Chapter 7-

2.6K 87 1
                                    

Nagising ako sa di ko kilalang kwarto. But it's a nice room. Simple lang. Pero, nasaan ba ako?! Bumangon ako at dun ko namalayan na ang sakit pala ng ulo ko. Hinawakan ko ito, may bandage na nakalagay.

Ano bamg nangyari kagabi? Argh. I need to go home. Biglang nagvibrate ang phone ko, and I was shocked seeing the caller's name. Minsan lang siya tumatawag sakin.

"M-mom." panimula ko, medyo kinakabahan ako

"Where are you? Nag-aalala kaming lahat dito? Kumain ka na ba? Are you okay?" sunod-sunod niyang tanong. Napangiti ako, concern talaga sila sakin.

"I'm fine mom. Nasa bahay ako ng classmate ko and sorry kung hindi ko po kayo na text. Nalowbatt po ang phone ko and yung classmate ko umalis kagabi. Natulog na lang ako. Uuwi na ako mamaya mom." pagpapalusot ko at pinikit ang mga mata ko ng madiin.

"Okay anak. Come home early okay? Bye." she said and ended the call.

I tried my best to walk towards the door. Ang sakit ng ulo ko eh. Ano ba kasing nangyari kagabi?

"Sit down for a while Natalia. You're not fine yet." napalingon ako sa lalaking nagsalita. Speaking of...

"I badly need to go home, my mom is looking for me." sabi ko at umirap na lang, binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Rix. Arghh bakit sila pa?

"Uso mag thank you." ani Jeric

"Ganun ba?" I asked

"Well, the great lampa is awake." papaparinig ni Rix, hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang lumabas sa kwarto. I can't stay in a room with those bastards.

Ang laki laki naman ng bahay na 'to. Kaninong bahay ba ito? Hinanap ko ang door palabas ng bahay but I failed. Wala naman akong ibang taong mapagtatanungan.

I have no choice but to get back to the room. I bet this would be the worst day of my life.

"Look who's back." ani Rix at bigla akong hinila papasok, napatid ako kaya bigla akong natumba at nabangga ang ulo ko sa sahig. Napasinghap ako duon at napapikit. Ang sakit! Putangina.

Hindi ako makapaniwala na may weak side pala ako. The hell.

"Hahaha lampa!" sigaw ni Rix, napahawak na lang ako sa ulo't hinihintay mawala ang sakit.

"Puta Rix! Masakit ulo niyan pinagti-tripan mo pa!" narinig kong sigaw ni Jeric at inalalayan ako patayo. Wow ha. "Okay ka lang ba?" tanong nito, mukhang sincere naman siya.

Napatitig ako sa mukha niya, hmm, ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya. I can't deny it, nagagwapuhan nga ako sa kanya.

"I'm fine." ani ko at umupo sa kama, nakayuko lang ako habang hinihimas ang ulo kong medyo nawawala na ang sakit.

"Lumugar ka nga Rix. Gago ka." napatingin na lang ako sa nakakunot-noong si Jeric.

"Sorry ha? Ikaw lang naman ang nag-utos." umirap si Rix at lumabas ng kwarto

"Impossible Rix." bulong nito at umiling, bigla naman siyang napatingin sakin. "Sorry dun ha. Papansin kasi." ngumiti siya, ngumiti na din ako. "End of the world na ba?" tanong nito, napakunot ang noo ko.

"Huh?" yan lang ang nasabi ko

"Ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti." sabi nito, ay puta. Nagpoker face ako ulit at tiningnan lang siya.

HINDI AKO GANITO. HINDI AKO NGUMITI! SHIT. DI SIYA GWAPO! NASABI KO LANG YUN KASI... KASI ANO, SIGURO DAHIL DITO SA BANDAGE SA ULO KO. YUN LANG. WALA NA PROMISE.

"Kj neto. Libre lang naman ngumiti." aniya at taas-baba pa ang kilay. I don't care

"Ahh, talaga? By the way uwi na ako." paalam ko at tumayo, di lang ako gumalaw kasi hinihintay kong tumayo din siya para ihatid ako palabas.

Born to KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon