"I'm so glad to hear that, Louise." Ngumiti siya ng matamis. It was one of Via's advocacies in life, to help a lot of girls to feel and look good all the time. Naniniwala siyang ang isang babae ay kailangang matuto kung paano ang maglagay ng makeup sa sarili.

Tinawag si Louise ng wedding coordinator at sinabi nitong oras na para sa photo op ng bride.

Inayos ni Via ang kanyang mga gamit at inilagay iyon sa kanyang bitbit na malaking makeup train case. Nang matapos ay pinanonood niya ang nagaganap na photo op ni Louise kasama ang kambal na anak nito, ang maid of honor na si Lissy at ang bridesmaids. Imbitado sila sa wedding reception nina Louise at Jaeden na gaganapin mamayang alas-sais ng gabi. Nang matapos ang kanilang mga trabaho ay nagpaalam sa kanya si Marla na magiikot-ikot muna sa country club—kung saan naka-check in ang bride at groom kasama ang pamilya ng mga ito—habang siya naman ay isinama ni Louise hanggang sa simbahan. Sa buong duration ng kasal ay makakasama siya nito mula sa simbahan hanggang sa matapos ang wedding reception. Kasama iyon sa package na kinuha ni Louise sa kanyang bridal makeup service.

KUMAKALAM na ang sikumura ni Via bago pa man matapos ang seremonyas ng kasal nina Louise at Jaeden. Breakfast pa ang huling kain niya. Hindi siya nakakain ng tanghalian dahil tuloy-tuloy ang trabaho niya. May mga pagkakataon talaga na inaabot siya ng gutom sa uri ng kanyang trabaho. At ngayon ay hindi na makapaghintay si Via na makalapit sa food stations para sa mga guests. Kung hindi pa siya makakakain ngayon ay baka himatayin na siya. She only had water since the start of the wedding ceremony.

"Nasaan si Marla? Nakita n'yo ba?" tanong ni Via kay Camille. Palinga-linga siya sa paligid subalit hindi niya makita ang pinsan.

Nagkibit-balikat si Camille. Nakilala niya ito sa isang makeup gig para sa isang sikat na fast food TV commercial no'ng nakaraang taon. Siya ang makeup artist ng endorser ng sikat na fast food chain habang ito naman ang hairstylist. "Hindi ko alam sa pinsan mo. Ang sabi niya sa amin kanina, mag-iikot lang siya dito," sagot nito.

Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Marla pero hindi nito sinasagot. "Nasaan na ang babaeng 'yon?" Tumayo siya mula sa kinauupan, nagpaalam sa dalawang kasama. Susubukan niyang hanapin ang pinsan. Baka naroon lang ito sa paligid ng grand ballroom hall ng hotel kung saan ginaganap ang wedding reception.

Mga ilang minuto rin siyang nag-iikot sa buong paligid ngunit kahit dulo ng buhok ni Marla ay hindi man lang niya nakita. Muli niyang tinawagan at t-in-ext ang cellphone ni Marla ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang text at tawag niya. Mamaya na lang niya ulit tatawagan ang pinsan dahil talagang gutom na gutom na siya.

"Haay, ewan ko sa'yo, Marla! Basta ako, nagugutom na!" kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa salad and veggie bar.Natuwa siya nang makitang kasama iyon sa mga food station sa reception. She had been practicing the vegetarian lifestyle for three years. Mortal sin para sa kanya ang pagkain ng karne. Para sa vegetarian na kagaya niya, pili ang mga pagkaing puwede niyang kainin sa mga pagtitipon. She asked the server to give him a plate of Greek salad. Pagkatapos niyon ay nagtungo naman siya sa mashed potato station. Nang makuntento sa mga pagkaing kinuha ay nagbalik na siya sa mesang naka-reserve sa kanila ng mga kasama.

Nagsimula ang programa nang ang lahat ng mga bisita ay nakaupo na at nagsisimula nang kumain.

"Ang guwapo naman niya!" Hindi napigilang magkomento ni Via habang nakatingin sa bestman ni Jaeden na nagsasalita sa harap upang i-congratulate ang bride at groom. Kung ubod na ng guwapo ang groom ni Louise, hindi rin naman magpapahuli ang bestman nito na Yuan ang pangalan.

"Oo nga! Parang ang guguwapo ng mga kalalakihan dito, ha," kinikilig namang sambit ni Julie. Ito naman ang pinakabata sa kanilang apat. She was twenty-one. Kaklase ito ni Camille sa hairstyling class.

Love Times Two -COMPLETED [Approved under PHR]Where stories live. Discover now