15.1

1.2K 72 9
                                    



15.1

"Pano ko sasabihin na gusto ko na maging girlfriend niya, Ligaya?! Paano heeeelp!" So wala pa ang prof namin kaya binubulabog ko si Joy. At talagang nakuha ko pa lumovelife sa panahong busy kami sa acads ano.

"Aral muna bago landi, Milagro." Tinignan ko lang siya ng masama, palibhasa pinaasa 'tong bruhang 'to.

"Ako na ba magpopropose??? Ang hirap namang maging babae!"

"Bakit kasi hindi mo mahintay si Ethan na magtanong sayo ha?" Inisip ko lang kasi, ang dami ng efforts ni Ethan sa akin habang nanliligaw siya.

Nandyan ung lagi niya ko hinahatid pauwi. Naging close na nga siya kay mommy dahil panay sa amin nagdidinner eh. Tapos tinutulungan din siya ni dad minsan sa mga major niya sa PolSci, odiba parang anak na nila si Ethan. Kasama niya rin si kuya sa pang-aalaska sa akin.

Sa totoo lang para lang kaming magbestfriend neto ni Ethan. Yun ay kapag maraming tao, o may nakakakita. Haha! Pag kami lang nako, sobrang sweet niya po. Clingy.

"Huy, langya. Inlove na inlove ka dyan. Gising muna, Milagro!" Inirapan ko siya, "wala daw tayo pasok. May inattendan na seminar si Sir!"

Pumunta kami sa library as usual, research stuff. Papasok kami nang magtext si Ethan na di daw niya ko mahatid pauwi kasi sumama pakiramdam niya.

**

Miracle: Okay lang, maaga naman dismissal namin today. Gusto mo puntahan kita?

Ethan: Wag na baby, baka mahawa ka pa sa akin. Di kita maalagaan pag ganun. Basta i-text mo ko if on the way ka na pauwi mamaya okay?

Miracle: Yes po. Sige na, sleep and rest na muna.

Ethan: Okay, I love you babygirl. 😘

Miracle: Ilyt 😋

Ethan: 😘😘😘

***

Hindi ko pa rin binubuo at hindi ko pa rin nasasabi sa kanya. Syempre ganyan lang bilang MU naman kami aba. Although si Ethan naman, hindi rin niya masyado vineverbalize pero ramdam ko. Minsan, pag yakap niya ko, naririnig ko rin siya pero bulong lang. There was one time na hindi ko malimutan.

Nasa church kami, sumasama si Ethan sa amin every Sunday since wala nga yung familiy niya sa Pilipinas. My parents invited him so hindi na rin siya nakatanggi, and then eventually it became a routine. By Sunday 8am, nasa bahay na siya and sama sama kami magsimba ng 9am.

There was this time na wala parents ko for a conference, at si Kuya naman busy sa work niya at nagovertime. Hapon na lang daw magsimba, kaya ang ending kami lang ni Ethan ang magkasama.

After mass hindi pa kami agad lumabas, nakaupo lang kami at magkahawak kamay, "Pinagpray kita."

"Huh?" Ano na naman ba sinabi neto, "bakit?"

"Mahal kita eh." Napatingin ako sa kanya bigla kasi first time niyang sinabi yun in tagalog. Iba pala pag tagalog, parang mas totoo. Mas tagos sa puso.

"Mahal kita, Miracle. Sa harap ni God, sinasabi ko sayo na mahal talaga kita. Hindi pwede magsinungaling lalo na present si Lord." Tinuro niya si Lord sa harap, "I never thought I could be this happy just by telling the truth." Hindi ko alam pano ako magpipigil ng kilig pero sure namang namumula ako.

"Tara na nga, baka tawagin ko ung pari at mapakasalan kita ng wala sa oras!" Kinurot ko siya, loko talaga 'to.

"Baliw!!!"

"Mahal ka naman."

Kapag naalala ko yun, lagi ko rin naalala na totoo 'to. Alam niyo ung akala ko sa wattpad lang may ganito, pero hindi pala. May mga nageexist pa pala talagang lalake na pasasayahin ka in so many ways. Feeling ko naman worth it siya eh, na worth it si Ethan.

What if sabihin ko na kaya? What if I just tell him the truth, na mahal ko rin siya. Na oo na, kami na ganun.

Hay nako ang sakit sa ulo. Ano ba talaga, Milagro.


xxxxxxxxxxx

Sa totoo lang ang spontaneous lang ng paggawa ko neto. Hindi ko pa nga alam anong conflict nila eh hahahaha basta nagiisip lang ako everyday kung ano idudugtong ko sa update ko kahapon ganun. HAHAHAHA kaya tinanggal ko rin siya sa Short Story category kasi napapahaba na siya tulad ng note ko ngayon hahahaha hi sa inyo.

Comment naman kayo dyan, tips pano mapapasagot ni Miracle si Ethan. Charot! Hahahaha!

#MrWorthIt on twitter! 💙

Mr. Worth It #Wattys2016Where stories live. Discover now