"Ayos lang ako." Pasimple niyang binawi ang kamay saka humarap sa mga magulang niya na nakangiting bumababa sa hagdan.

Jan Irish's heart swelled in happiness. Nagpapasalamat siya ng masaya ang mga magulang niya.

"Happy Birthday, Ma." Nakangiting bati niya sa ina ng tuluyan na itong makababa kasama ang ama niya.
Hindi niya ito binati kanina kasi abala ito sa pagpapaganda.

Her mother smiled lovingly at her. "Thanks, Irish."

"Mamaya na po regalo ko." Nangingiting sabi niya.

Napailing-iling ang ina niya, "kahit wala, Irish, ayos lang. Sapat nang narito ka." Hinawakan siya nito sa kamay, "stay with me as I greet our guest." Anyaya nito.

Kaagad namang tumango si Jan Irish, ayaw niyang maiwan kasama si Daniel.

Matamis ang nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Jan Irish habang kasama ang mga magulang na isa-isang pinupuntahan ang bawat mesa at kinakausap ang mga bisita.

Jan Irish stayed silent beside her parents. Sumasagot lang siya kapag may nagtatanong sa kaniya. Kahit bored na siya sa paglilibot sa bawat ukupadong mesa, nanatili pa rin siyang nakangiti.

"Good evening, everybody." Anang ama niya ng makalapit sila sa panghuling table. "I hope youre enjoying the party."

"The drinks are great, Mr. Vallega." Anang lalaking may edad na na may hawak ng kopita na puno ng alak. "It’s exquisite."

"Happy Birthday, Mrs. Vallega." Sabi naman ng ibang nasa mesa.

"Thank you." Nakangiting tugon ng ina niya na bahagyan pang yumukod. "And thank you for coming."

"It’s our pleasure." Sabad ng isang may edad na babae.

Ngumiti ang ama niya. "Oh, siya, maiwan na muna namin kayo. Enjoy the party."

"Thanks, Mr. Vallega." Sabay sabay na sabi ng mga bisitang nasa mesa.

"Tapos na kayo maglibot?" Hindi naitago ni Jan Irish ang sarkasmo sa boses.

"Irish, you knew that it’s the right thing to do to your visitors." Sagot ng ama.

Pasimple siyang umingos at bumulong. "Mga buwesita kamo."

Jan Irish looked around the huge solar. Hinahanap ng mga mata niya ang binatang nakatitigan niya kanina. Nasaan kaya si Tegan? Saan ito nagpunta? Ano kayang iniisip nito ngayon?

She was feeling worried when she heard his father voice.

"Oh, is that you Mr. Galvante?" Anang boses ng ama na parang nagulat. "Muntik na kitang hindi makilala sa suot mong maskara."

Mabilis na nag-angat ng tingin si Jan Irish mula sa pagsusuri ng suot niyang gown at napatitig sa binatang nasa unahan nila.

Jan Irish lips parted. Tegan looks good in his Tuxedo. Wala siyang pakialam sa mukha nitong may pilat, napaka-hot pa rin nito sa suot na suit.

Damn!

"Mr. Vallega." Magalang na nakipagkamay si Tegan sa ama niya. "Good evening." Bumaling ito sa ina niya at bahagyang yumukod. "Happy Birth Day, Mrs. Vallega."

Ngumiti ang ina niya. "Thank you, Mr. Galvante."

Ang mga mata ni Tegan ay dumako sa kaniya. "Good evening, Ms. Vallega." May kakaibang emosyon sa boses nito. "It’s nice to finally met the Vallega's Chains of Companies Heir."

Tumikom ang mga labi niya. She can see dullness in Tegan's eyes as he looked at her.

"Maiwan ka muna namin, Mr. Galvante." Anang ama niya, "kailangan paupuin ko ang aking esposa, alam kong pagod na siya."

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now