Distance

2.3K 30 7
                                    

I arrived at the studio early. I've decided to go to the Green Room muna since maaga pa naman. Madami akong memories dito with him. Napapangiti ako pag naaalala ko yun.

"Hi Bes!"

"Ayy kalabaw!"

"So mukha akong kalabaw Julie Anne?" Sabi ni Maqui sabay beso.

Napatawa naman ako sa sinabi nya. Haha. Nagre-reminisce kasi ako dito tapos bigla siyang susulpot. Nagulat tuloy ako.

"Hahaha! Hindi Maq. Ang ganda mo nga eh."

"Alam ko yan Julie Anne!"

"Whateverrr!"

Tumahimik kami. So Maqui decided to turn on the Monitor.. Katulad to ng monitor sa studio. They're currently taping the Paborito prod. Hindi pala live ang SAS next Sunday. Bakit ko nga pala nakalimutan yun? Err. Nagtwitter na lang ako. Its soco time!

"Bes! Bes!"

"Hm?"

"Bes!"

"Hm?"

"Bes!"

"Bakit?"

"Look!"

Tinuturo niya yung monitor.. Napatingin naman ako.

"Oh anong meron dyan?" tanong ko.
Wala namang kakaiba eh. Kumakanta lang naman yung mga artists.

"Uso maghintay Julie Anne." Sagot niya pero hindi pa rin nya inaalis yung tingin nya sa monitor.

I've waited. Nakatingin lang din ako sa monitor. Paikot-ikot yung camera nang biglang tinutok kila..

"What the fvck?" Napatayo ako.

Kumakanta si Janine kasama ang magaling kong boyfriend. Automatic na napayukom ang kamay ko. Hindi man lang niya sinabing may prod sila. Tsktsk! Gusto nya ata akong i-surprise. Ang galing nya talaga sa surprises. Surprise na surprise ako eh.

"Baka sumabog yung monitor sa sobrang sama ng tingin mo. Kalma lang bes." Sabi ni Maqui.

Pinaupo niya ko. Umupo naman ako pero di ko parin inaalis tingin ko sa monitor.

"Maqui! Turn it on." Pinatay niya yung monitor eh.

"Ayoko."

"Ano ba?! Buksan mo."

"At bakit?"

"Gusto kong makita kung gaano sila kasweet sa isa't-isa." Ngisi ko.

"Gustong-gusto mo talagang sinasaktan sarili mo no?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya.

"Just turn it on please." Mahina kong sabi. Sapat lang para marinig niya.

"Fine!"

Binuksan nga niya. Sakto namang nakatutok yung camera sa dalawa. Tapos na silang kumanta. Nagbubulungan na silang dalawa ngayon. Peste! Ngiting-ngiti pa tong mokong na to. Letse!

Tumayo na sila. Pahawak-hawak ka pa sa bewang. Letse ka! Exit na. Inalok ni Elmo kamay niya kay Janine. Kinuha naman ni Janine. Ang lalandi!

"Argh!"

Pinatay na ni Maqui yung monitor after that scene.

Yumuko ako. May tubig banda sa mata ko. Pinagpapawisan mata ko? Paano? Malamig naman dito sa green room ah?

"Iiyak mo lang yan bes. Andito lang ang damit ko para sa luha at sipon mo." Sabi ni Maqui habang yakap ako.

Umiiyak nanaman pala ako. Lagi na lang. Paulit-ulit na lang. Kelan ba magsasawa ang mata ko sa pag-iyak?

One ShotsWhere stories live. Discover now