ITTAM: 9

4.6K 160 3
                                    

Agad tumakbo si Riley sa stage at niyakap ang kalalabas lang na si Valerie. "Mine! Stay away Lance."

Napakunot ang noo ng lahat.

"She's running away, secure the place!" Agad naalarma si Lance dahil uti unti nang nawawala ang amoy sa paligid. Bakit siya lumalayo? Pinag lalaruan ba ako ng bathala sa buwan? Gulong gulo ang binata dahil hindi parin niya maintindihan kung bakit kailangang tumakas ng kabiyak nito.

Agad namang tumulong ang lahat ng kaibigan niya maliban kay Riley na abalang abala sa pagsuyo sa bagong hanap nitong mate.

"Did we just lost our mate for the second time?" Sa wakas ay nag salita ng muli si Rogue, ang lobo ni Lance.

"Wala akong magagawa Rogue she's so fast. Wala kaming nakita ni isang bakas niya sa paligid"

Naramdaman ni Lance ang pag tapik ng mga kaibigan nito sa balikat. Natapos na ang lahat ng preparasyon na ginawa ng mga kalahok ngunit di pa rin nahanap ng mga mag kakaibigan ang mate ni Lance. Masama man ang loob nito ay napilitan narin itong sumuko sa paghahanap.

Ilang beses sinubukang kausapin ni Lance si Valerie upang mag tanong ngunit hindi ito maka lapit lapit dahil kay Riley.

"Oh come on Riley! Your Valerie has a faint smell of my mate Riley." Sinipa ni Lance and maliit na bato sa harapan niya at napaupo sa sahig.

"Uh-h Sir, sobrang dami pong babaeng lobo sa backstage, mga contestants, staffs and outsiders. At lahat po sila ay nakasalamuha ko kaya hindi ko din po masasagot ang mga tanong mo." Nag aalanganing sagot ni Valerie at muling nag tago sa likod ni Riley.

"Oh come on Lance, mahahanap at mahahanap mo rin ang mate mo kailangan mo lang mag hintay dude." Dagdag naman ni Jeyden na mas nakadagdag sa inis ni Lance.

"Pano ko mahahanap yung ayaw magpahanap? Alam kong alam niya na nandoon ako but she ran away, ano sa tingin mo ibig sabihin non?"

"Maybe she needs time Lance, just let her be. Sooner or later hahanapin ka rin niya." Pagkokontrol naman ni Calton sa tensyong namumuo sa grupo.

Ilang beses nagpalitan ng pagtatalo ang mga ito bago tumigil at naisipang dumeretyo nalang sa bar ni Brody upang mag diwang para kay Riley at para na din madamayan ang pangungulila ni Lance.

---

Di kalayuan sa kakahuyan, ibinagsak ni Rhoegene ang katawan nito sa damuhan upang habulin ang hininga nito.

"Fuck you Rhoegene!" Nagwawalang sabi ni Monique sa loob ko.

Still, I didn't listen to her at muling bumangon para tumakbo papalayo sa lugar muli. The further the better.

Pagod na ako pero ayaw kong mag shift sa worlf from ko dahil siguradong akong once Monique take control of my body ay babalik siya. Ng maramdaman kong malayo na ako ay saka lang ako tumigil.

"No!" Pinag sisipa ko ang lahat ng makita ko pati ang rabbit na napadaan sa harapan ko ay di naka ligtas.

Sa loob ng limang taon na nag tago ako bakit ngayon pa?! Hindi pa ako handa. Napasabunod ako sa sarili ko at napasalampak sa lupa.

"Please Rhoegene go back."

"I said NO Monique!"

"You can't just run away from the truth Thoegene. We need our mate kahit ilang beses mo pang itanggi yan."

I kept on denying and refusing Monique at di ko namalayang dinala na ako ng mga paa ko sa bahay. As soon as I opened the door, bumungad sakin ang nag aalalang muka ni Mom. Agad ko siyang niyakap at di mapigilang mapahagulgol sa yakap niya."Mom, I-I don't know what to do."

Kumalas sa yakap si Mom at pinunasan ang mga daliri ko. Hindi ko namalayan na nagka sugat sugat ang mga ito dahil sa pagwawala ko kanina.

"I f-found him Mom, I found my m-mate." Garalgal ko sakanya.

"You can't run away from the truth young lady. Alam na alam mo na this day will come sooner or later." Nagulat ako sa biglaang singit ni Dad. He is sitting on the couch. Kanina pa pala ito sa kinaroroonan niya ngunit ko napansin ang presensya niya.

"But Dad-" I tried to reason wit him pero wala akong masabi, wala na nga din akong gana para makipagbangayan dahil sa young lady na tinawag niya sakin.

"You're still a she-wolf and you need your mate especially Monique. You're being unfair to your wolf, mate, and to yourself young lady."

Inayos ko ang sarili ko at umupo sa tapat ng kinaroroonan ni Dad. "Anong gagawin ko Dad? Hindi pa ako handa you both know that."

"Do you still want to do the pageant?" Tanong niya sakin.

"Yes, I badly want the job Dad." I have to do it dahil kung hindi, I will not get the job I want sa academy. Malinaw ang usapan namin ni tito Oddie at wala akong balak na di sumunod sa napag usapan. This is beneficial to me and Monique kaya naman I will surely grab it. Kung bakit ba naman kasi sa hinaba-haba ng panahon ngayon pa siya dumating. I want to restart my life and start to open my social life again.

I want to find myself again, I want to remove my doubts about myself. Alam kong hindi ko to matatakasan, I just need time.

"Then set aside these things, for now, just take a rest and focus on the pageant dahil bukas na ang kompitisyon." Tumayo si Dad at iniwan kaming dalawa ni Mom sa sala.

Dad is right, I need to focus and achieve my goal bukas.

"Rhoegene, susuportahan kita sa lahat ng magiging desisyon mo sa buhay but please don't make things na pag sisisihan mo sa huli. Kung kailangan mo ng mahihingian ng payo, your Dad and I will always be open for you."

"Thank you Mom and congratulation nga po pala. I'm sorry I left you sa hospital and sorry din dahil nasaktan kita." I apologized dahil muli kong naalala ang aksidente kong pagka hampas sakanya sa pader at ang pang iiwan ko saknila sa hospital.

I frowned dahil kanina ko pa sinusubukang kausapin si Monique pero hindi siya nag paparamdam. Ng umalis si Mom ay agad akong nag tungo sa kwarto ko. Maliwanag pa ang paligid pero napag pasyahan ko nang humig, hoping na maliwanagan ang isip ko.

I faced palm ng maalala ko, I never had a decent practice dahil every time na dumadalo ako sa practice ay laging nauudlot. Pinag lalaruan na ata ako ng mga bathala. I hope tomorrow will turn out okay.

Is That The Alpha's Mate [Free Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon