Chapter 25-

1.2K 43 5
                                    

Someone's POV

"Master!" tawag sakin ng isa sa ma tauhan ko. Ano nanaman ba tong balitang ito?

"Ano?" tanong ko, nakalinya sila at nakayuko, kinuyom ko ang kamao ko ng may pumasok, dala-dala ang patay na katawan ng... ANAK KO.

"Sorry po hindi namin siya naipaglaban. Madami din po kasi sila." kinakabahang sabi ng isa sa mga tauhan niya.

"Sinong pumatay sa a-anak ko?" tanong ko nang makita ko ang wasak na mukha ng anak ko. Napapikit ako at napasigaw, siya na lang ang nasa buhay ko at kinuha pa siya.

"Narinig po naming Natalia ang pangalan nito.." nanlaki ang mata ng master at kinuyom ang kamao.

"Mga walang kwenta! Natalo kayo ng babae!" nilabas nito ang baril at inisa-isang binaril ang mga tauhan niya. Hindi niya matanggap na wala na ang kaisa-isa niyang anak.

"Magbabayad ka... Natalia." galit na bulong ng master at tinapon ang katawan ng kanyang anak.

Natalia's POV

Nakahain na ang pagkain sa mesa pero lahat kami ay nakatunganga lang. Alam kong naiisip pa din nila yung sinabi ni Jeigch sa kanila.

"Wag kayong matakot," sabi ni Rix at humigop ng tubig.

"Jeigch, ano pang alam mo sa grupong iyon?" tanong ni Nikka kay Jeigch.

"Ang alam ko lang ay malakas yung master nila at madami ring tauhan. Hindi daw siya nauubusan ng tauhan. Mostly din sa tauhan niya ay Russian." nanlaki ang mata ko

"Russian?!" sigaw ko, mukhang malaki na ang koneksyon ng Pilipinas at Russia. Malalakas sila alam ko, malalakas ang nasa Russia.

"Magtulungan lang tayo, kailangan lang natin bantayan ang paligid natin." sabi ni master at sumubo ng pagkain.

"Magtraining kaya tayo?" tanong ni Yna sa kanila.

"Training? Ang lakas na kaya natin!" sabi ni Rix,

"Oo malakas tayo pero mas mabuti ang handa diba? San ba tayo pwedeng magtraining?" tanong ni Yna

This time napangiti si Master Miranda, "I can train you in Russia if you want." lahat kami napatingin sa kanya.

"Seryoso?!" sigaw ni Rix "Sige training tayo! Di pa ako malakas!" natawa na lang ang iba, idol kasi talaga ni Rix si master Miranda at matagal na nitong hiniling na maturuan siya ni Miransa.

"Kailan?" tanong ko at hinanda ang cellphone ko, I'm gonna call mom.

"Pwede naman next month, wala pa tayong papers." sabi ni Master Miranda

"Next Month? Ang tagal kaya nun!" reklamo ni Rix, "Pwede namang bukas! May private plane kami." sabi ni Rix, napatingin naman kami kay Rix.

"Bukas agad? May pasok pa tayo." sabi ni Nikka, "Edi maiwan ka dito kung gusto mong mag-aral." naasar na sabi ni Rix, Nikka rolled her eyes.

"So sinong gustong magtraining bukas?" tanong ni Master , lahat naman kami napataas ng kamay. Napangiti si Master Miranda.

"So mabuti na din to, habang malayo tayo sa grupong yun, magte-training tayo tapos haharapin natin sila. Okay ba?" tanong ni Master Miranda, tumango kami. Tinawagan ko si mom.

"Ma? Punta ako Russia tomorrow." paalam ko kay mom.

"Paano yung papers mo?" tanong ni mom

"No need to worry ma, may private plane po si Rix." sabi ko

"Hmm okay, kakauwi lang din ng dad mo kanina. Pagdating niya dito, maga ang mata niya parang umiyak siya. Sabi niya pagod lang daw siya kaya hinayaan ko na lang." tumango naman si Natalia, nacurious din siya dahil hindi niya pa nakitang umiyak ang dad niya.

"Okay ma, thank you. Tell him I love him." sabi ko, binaba niya ang tawag at nakangiting humarap sa kanila. "I'm ready!" sabi ko.
------

Lahat kami ay nasa airport na, hinihintay na lang namin yung private plane ni Rix. Lahat kami excited na lalo na ako at si Rix. I missed Russia.

Si Rix naman panay tawag sa dad niya dahil ang tagal daw ng private plane. Talaga ngang excited siya. Sino ba kasing di mae-excite? Tuturuan ka ng idol mo.

"San tayo magte-training eh wala na ang company natin?" tanong ko kay Master, nag-isip ito.

"May pinsan ako, he owns a big gym. May underground siya dun, tapos sobrang ganda! Basta mabibigla ka." mas lalo akong na excite. Gusto ko nang makita ang gym na yun.

We waited for a few more minutes nang sumigaw si Rix, "The plane is here!" agad siyang tumakbo papasok sa plane. Lahat naman kami may dala-dalang baggage.

Umupo na kami sa sari-sarili naming upuan. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa excitement. Umandar na ang plane, katabi ko si Jeric, nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ko. Ngumisi ako, "First time ba?" mahinahon kong tanong sa kanya

"Hindi, nakasakay na ako maraming beses na pero takot pa din ako." natawa ako bigla, ang cute niya kasi.

"Don't worry, nandito lang ako." sumandal ako sa dibdib nito, Jeric wrapped his arms around me. "I didn't expect this. Dati rati para tayong aso't pusa. Ayaw na ayaw mo ako dati. You bullied me many times." I let out a small chuckle

"Di ko nga din to in-expect. Oo dati, naa-annoy ako sayo dati pero habang tumatagal na pinapahirap kita, parang nahuhulog ako. Yung sa bahay ka natulog? Pinamasdan kita buong gabi. Di ko inakalang magiging akin ka." hinaplos niya ang likod ko at niyakap ako ng mahigpit. "You don't know how much I love you." Hinalikan nito ang ulo ko, kinilig ako! Grabe.

"I didn't expect either," singit ni Master sa cheesy naming usapan ni Jeric, "Natalia is a very harsh girl. Walang sweet bones sa katawan niya. Sa akon at sa mga fellow killers lang siya nagpapakita ng emosyon. Si Zero, cold-hearted yan at walang alam sa pagmamahal. Hindi yan marunong maawa at poker face lang ang makikita mo sa kanya, walang konting kunot. Pero I was shocked when this happened, ngumingiti na palagi si Zero. Hindi na siya nagtatago ng emosyon." napangiti ako sa sabi ni Master, napatingin naman ako kay Jeric, he is smiling from ear to ear.

"Totoo ba?" tanong ni Jeric, alanganin akong tumango. He hugged me tighter. "I love you, my killer."

"Putangina ninyo, wala pong forever." sigaw ni Gian, Jeric glared at him.

"Tangina mo din, ang bitter mo kala mo nagka girlfriend ka na!" ganting biro ni Jeric sa kanya

"Boom!" sigaw nung iba.

"Shots fired." bulong ni Gian.

Natulog lang ako, yakap ang lalaking minahal ko. I feel so safe here.
------

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon