10.1

1.7K 84 45
                                    



10

"Milagro, uwi muna ko saglit at nakalimutan ko yung materials natin sa lab mamaya. Deads na naman ako kay Joselito." Paalam sakin ni Joy bago ako iwan ng loka loka. Ako naman eh didiretso muna sa library para kunware matalino.

Ang totoo niyan, inaantok ako kaya dun muna ko iidlip. Wag kayong magulo, pwede matulog sa library namin!!

Kumuha naman ako kunware ng books related sa report namin na due next week. Kunware lang, props. Pumwesto ako sa isang table na malapit sa bintana. Syempre kunware (ulit) nagbabasa ako pero nag-earphones ako at malapit na kong mapapikit talaga.

Yuyuko na sana ko sa desk nang biglang may umupo sa tabi ko.

Nanlaki (as usual) ang mata ko at andito siya, "wala kang class?"

"Seen queen." Inirapan niya ko tapos tinignan ung mga books na nasa harap ko. Gay neto nang-iirap!

"Anong karapatan mong antukin eh ako yung hindi mo pinatulog kagabi?" Nanlaki (na naman) ang mata ko pero biglang taas din ng isang kilay.

"Luhh anong ginawa ko sayo??"

"Tss. Dyan ka lang, matutulog din ako." Kumuha siya ng isang book sa books na kunwareng hiniram ko at dun siya yumuko at pumikit agad.

Takang-taka pa rin ako sa kanya pero kawawa naman si koya, di nakatulog. Sus kala mo naman siya lang??? Ako din di nakatulog noh!

Paulit ulit na nagreplay sa utak ko yung date namin. Yung holding hands, yung spontaneity kasi di ako napepressure. Yung kung mag-asaran kami kala mo di niya ko nililigawan! Baliw na 'to. 😒

Di ko na namalayan na nakatulog din pala ko, at paggising ko, to my surprise eh nakangiti si koya ethan na pinapanuod akong matulog.

Di ko na namalayan na nakatulog din pala ko, at paggising ko, to my surprise eh nakangiti si koya ethan na pinapanuod akong matulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Syempre, matik na punas agad sa gilid ng lips bala may tumulo. Thank God, wala naman.

"Hatid na kita sa class mo, mukhang nagtext na sayo si Joy." Chineck ko naman yung phone ko at may notif nga sa lockscreen na message ni Joy. Nasa classroom na daw siya. Buti na lang lab at ok lang ma-late hahaha!

"Layo ng building mo sa KA (Kolehiyo ng Agham) wag na. Keri ko na." Niligpit ko na ung kunwareng books na hiniram ko at nilagay sa table ng mga books na hiniram. SA students na kasi magbabalik sa kanya-kanyang shelves.

"Wag ka ng magulo, hatid na kita." Yakap ko yung notebook ko tapos naglakad na palabas. Kasunod ko lang si Ethan, nako pag nakita siya ng mga blockmates ko panigurado aasarin ako ng mga yun.

"Uy wag na kasi, ok lang ako." Nasa entrance na kami ng building namin, dyahe talaga kung hanggang sa room ihahatid niya ko.

"Ang kulit. Hahatid nga kita." At ang loko, hinila ako palapit sa kanya tapos inakbayan ako. Pero yung akbay pambarkada lang ah! Ung parang nakapatong lang braso niya sa balikat ko.

Pagdating namin sa lab room, buti na lang konti pa lang tao. Mga 'to, porke alam nilang late si ma'am, nagpapalate din sila!

"Oh dito na ko koya." Tinignan ko siya at nginitian na pang-asar.

"Koya ng koya. Di naman kita kapatid." Saktong may ibang papasok na classmates eh sabi niya, "future wife kita uy."

"Luuuuh ang harot niyo Milagro!" Sigaw nila. Tinulak ko tuloy si Ethan palayo na natatawang umalis namin.

Pagpasok ko sa room namin, ayon syempre inasar nila ko. Ano daw gayuma ginamit ko bakit ako hinatid ni Ethan. Mga gaga sila, di ko kelangan ng gayuma. Ganda kong 'to! Syempre dahil tunay silang mga kaibigan, sa susunod daw na ihatid ako ni Ethan eh ko-cornerin nila siya at ilalabas daw nila lahat ng baho ko. Para daw ma-test kung effective ang gayuma, kung tuloy ang kalandian ni Ethan sa akin.

Mga hampaslupang pashnea talaga. 🙄🙄🙄

02:39 pm (SMS)

Ethan Miguel: Hatid kita mamaya pauwi, I'll wait for you after class.

Miracle: Luh 3hrs 'tong lab namin. No need, mauna ka na.

Ethan Miguel: It's okay, may meeting pa naman ako sa org. I'll wait for you, ok?

Miracle: Clingyyyy

Ethan Miguel: Wala ka magagawa, namimiss kita agad eh.

Miracle: HAROT

Ethan Miguel: At least sayo lang. 😏 Sige na, help your groupmates na baka sabihin text ka lang ng text.

Miracle: Di naman, actually masakit na braso ko kakahampas kasi inaabangan nila reply mo. Si Ligaya kasi una nakabasa ng message mo kaya nabroadcast sa class.

Ethan Miguel: Haha! Wawang babygirl. Dibale, kinikilig ka rin naman talaga eh. Diba? 😏

Miracle: che 🙄

Ethan Miguel: See you later. ily 😘


xxxxxxxxxxx

Medyo mahaba 'to ha!!!! Hahahaha hirap magtype sa mobile guys (tamad maglaptop). Pero thank you sa comments!!! Comment pa more!!!! Sana dumami pa kayo huhuhu

Follow nio ko twittuhhh: @erinxdizon 💙 Or i-hashtag niyo, #WPMrWorthIt para kyooot lang hahaha labyu!!!

Mr. Worth It #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon