I'll Be There

621 22 0
                                    

"I'll be here na lang. Makikinig ako."

I nod. Then, I kissed him.

Pagkadating ko dun, bineso ko si ate Belle. Nagkamustahan din and maya-maya'y on air na kami. Chika chika and nagbasa lang kami ng tweets and requests sa facebook.

"Greet me rin. It was my birthday yesterday."

Nagtext siya. May ginreet kasi ako. Hindi ako nagreply kasi baka mamaya matuon ang atensyon ko sa pagtetext lang sa kanya. Nakakahiya.

"Ipaalam mo rin ako kay mommy. Ayaw niya akong payagang pumunta sa concert mo. :("

Text niya. May binasa kasi ako na ipaalam daw sila na payagan ng magulang nila na manuod ng concert ko and yes, I did it. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa text niyang yun. Kailangan ko na bang tanggapin na hindi siya makakapunta? Hays.

May nagrequest na kumanta ako ng isang kanta ko. Wala naman akong maisip. So nagproceed sa sunod na request. Kantahin ko daw yung we don't talk anymore. Kinanta ko nman yung chorus nun.

"We still talk and laugh together. But not in front of them."

Nagtext nanaman sya. Bored siguro 'to. Tapos pinagpromote na ako. Then, naalala pa ni ate belle yung naunang song request. Nag-isip naman ako. Napatingin ako sa phone ko. Nagvibrate kasi.

"Sing I'll be there for us."

Kinanta ko naman yun. Pero teka, us? Para samin? Bakit? Nagkibit balikat na lang ako. Tapos nun ay nagpaalam at bumeso na ko kay ate belle. Bumaba na rin ako at sumakay sa kotse nya.

"So, saan na tayo pupunta?"

Tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa passenger seat. Hindi naman nya ako pinansin.

"Hey!"

"..."

"Baby!"

"What?"

Walang emosyong sabi nya.

"What's your problem?"

"Nothing."

Di ko na sya pinansin kasi nagda-drive na sya. Mamaya na lang pagdating namin sa condo nya. Oo, sa condo nya. Yung way kasi eh.

Pagdating namin ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan bumaba pero ang cold pa rin nya. Problema nito? Ayos pa kami kanina ah.

"Baby."

Malambing na sabi ko at niyakap sya pagpasok namin sa elevator. Hindi sya gumanti. Problema ba nito? Tatanungin ko na sana sya kung anong problema niya pero nakadating na kami sa floor kung nasaan yung unit nya. Dire-diretso lang sya. Hindi man lang ako hinintay. Tss. Pagpasok nya, diretso sya agad sa kusina. Sinundan ko naman sya dun.

"Ano ba talagang problema mo?"

Inis kong tanong pero di pa rin sya umimik at patuloy na pinrepare yung ingredients na gagamitin nya.

"Kung ganyan ka lang din naman, uuwi na lang ako. Bahala ka sa buhay mo."

Sabi ko at aalis na sana ako nang yakapin nya ako sa likod.

One ShotsWhere stories live. Discover now