18

1.3K 60 6
                                    

18

"Monthsary na natin sa Sabado. Ano plano mo baby?" Tanong ni Ethan dahil andito pa sa bahay si Ethan at kakatapos lang namin magdinner at maghugas ng plato. Ako nagsabon, siya nagbanlaw. Kaya mahal 'to ng nanay ko eh. Halos dito na 'to nakatira.

"Akala ko susurprise mo ko! Hahaha!" Hinila ko siya papunta sa sala at dun kami mag-aacads, maya na lang daw siya uuwi. Kung di lang ako makukurot, dito ko na 'to patutulugin. Sa tabi ko ba. Haha!

"Pero pano pala yun baby, di ako pwede sa Sabado kasi may LE ako. Dalawa pa. Eto nga oh, ilang araw na ko nagrereview." Syempre medyo sad face para malaman niyang pagod ako diba. Galawang breezy lang yan beh.

Sumiksik sa akin si Ethan at tinignan ung mga readings at reviewers ko, "panira minsan ang acads sa lovelife noh baby?"

Natawa ko sa kanya at kinurot ko siya sa tagiliran. Infairness naman nakakapag-acads kami ng maayos. Yun nga lang kelangan ko na siya pauwiin at baka abutan pa siya ng curfew ni duterte. Char!

"Baby, anong oras na baka wala ka na masakyan pauwi."

"Oo nga eh, ayaw ko na umuwi. Dito na lang ako." Sabi niya at sumiksik sa leeg ko.

"Uy baka lumabas si Dad! Sige ka!" Well sanay naman kasi parents ko na sweet si Ethan. Pero syempre ayaw naman namin abusuhin un. Saka sa totoo lang, pag kaming dalawa lang talaga ganito ka-clingy at touchy si Ethan. In public, saktong holding hands lang. Medyo ayaw din naman kasi naming bulgaran.

"Fast forward na tayo sa future baby, gusto na kita makasama araw araw, gabi gabi."

"Baliw ka baby, wag muna. Enjoy lang natin saka ayaw ko pa tumanda!" Natatawa kong sagot sa kanya. I can really sense na seryoso si Ethan sa akin. The thing is, straightforward kasi kami pereho. Isa un sa similarities namin. Open kami basta relate sa relationship ung dapat pagusapan.

"Kasi naman baby baka mamaya maagaw ka pa sakin eh." Niyakap niya ko pa-side sa bewang, sumandal naman ako sa kanya.

"Luh hindi ako papaagaw. And as if naman, ipapaagaw mo ko. Baka nga ikaw ang maagaw sa akin." Daming 'agaw' nun ha.

"Hindi ah, akin ka lang. Saka ayaw ko sa iba, sayo lang din ako." Alam kong korni yun pero pwede pa rin naman kiligin diba??? Wala namang korni sa taong inlove eh.

"Hay naku jusko beh!" Pinaypay ko ung readings ko sa akin at ninakawan naman ako ng kiss ni Ethan. Sa cheek lang naman grabe!

"Mag-aral na nga tayo baby. Para mataas makuha mo sa LE mo sa sabado. Pag confident kang papasa ka, dedate kita." Kinindatan pa niya ko. Oo papasa lang, kasi mahirap po ipasa ang majors namin. Haha! Alam din kasi ni Ethan ung struggles ko makapasa lang!

"Grabe naman! Pano pag hindi?!!" Pout at pacute ko sa kanya.

"Sus ikaw pa ba. I know you can do it. Kayang kaya yan ng baby ko." Ayoko na kilighearts talaga ko pag may 'ko' after ng baby eh. Iba kasi ung dating.

"Sige na nga. Basta wag mo na ko isurprise baby, di naman kelangan bongga. Sunduin mo na lang ako after exams? Then church tayo and kain. Odiba ok na yun?"

"We'll see. Or gusto mo church muna in the morning para mapagdasal natin ang laban mo sa LEs mo baby?" Loko loko talaga 'to, laban talaga?! "Tapos hatid kita sa school, acads ako sa lib and then labas tayo after ng exams mo. I'm sure gutom na gutom ka nun!" Jusko diba, lakas talaga mang-asar ng boyfriend ko.

"Sounds like a plan. Sige baby, ganun na lang. Anyway, tapusin na natin 'tong acads para makauwi ka na po at makapagpahinga rin."

"Yes, Ma'am!" Sinamaan ko siya ng tingin pero kiniss niya lang naman ilong ko, "I love you baby ko." Pabulong na sabi niya. Ako naman 'tong nagtakip ng mukha gamit readings ko. Kasi naman eh. Makaganti nga!

"I love you too baby ko." Sagot ko naman at kiniss ko siya sa cheek ng super bilis (madalang na ako ang nangkikiss okay??).

Mga 9:00 na siguro siya nakaalis pero di kami natapos mag-acads. Naghaharutan kasi habang nagrereview. Ayoko na, pano pa ko papasa. Char! Syempre papasa ako, inspired eh. 😏



xxxxxxxxxxx

LE = Long Exam (equivalent sa qtr exams/midterm exams ganun basta mahirap na exam hahaha)

Nagwarning ako sa previous chap na maumay muna kayo sa kakornihan ng dalawa ha!!! Wag kayo magsawa sa kalandian nila pls hahahahaha comment kayo haaaaa.

Follow me on twitter: @erinxdizon and also please do use #MrWorthIt at finefave/tweet ko ung mga posts kaso naka-private kasi ako kaya baka di makita ng iba kung di ako finafollow. DM/mention me for followbacks!! Thank you sa readers neto 💙💙💙

Mr. Worth It #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon