Be Next To Ya

632 16 0
                                    

"Nice one." Maqui said and give me water.

Nasa studio kami ng 24 oras ngayon. Regular na ako sa chika minute. Isang showbiz balita na lang and I'm done.

"Bes, bakit ka ba talaga nandito? Nakakapanibago." Sabi ko pagkalapag ko nung baso sa lamesa.

"Like I've said, namimiss ko na ang bestfriend ko na wala ng ginawa kundi ang magtrabaho at kalimutan ang bestfriend niyang maganda."

"Wushuuu. I miss you too bes." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Bawi ako later. Starbucks tayo. Treat ko." I winked.

"I like that." She said.

"Ms. Julie, ikaw na po ulit." Sabi ng isang staff.

Napatingin ako kay Maqui. She just nod and smile. I smile back. Nakakamiss nga talaga 'tong loka-lokang 'to. Hindi ko na rin kasi siya natetext dahil sa sobrang busy. Speaking of text, hindi pa nagpaparamdam si Mokong simula kahapon. Ano kaya nangyari dun? Hindi na ba nya ko mahal? May iba na ba sya? Ayaw na nya ba sakin?

"5, 4, 3, 2, and 1." The director shouted.

Napatingin ako dun sa screen kung saan nakalagay yung sasabihin ko. Na kay Mokong yung utak ko. Walangyaaaa. Iba talaga epekto nung Magalona na yun sakin. Bwiset.

"Julie Anne San Jose, mae-engage ngayong gabi."

"Ha? Ano raw?"

Nagpaalam na sila. Hindi na nila hinintay yung cue ko. Ano bang nangyayari?

Binasa ko ulit. Baka kasi nababaliw lang ako.

"Julie Anne San Jose, mae-engage ngayong gabi."

Teka. Teka. Bakit.. Paano.. Anong nangyari? Bakit ganito yung balita? Nagugulumihanan ako.

"Ju-lie Anne San Jose, ma-e-en-gage nga-yong ga-bi." Binasa ko per syllable. Baka sakaling mag-iba pero ganun pa rin.

Tinitigan ko ng mabuti yung screen pero ganun talaga yung nakasulat.

Biglang namatay yung ilaw. Wala akong makita. Malamang Julie Anne. Wala ka talagang makikita, madilim eh.

"Ms. Mel? Sir Mike?" Tawag ko.

Walang sumasagot. Walang ingay. Ano bang nangyari? Nasaan na sila?

"Maqui?" Tawag ko.

Walang nasagot.

"Maquiii!!!" Sigaw ko.

"Ano ba Julie Anne? Alam kong maitim ako kaya hindi mo ako makita. Wag kang sumigaw. Bwisit ka. Nandito lang ako." Sabi niya.

Napatawa ako sa sinabi nya.

"Oh sige. Tawa pa. May clown pa naman sa likod mo."

Napatili ako. Siya naman ang tumawa ngayon. Napatingin ako ng masama sa kawalan. Hindi ko naman sya makita eh.

Naglakad ako ng dahan-dahan. Hahanapin ko kung nasaan man ang walang hiya kong bestfriend nang masabunutan ng solid.

"Stay there."

Napahinto ako. Kilala ko kung kaninong boses yun. May tumutok na ilaw sakin at sa kanya. Siya nga. Simple lang suot niya. Plain white v-neck shirt, jeans at rubber shoes ang suot nya. Simple pero ang gwapo.

Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin. Automatic na napangiti rin ako.

Tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

I've been next to ya
I only wanna be next to ya
I've been next to ya
I only wanna be next to ya

One ShotsWhere stories live. Discover now