Chapter 10-

2.2K 82 1
                                    

Jeigch's POV

"Tangina, di pa din ako makamove-on." ani Philip

"Sino bang makakamove-on sa nangyari? Buti na lang nakonsensya yung new member nila. Nako baka patay na ako ngayon." ani Jinno at bumuntong hininga

"Mga bobo kasi kayo." napatingin naman sila sakin dahil sa sinabi ko

"Bakit bobo? Kala mo naman di ka niya natalo." -Gian

"Sinabihan niyo kasi ng weakling, di niyo pa nga kilala." sabay inom ko ng beer. Literal kaming nasa HQ namin para magstambay at magamutan ang mga sugat namin. Matagal-tagal na din kaming di nakapunta dito kasi ngayon lang kami nagka-sugat ng ganito

Napatingin naman ako kay Jeric na nakatulala lang. "What's up Jeric?" tanong ko at inirapan niya lang ako. Alam naman siguro nating lahat na na-amaze talaga si Jeric sa new member nila, at di niya matanggap na babae lang ang makakatalo sa amin.

"Di ako makapaniwala na lalakas pa pala ang Pisces. You know, may balita na ang isa sa mga member nila ay sa university din natin pumapasok? Schoolmate daw natin." -Jinno

"Let's hunt her." -Jeric

That's it! Jeric was amazed.

KINAUMAGAHAN sabay-sabay na kaming pumunta sa university, hindi nga sana sila papasok dahil madami daw silang pasa at sugat sa mukha dahil nahihiya daw sila sa mga tao. Malakas kami pero babae lang ang makakatalo samin? Sinong di mahihiya dun.

Pero dahil nga gustong malaman ni Jeric kung sino yung dalawang miyembro ng Pisces. Pumasok na lang kami kahit medyo masakit ang mga katawan namin. Pasalamat kasi siya, di siya nagulpi nung new member.

Pagdating namin sa school ay gulat na mga mukha ang sumalubong sa amin. May mga bulung-bulungan na din, I know may ibang mga estudyante na alam ang nangyari dahil may mga gangsters din dito.

"Totoo nga yung sinabi ng Dire!"

"Oo natalo daw sila ng babae."

"Imposible."

"Gwapo pa din sila!"

Binalewala lang namin ang mga bulung-bulungan. Dumiretso muna kami sa cafeteria para kumain dahil hindi na kami kumain dun sa HQ.

"Alam na pala nila." -Jeric

"Oo, knowing Dire, mahilig magpakalat ng balita about sa hideout." -Philip

"Di ako papayag na hindi natin malalaman kung sino yung dalawa nilang miyembro nila." -Jeric

"At bakit mo ba gustong malaman?" naguguluhan kong tanong, "Don't tell me gugulpihin mo?"

"I'm just interested." Jeric, sabay inom ng coffee niya at ngumisi.

Prom my peripheral vision, may nakita akong babae na umupo sa kabilang table, napatingin naman ako, Natalia... tutok na tutok siya kay Jeric, at may dalawang band-aid sa kanang noo niya. Shit. Imposible ang naiisip ko.

Natalia's POV

Nakatingin lang ako kay Jeric na kumakain, sabi ko nga, di sila makakaalis ng hideout, na walang pasa o sugat. Don't mess with me Radiance.

Napatingin naman sakin si Jeric at ngumisi, pero wala pa ding bahid ng emosyon ang mukha ko.

"Hoy lampa." tawag nito at napatingin naman sila lahat sa akin, ngumisi sila at tumango-tango pa. "Hey Jinno, you know what to do." todo tango naman si Jinno at naka-smirk pa, pakyu Jinno, pinatay na lang sana kitang gago ka.

"Diba nga susundin mo lahat ng sasabihin namin?" Jeric

"Oo" sagot ko

"Okay, lilinisin mo tong buong cafeteria. Okay?" tanong nito

Hindi ko na siya pinansin at kinain na lang in-order kong food. Pero di pa ako nakakain, biglang may mga maduming bagay na nagkalat sa cafe. So, kailangan pa talaga dumihan? Tangina di pa ako tapos kumain.

"Clean." utos ni Jeric na nasa labas na pala ng cafeteria. Pucha naman oh! Alam naman nating lahat na hindi ako magaling maglinis. Nakakapagod nito, ang laki nitong cafeteria tapos lilinisin ko?!

Nagsimula na akong maglinis at shit pagod na kaagad ako.. Hindi naman ako napapagod sa mga patayan pero bakit sa ganito pagot na ako? Yun ba ang tawag nilang tamad? Tsss.

Napasinghap ako ng may naapakan akonh matulis na bagay. Manipis lang na black shoes ang suot ko kaya tumagos ito sa paa ko. Kahit madumi, napaupo ako at agad tiningnan kung ano ang nasa paa ko. Malaking bubog, bwiset naman.

Tinanggal ko ang pagkakatusok nito, napaungol ako pagtanggal ko nun, nag-aagusan ang dugo kaya hinubad ko anh sapatos at medyas ko. Paano ko to tatapusin?

Kahit masakit, tumayo pa din ako. Hindi naman ako yung tipong iiyak dahil lang sa maliit na sugat. Sanay na ako sa duguan.

Nagpatuloy ako sa paglilinis pero this time, nahihirapan na ako. Pero napangiti ako ng matapos ko ang paglilinis. Di ako makapaniwala na matatapos ko iyon.

Lumabas ako sa cafeteria at bulung-bulungan agad ang bumungad sa akin. Putulan ko kayo ng dila dyan.

Gumegewang-gewang ako tumungo sa clinic.

"Hija? Bakit ang dumi mo?" tanong ng school nurse

"Naglinis lang ho," tipid ko siyang nginitian

"Ahh, ganun ba? Bat ka napunta dito?"

"Lilinisin ko lang po sana yung sugat ko sa paa."

"Ahh ako na maglilinis." nakangiti niyang sabi at tiningnan ang paa ko, tumango na lang ako at umupo. Nilagay ko ang kamay ko sa noo ko. Nilinisan niya na din ang sugat ko. "Dito ka muna hija, medyo malaki ang sugat mo." tinanguan ko lang siya at natulog na lang muna

Jeigch's POV

Pinagmamasdan ko lang siya habang nililinis ang buong cafeteria. Si Jeric din nakatingin lang at panay ang pag ngisi.

"Halatang hindi marunong maglinis." bulong ni Gian at tumawa pa

Pero natigilan sila ng pagtawa ng biglang natumba si Natalia. Napapikit siya ng diin at may tinanggal na bubog sa paa niya. Akmang pupuntahan ko si Natalia pero pinigilan nila ako.

Pero napanganga ako ng tumayo siya at nagpatuloy sa paglilinis, kahit gumegewanh na siya naglilinis pa din siya. Napailing na lang ako, kakaiba talagang babae si Natalia.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon