Fifty-Four

78.1K 1.8K 58
                                    

Riq


Nakatayo ako at nakatanaw sa labas ng glass wall ng malawak na corner office ko sa Abbey Tower, nakapasok sa bulsa ang mga kamay habang nakakunot-noong iniisip si Sherrie. Ano ang ginagawa niya ngayon? Well, office hours pa rin kaya siguradong nasa Parkersburg pa siya. Pero kapag ganitong nasa ibang lugar ako at hindi siya makita, nate-tense ako. Hindi ako mapakali. Natatahimik lang ako kapag nasa malapit siya.

"Riq!"

I turned and saw Mina scowling at me.

"Kanina pa kita tinatawag."

"Sorry, I'm distracted."

"Ilang araw ko na ngang nahahalata. Tuwing may ka-meeting ka, palaging wala sa pinag-uusapan n'yo ang isip mo. Ilang beses na kitang kinailangang i-save sa kausap mo."

"And thank you for that. May appointment ba ako ngayon na nakalimutan ko kaya ka pumasok?"

"You have ten minutes before your meeting with the AbbeyLand's execs. It's Sherrie, isn't it? Kapag nasa Parkersburg tayo, si Sherrie ang iniisip mo. Kapag wala tayo roon, siya pa rin ang laman ng isip mo."

"I love her. Wala akong magagawa roon."

"I don't think iyon lang iyon. You can't focus on anything else because you're unhappy, Riq." Sinabihan ko na siya noon na sarilihin ang mga opinyon niya na may kinalaman sa amin ni Sherrie, but Mina was Mina. She would always say what was on her mind.

"I'm happy."

"Oh c'mon, Riq. Kung ia-analyze mo lang ang sarili mo, malalaman mo na hindi iyan totoo. Yes, napapayag mo si Sherrie sa isang sexual relationship. Pero hindi niya isinuko ang buong buhay niya sa iyo. Ikaw lang ang kukuha n'on, by force, kapag nangyari ang plano mo na mabuntis siya. The mere thought na kailangan mo pa siyang puwersahin, that's what's making you unhappy. You know in your heart na sasaya ka lang talaga kung kusa niyang pipiliin na makasama ka."

"Kahit pa totoo ang mga sinabi mo, hindi ko makita kung paano ako matutulungan niyan, Mina."

"Kung hindi mo makukuha sa kanya ang tunay na gusto mo, maybe it's better if you just let her go. Iyang ginagawa mo, isa lang ang puwedeng gawin niyan sa iyo: destroy you. Ayokong makita kang bumagsak nang dahil sa isang babae, Riq."

"Let Sherrie slip out of my life again?" I smiled frostily at Mina. "Never, Mina. I belong with Sherrie." Kinuha ko ang coat ko sa likod ng swivel chair, isinuot iyon at pumunta na sa conference room.

Sa meeting, sinikap kong ituon ang isip ko sa business dahil alam kong binabantayan ni Mina bawat kibot ko, hinuhuli ako kung lilipad na naman kung saan-saan ang isip ko. Nagsisimula na akong mainis sa kanya pero aminado akong may naitutulong rin siya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, baka nga napabayaan ko na nang tuluyan ang negosyo ng pamilya ko dahil si Sherrie na lang ang gusto kong pagtuunan ng pansin.

Pero pagkatapos ng meeting, kahit si Mina ay hindi ako mapigilan sa kanina ko pa gustong gawin. "Aalis muna ako."

"Saan ka pupunta?"

"You know where."

"Sa Parkersburg? Riq!"

Nagtuloy-tuloy na ako sa elevator. Tinawagan ko ang driver ko para ihanda ang limousine sa pag-alis ko. Paglabas ko ng Abbey Tower, naghihintay na sa akin ang limo. Sumakay ako at nagpahatid kay Jim sa Parkersburg.

Maraming napapalingon sa limousine ko sa kalsada. Alam kong over the top ang sasakyan ko lalo na sa bansang ito. Ang limo, ang penthouse ko, ang pag-acquire ko ng maraming companies, paraan ko ang mga iyon para hindi ko maramdaman ang pagiging "worthless" ko sa taong pinakamahalaga sa akin. Pero kung magiging akin lang si Sherrie, kaya kong i-give up ang lahat ng materyal na bagay na mayroon ako. Siya lang ang kailangan ko para sumaya.

Pagdating ko sa Parkersburg building, umakyat ako sa office. Hindi ako tuluyang pumasok. Tumayo lang ako sa labas ng glass door at pinagmasdan si Sherrie na abala sa cubicle niya. Designer dress uli ang suot niya. Nakaipit sa likod ng tainga ang tuwid na buhok niya. Wala siyang makeup sa mukha. She was simple but elegant. Wala na akong maisip na ibang babae na perpektong maging asawa ko maliban sa kanya. I wanted her to stand by my side until we were old.

Nag-angat siya ng mukha at sumulyap sa private office ko. Nagbuntonghininga siya nang malalim. I could almost feel her longing in the way she sighed. My heart skipped a beat. Pareho lang ba kami? Hinahanap-hanap rin ba niya ako kapag wala ako?

Inilabas ko ang cell phone ko at tinext si Sherrie na lumabas ng office. Pagkatapos ay sumandal ako sa salamin at hinintay siya. Paglabas niya ay hinawakan ko siya sa braso. Nagulat siya.

"Riq!"

"Hi, beautiful." Hinila ko siya sa harapan ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sabi mo, whole day ka sa Abbey Tower ngayon?"

"I decided to take a breather and come here." Ipinaikot ko ang mga braso ko sa beywang niya habang nakatingin sa kanyang mukha. Kinakagat niya ang labi, pinipigilan ang pagngiti. She looked happy, gaya ng nararamdaman ko ngayon. "You missed me again, didn't you?"

"What? Hindi, ah," mabilis na kaila niya. Ngumuso pa siya na parang bata.

"No? Then bakit ka tumitingin kanina sa private office ko na parang gusto mo na nandoon ako?"

Lumaki ang mga mata niya, hindi akalain na nahuli ko siya. "That was only your imagination."

"I don't think so." Umikot ako at siya naman ang isinandal ko sa salamin. "Admit it. You missed me. You want to see me all the time. You want me all the time, cherie."

"Riq, baka may lumabas at makakita sa atin." Tumingin siya sa pinto.

Hindi ko pinansin ang pagsaway niya sa akin. Dinampian ko ng halik ang mga labi niya. Hindi siya umiwas bagkus ay para siyang natunaw sa halik ko. Inilagay niya ang kamay sa dibdib ko. Ang panga niya naman ang dinampian ko ng halik.

"Say that you want me." Pinagapang ko ang mga labi ko sa leeg niya na kusang umarko.

"I want you," she murmured.

"All the time."

"All the time."

Nakangiting hinaplos ko ang pisngi niya. Sana narinig niya ang sarili niya. All the time. That means endlessly. Permanently.

Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya. "Limo."

"What?"

"My limo. Afternoon delight."

Namula ang mga pisngi niya. "Hindi ako makakaalis—"

Hinila ko siya patungo sa limousine.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon