Chapter 12-

2.4K 86 0
                                    

Jeric's POV

Kumpleto na kami sa bus kaya nagsimula nang umandar yung bus na sinasakyan namin.

Sayang naman, wala akong mapagti-trippan. Nasa harapan kasi si Natalia at sa ibang department naman ang katabi niya. Nasa likod kami, ang ingay namin dito.

Maya-maya ay napatingin ako kay Natalia na nakatingin na sa akin, napangiti ako sa kalooban ko. Parang kinilig ako konti. Hehehe ang ganda niya kasi.

Nagstop-over kami nang may pumasok na mga holdaper sa bus, nagpanic naman ang mga teachers at students. Pero parang gusto kong saksakin yung mga lalaki nang hinila nila si Natalia at yung katabi niya, umiling ako dahil ganun padin ang mukha niya, at... nila. Walang kaemo-emosyon. Hindi ba sila kinakabahan?! Pati kasi yung isang babae ganun din yung mukha. Parang nakatayo lang ng normal. Napailing ako at nagsalita.

Nagsagutan lang kami pero pinigilan na ako nila Jeigch. Tumayo naman ako nang makalabas na sila sa bus at pumasok sa kotse. Napasapo ako sa noo.

Paano kung may nangyaring masama sa kanila? Nako! Ang lampa pa naman nung Natalia na yun. Tsk. Bakit ba kasi dun pa siya umupo?!

"May cellphone ako dito, tawagin niyo yung pulis." hinagis ko iyon sa isang estudyante na panay lang ang iyak, kailangan kong masundan sila Natalia. "Susundan ko lang sila." ani ko at napasinghap sila

"Nagbibiro ka ba?! Delikado na!" sigaw nung isa, hindi ko na iyon pinansin. Kailangan ko silang masundan. "Sama kami!" sigaw ni Philip at sinundan nga talaga nila ako,

"Maghiwa-hiwalay tayo. Sigurado akong nandun lang sila sa mga maraming puno." ani Jeigch, tumango lang kami, may mga tracker naman kami kaya hindi kami mawawala.

Jeigch's POV

Naghiwalay na kami at straight lang ang daan ko, may mga nakita akong trace ng gulong kaya sinundan ko ito, at tama nga. Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, binaril ni Natalia ang isa sa mga lalaki. Fuck! Mukhang tama nga ang naisip kong marunong siyang lumaban! Agad kong nilabas ang cellphone ko at kinuhaan iyon ng video. Ipapakita ko to sa kanila, pero di pa ngayon.

Madami talagang signs eh, yung sugat niya sa noo, kung paano siya umasta, yung parang wala lang talaga ang lahat sa kanya, katulad nung kanina. Hinawakan na siya nung lalaki pero poker face pa din siya.

Imposible pero, shet, hindi nga kasi kapani-paniwala. Isa siyang weakling sa school.

Napatingin ako sa oras, 2 minutes and 34 seconds, nakabulagta na ang mga lalaki sa lupa at parang wala lang sa kanila.. wait, kasali din yung isang babae. Di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Umalis na sila pero nanduon pa din ako, naghihintay na hindi totoo ang nakita ko, pero totoo talaga eh. Tama ba ang kutob ko? Siya ba ang new member? Sila ba yung tinutukoy na dalawang miyembro ng Pisces na sa university namin nag-aaral? Ang daming tanong sa utak ko. Eto ba yung kasabihang, "Don't judge the book by its cover?"

Jeric's POV

Nasan na ba yung mga babaeng yun? Lakad lang ako ng lakad nang may nakita akong sasakyan. Watdafuck? Dumating na ba yung mga pulis?

Bakit nakabulagta na yung mga tauhan? Nandito pa ba sila Natalia? I checked kung may mga malay pa ba sika, I need to ask them. Pero wala, mga tulog eh.

Pumasok ako sa kubo para i check kung nandun ba sila Natalia, but I failed. Asan ba kasi sila? Nakuha na ba sila ng iba pang tauhan? Naglakad lang ako ng naglakad.

I tracked them, (Radiance) hindi pala kami gaanong magkalayo nila Philip. Pero biglang may nagsalita sa receiver ko.

"I found them." boses ni Jinno

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon