Chapter 34-

635 30 0
                                    

Jeric's POV

Siya. Si Natalia ang pumatay sa pamilya ko? Parang sumikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung bakit niya pinatay ang pamilya ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginanti niya sa akin. Sa lahat ng mabuting ginawa ko sakanya, ganito ang makukuha ko?

Minahal ko si Natalia... Pero ngayon, galit na lang ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya pag nakita ko na siya ulit.

Minahal niya rin kaya ako? O kinuha niya lang ang atensyon ko para mapatay ang pamilya ko?

Agad kong tinawagan sila Rix at pinapunta ulit dito. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko, kung sino pa ang inasahan ko, siya pa pala ang gagawa ng ganito sakin.

"Tang ina..." yun lang ang nasabi ni Philip nang makita ang katawan ng pamilya ko. Pinakita ko sa kanila ang footage ng cctv.

"Si Z-zero? Si Natalia ang pumatay sa pamilya mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Rix.

"Oo, siya. Tangina pare bakit siya pa? Bakit sa lahat ng tao sa mundo siya pa? Ano bang ginawa ng pamilya ko sa kanya? Alam niya namang mahal na mahal ko ang pamilya ko e." tumulo na ang luha ko. Hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa galit. Nalulungkot ako, oo. Pero mas nangigibabaw ang galit ko.

"Anong gagawin mo ngayon pare?" tanong ni Jinno

"Edi gaganti." sabi ko at tumungo sa kwarto. Sumunod naman sila

"Gaganti? Anong klaseng ganti?"

"Edi papatayin siya." halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"Pero babae lang siya, Jeric." napatingin ako kay Jinno

"Tangina oo babae siya, pero pinatay niya ang pamilya ko. Wala na akong pakielam sa kanya." sabi ko. Napatingin kami sa pinto nang may biglang pumasok. Ang roshan...

"Anong ginagawa niyo dito?!" sigaw ko sa kanila at itinutok ang baril ko

"Woah, easy. Andito ako para kausapin ka." mahinahong sabi nito. Unti-unti kong binaba ang baril ko.

"Anong pag-uusapan?"

"Zero? Siya ang pumatay sa pamilya mo diba?" kumunot ang noo ko.

"Bakit alam mo? Wag mong sabihing magkasama kayo?!" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Magkasama? Hindi yan pwede. Mortal na kaaway ko si Zero. Siya lang naman ang pumatay sa anak at asawa ko." kumunot ang noo ko. Magkaaway rin sila ni Zero?

"Bakit mo alam?!"

"Kasi narinig siya ng mga tauhan ko. Matagal niya nang pinlano na patayin ang pamilya mo. Pero hindi niya muna itinuloy dahil gusto niya munang kunin ang atensyon mo. May galit kasi siya sa pamilya mo e." napailing ako sa mga sinasabi niya

"Bakit mo to sinasabi sa akin?" natawa ulit siya

"Eh sa nagtanong ka e. And another thing! May plano akong patayin at pahirapan siya, wanna join?" ngumisi ito at inilahad ang kamay niya. Napatingin lang ako sa kanya, tapos kina Rix. Parang nag-aalinlangan sila sa sasabihin ko.

"Sige. Para sa pamilya ko!" ngumiti ito.

"Nice! Diba mahal mo siya? Di ka ba maaawa?" tanong nito

Natawa ako sa tanong niya, "Maaawa? Hindi. Oo minahal ko siya pero nagkamali ako ng minahal. Kaya sigurado na ako sa gagawin ko." tumango ito at umupo sa upuan.

"Wanna know the plan?" tumango ako, "Kailangan mo munang magpakabait sa kanya. Just act like nothing happened. Tapos, isama mo siya sa warehouse na 'to." nagbigay siya ng pixture ng warehouse at address na rin. "Tapos dun na natin gagawin ang lahat. Okay ba?" napangisi ako. Okay naman yung plano niya

"Sige. Masusunod." ngumisi ako. Nakipag-kamay naman siya sa akin at umalis kasama ang mga tauhan niya. Napatingin naman ako kila Rix ma may ngisi sa labi.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Nakikipagplano ka sa taong hindi mo kilala?" tanong ni Jinno

"Tangina pare pareho lang yung pinagdaanan namin, pinatay rin ni Natalia yung pamilya niya. Kaya nararamdaman ko yung nararamdaman niya ngayon." nauna na akong lumabas ng bahay. Pupunta na muna ako sa bahay ng babaeng si Zero.

Natalia's POV

"Wow! Galing ni Zero!" cheer ng mga tao mg palabas na ako sa hideout. Medyo marami rin akong napatay na tao dun. Nagpalabas lang ng galit.

"Alis na ako." mahina kong sabi sa manager ng hideout at umalis na. Agad na akonb umuwi sa bahay para magpahinga. Duguan na rin ako at kailangan ko ng maligo.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto, nakita ko dun si Jeric na nanunood ng tv. Nginitian ko siya, ngumiti naman siya pero hindi abot tenga. Kaya nilapitan ko siya.

"May problema ba?" Tanong ko

"Kailangan pa bang tanungin yan?" napakunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Ohh." tumango-tango na lang ako

"Bakit ka duguan?" tanong ni Jeric

"Ahh, galing kase sa hideout. Nagpalabas ng galit." tumango naman siya

"Sa hideout ka ba talaga galing?" tanong nito kaya mas kumunot ang noo ko. He's acting really strange.

"Oo, bakit?" kunut-noo kong tanong

"Ohh, kala ko kasi galing ka sa bahay." umiling na lang ako. Kasi parang iba talaga siya e. Hindi ko na lang muna siya pinansin at tumungo na lang sa CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay tumabi na ako sa kanya sa kama. Nakatalikod siya sakin kaya niyakap ko siya mula sa likod. Hindi man lang siya humarap. Ano kayang problema niya? Hindi ko mabasa yung inaakto niya ngayon eh. Parang may problema siya.

"May problema ba, Jeric?" tanong ko

"Hindi mo ba alam kung bakit?"

Medyo umaapaw na din ang dugo ko, parang nawawalan na ako ng pasenya sa mga pinagsasagot niya sakin.

"Itatanong ko ba kung hindi ko alam?" tanong ko.

"Ah kala ko alam mo e. Wala naman." tumahimik na lang ako at hindi na siya pinansin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Para bang may galit siya sa akin na ewan.

Natulog na lang ako para naman may makuha pa akong lakas para bukas.

Guns... Knives... Yan ang nakita kong dala-dala ni Jeric. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nakatali ang mga kamay at paa ko. Marami sila. Nakangisi sila habang tinitingnan ako.

"Para to sa pamilya ko." sabi ni Jeric at bigla na lang nandilim ang paningin ko nang sinaksak niya ako sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Bigla akong nagising. Parang bigla akong kinabahan sa naging panaginip ko. Hindi ko alam kung may meaning ba yung panaginip ko. Kinakabahan ako at parang hindi ko alam ang gagawin.

What a nightmare. Napatingin ako kay Jeric, natutulog siya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko yata kakayanin kung totoo yun. Bakit kaya niya ako pinatay? Bakit ganun yung panaginip ko?
-------

What a lame update. Sorry kung maikli lang update ko. Hehehe bawi na lang ako next chapters. Love you all! :****

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon