1

912 27 7
                                    

Harro harro harro harro tell me what you want right now(hey!)

CONGRATS SA ATIN MGA CARATS! YUNG KAKASTREAM NATING 24/7 AT PAGCLICK NG KUNG ANO ANO PARA LANG MAKAFRIST WIN ANG SEVENTEEN! LAHAT YUN NABAYARAN NA NG TROPHY! GUSTO KO IHUG YUNG TATLONG LEADERS NA WAGAS UMIYAK KANINA... FINALLY..FIRST WIN. I WONT FORGET THIS DATE.

ANYWAY! Ang anak ng pandak squad is back with his son, suwoo ang tagapagmana ng gitara nya huehue.

I decided na gawan ng story si suwoo kahit na marami pa ako dapat tapusin na stories. I just love making stories i dont care if few people reads it.

Ayon nga. Simulan na natin ang pangengeelam sa buhay ni suwoo.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagnanarrate sa buhay ko. Dahil sa una, hinahabol ako. Ng alin? Ng sasakyan. Paano, namana ko lang naman ang kaangasan ng tatay ko nung mga kabataan nya pa. Sino pa ba, edi si lee jihoon.

Pangalawa, kung ang huling basa nyo ay baby pa ako ngayon hindi na. Highschool na ako. Ah basta.

"SUWOO! BUMALIK KA DITO DI PA AKO TAPOS SAYO!" shit talaga o. Binilisan ko lalo ang takbo ko. Malay ko bang gangster ang nabangga ko.

Lumiko ako sa bandang eskinita at basta na lang may humila sakin.

Hinantay ko na lang makalagpas ang sasakyan bago ako huminga. Tumingin ako sa humila sakin. Sino pa ba ang sasagip sayo kundi ang matalik mong kaibigan.

"Ano? May nakaaway ka na naman ha? Sumbong kaya kita kay tita sue at tito jihoon?" Napairap na lang ako.

Meet yoo min. Lalaki ho sya ewan ko ba kung bakit ang girly ng pangalan nya. And yes we are koreans. Ako lang ang half. Anak sya ni tito yoongi.

"Sumbong mo. Tara na nga! May pasok pa bukas." Hinila ko na sya pauwi sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay, sinalubong ako ng tsinelas ng nanay ko sa ulo.

"Eomma wae?" Tanong ko sabay kamot sa ulo.

"Anong eomma wae ka dyan?! Anong oras na ha suwoo?! Idadamay mo pa si yoo min?! Aba ha!" Dakdak ni mama.

"Suwoo dont do it again. You have classes tomorrow right?" Buti pa si appa kalma.

"Ne appa.i'll just go upstairs okay? Halika na yoo min" umakyat na kami ni yoo min sa kwarto ko.

Nakikitira si yoo min sa amin because nag aaral din sya sa school ko. At nasa korea ang parents nya.

"Ano? Masaya ba mabato ng tsinelas sa ulo?" Sabay tawa nya. Binuksan ko ang kwarto ko at pinailaw na ang ilaw.

"Manahimik ka nga yoo min. Tyaka mo ko tawanan pag panlalaki na pangalan mo ha." At sumalampak sa kama.
"Eww at least magpalit ka ng damit suwoo.kailan ka ba magiging malinis?" Nakita ko sya dinadampot ang mga damit ko sa lapag sabay ilalagay sa hamper ko.

"Kapag nagkagirlfriend na ako. Dun ako magiging malinis." Sabi ko sa kanya sabay bumangon sa kama.

"Oo nga. Sana magkagirlfriend ka na" sabi nya. Kung alam ko lang tamad yan maglinis.

"Eh magastos. wag na no. Ang aarte pa ng mga babae nakakabwisit. Di mo maitindihan kung ano gusto. Mga abnormal sila!" Pagrereklamo ko. Totoo naman eh. Abnormal.

Lakas ng mood swings.

"Hindi abnormal ang mga babae. Kailangan mo lang sila itindihin suwoo." Sabi ni yoo min. Akala mo nagkagirlfriend na.

"Basta matulog na tayo! Ayoko magkagirlfriend. Masakit sila sa ulo." At pinatay ko na ang lamp sa side ko.

"Fine. Suit yourself. Good night."

-------------------

Nagising ako sa sa tubig na tumalsik sa pisngi ko.

Tubig nga ba?

"Suwoo, baka may balak ka pa pumasok, ipapaalala ko lang sayo ha, malelate na tayo." Boses ni yoo min. Bumangon na agad ako para mag ayos.

"Bakit kasi kailangan pumasok" sabi ko na lang habang labag sa loob ko kuhain ang tuwalya para maligo na.

"Bilisan mo na lang suwoo ang dami mong reklamo eh" sigaw ni yoo min habang nag aayos ng laman ng bag nya.

Bakit ba kasi napakasipag ng yoo min na to.

Oo nasa top yang si yoo min eh. Ako tong last in place in class lagi kaya talagang sasakit ulo ni mama at sasabihing "mana ka sa tatay mo!" Ganon.

Pagkatapos ko maligo sinuot ko na ang uniform ko at bumaba na sa garage para kuhain ang sasakyan ko nang makaalis na dito.

"eomma! Appa! We're going now. Bye" sigaw ko at sumakay na kami ng sasakyan ni yoo min.

Tama na nga kakayoo min ko. Ako naman dahil ako ang bida dito! Ako!

Well, inintroduce ko lang bestfriend ko, ako na talaga.

Opposite ako ni yoo min. Mahilig ako magpasaway, i also go home late shempre with yoo min, lagi akong napapaaway, at lastly, lagi ako bagsak.

Di kasi ako nagpapapasok sa klase.

Yes i don't like girls. Nanay ko pa lang jusko, mapanakit eh. Paano pag nagkagirlfriend na ako diba?

Huminto na kami sa parking lot ng pinapasukan namin ni yoo min at dali daling lumabas sa sasakyan.

Tinakbo namin simula parking lot hanggang third floor ng Neoz school.

Weird ng pangalan diba. Pero cool.

Pagbukas namin ng pintuan, nakita namin wala pa palang professor kaya naman nakahinga ng maluwag tong kasama ko at nagtungo na sa kinauupuan nya.

"Buti na lang wala pang teacher kundi nako talaga suwoo." Sabi nya sakin.

"Chill ka lang kasi." Ipinatong ko ang paa ko sa desk at isinandal ang ulo ko sa mga braso ko.

Umiling iling na lang sya at tumingin dun sa crush nya. Si da yen. Di naman maganda ewan ko dyan kay yoo min.

"Huy!" Siko ko sa kanya." Matunaw yang si yen." Irap ko sa kanya. Napa tsk naman sya.

"Palibhasa kasi di mo alam ang feeling. Ayaw mo kasi sa babae." Biglang pumasok ang homeroom teacher namin pero di ko padin inaayos ang upo ko.

Bakit ba ako nandito sa paaralang ito.

Di kasing cool ng pangalan nya ang mga tao dito.

"Mr. Lee put your feet down." Saway nya sa akin kaya naman ibinaba ko na. Nakakainis.

Nagrerelax eh. Akala ko ba pangalawang tahanan yung paaralan? Eh bat parang preso ㅡ.ㅡ

"Good morning class! May bago pala kayong makakasama sa buong taon! Iha pasok ka na." Iha? Babae? Ano ba yan!

Una kong nakita sa kanya ang sapatos nya hanggang sa unti unti kong inangat ang tingin ko.

Di ko alam pero...

"Hi! My name is ayanna isidro."

Napanganga na lang ako.

"Ano? Natamaan ka?" Bulong ni yoo min sa akin.

"Manahimik ka dyan. Wag mo ako inisin." Sita ko sa kanya.

Bakit ganito...

Bakit ganito ang nararamdaman ko.

Parang gumaan ang pakiramdam ko at pag tinitignan ko sya bumabagal ang lahat sa paligid nya.

I'm The Little Evil Man's SonWhere stories live. Discover now