatawa ko ng malakas, buti wala pa prof namin.


"Hay naku, kami na friend. Nako huli ka na. Move on ka na ha? Dito lang ako, don't worry." Natatawa kong sabi habang pinagkukurot naman ako ni Joy.


"Ano yun, Miracle? Tayo na pala?" Nanlaki mata ko (na naman) dahil sa nagsalita. Bwisit naman, oo. Bilis naman putulin ang pantasya ko pambihira.


Napa-facepalm naman ako at nakaganti si Joy, siya naman ang tawa ng tawa. Hinarap ko siya at kunware yamot face ako habang nagtatanong, "Bakit ba kasi nakikinig ka lagi sa usapan ng may usapan ha?"


"Not my fault na malakas boses mo, Miracle." Sinamaan ko siya ng tingin pero nagsmile ng kaunti si koya. Juiceko yun pa man din ang favorite kong smile niya. Yun bang tipid na tipid lang, lakas makadagdag sa appeal niya eh. Haynaku. Hmp!


"Che! Break na pala tayo." What better way to save yourself is to go with the flow right? So bakit ko pa babawiin kung pwede ko namang panindigan hahahaha!


"Aww bilis naman. Di bale liligawan na lang kita ulit." Tumili si Joy, oo si Joy, hindi ako. Langya 'to paasa, baka mamaya maniwala ako.


"Don't me, Ethan." Inirapan ko siya at humarap na ko sa board kahit na rinig ko pa yung tawa niya at ramdam ko pa ung tingin niya sa akin galing sa likod ko. How to survive this class pls.


Alam ko naman kasing hindi yun serious. Kelan ba ko nagseryoso??? Acads life lang sineseryoso ko, ayaw ko pa pumuti ang very long straight brown hair ko ano. At kahit na kilig na kilig ako kay koya ethan, alam ko naman na hindi yun seryoso. Hmp, porke alam niyang crush ko siya pinaglalaruan na lang niya damdamin ko eh.


Ganyan naman kayong mga lalake!!! Charaught hindi naman siguro lahat. Baka exception sa rule si koya ethan he he he



**

08:42 pm


Miracle: oy koya ung notes ko hiniram mo kanina, di mo naman sinoli. di pa naman tayo classmates bukas haynaku 🙄


Ethan: Sorry, inabangan kita sa may kiosk kanina kung dadaan ka di ka naman dumaan. Sosoli ko sana.


Miracle: wooh palusot gusto mo lang ako makita 😏


Ethan: Luh


Miracle: oy linya ko yan


Ethan: Whatever. I'll return your notes tomorrow.


Miracle: tss di kasi nagnonotes sa class, busy ka siguro sumusulyap sakin 😏


Ethan: Busy ako nakikinig.


Miracle: weh weh weh


Ethan: Don't you have acads stuff to finish?


Miracle: meron po, multitasking duh 🙄


Ethan: Focus on your studies, Miracle.


Ethan: I'll return your notes tomorrow, what time ka papasok?


Me: hmm 10 pa pasok ko so 9:45 hahaha


Ethan: Tss go to school at 9 am


Me: aga naman!


Ethan: I have class from 7:00-8:30, I'll wait for you sa Gate 4 okay?


Me: demanding mo naman koya, di man nga kita boypren makapagdemand ka ☹️


Ethan: We'll have breakfast together.


Ethan: Diba sabi ko liligawan kita ulit? 😏


Miracle: LUHHHHHH 🙄


Miracle: Seen 09:31 pm








xxxxxxxxxxx


Hehehehe sorry if bitin or what. Ganun lang talaga. Please leave comments? Please?


Follow me on twitter: @erinxdizon ٩◔‿◔۶

Mr. Worth It #Wattys2016On viuen les histories. Descobreix ara