MPML Book 2 (32)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hoy! Magreply k--"

Hindi natapos yung pagtatype ko ng magreply sya.

"Does he know that you still love him?"

Kumalma naman ako. Akala ko hindi ako rereplyan e.

"He doesn't have to know."

"Why?"

"He's married and has a kid. It would be totally inappropriate, plus I'm the one who left him so no, I'm not telling him that I still love him."

*Mr. Panda Guy logged off*

WTF? Nandun na ko sa momentum ko para magdrama tapos biglang syang naglog off?! Paiyak na nga ko tapos bigla syang nagiwan?

"Ok lang! Sanay na kong iniiwan! Sanay na kong binabalewala habang ako bigay ng bigay ng oras ko. Ganyan naman kayo diba? Ganyan kayong mga lalake!"

Kinakausap ko yung laptop habang nakatitig ako sa conversation namin ni Panda Guy, nakakaloka iniinis nya ko.

"Ma'am, ok lang po ba kayo?" Napatingin naman ako sa pinto at nakita si Manang.

"Ay Mamang! Haha ok lang po, bakit gising pa po kayo?" Mamang tawag ko kay Manang. Mas feel ko kasi sya bilang pangalawang nanay ko dito sa bahay.

"Narinig ko po kasi kayong sumisigaw kaya umakyat ako. Tumakbo din si Badger paakyat dito ng marinig kayo."

Bigla namang sumampa si Badger sa kama ko at pinagdidilaan ako. Tawa naman ako ng tawa dahil nakikiliti ako.

"Badger! Stop it!" Tumigil naman sya at humiga sa legs ko.

Parehas kaming natawa ni Manang.

"Ok lang po ako Mang, matulog na po kayo ako na magaantay kay Yuri." Sabi ko kay Manang.

"Sige, gusto mo bang pagtimplahan kita ng gatas?"

"Hindi na po, magpahinga na po kayo." Sabi ko habang nginingitian sya.

Ngumiti din naman sya bago bumaba ng hagdan. Hinahawak hawakan ko lang si Badger habang natutulog na sya sa legs ko. Nakatingin parin ako sa laptop, talagang naglog off na sya hindi na bumalik.

"Kaasar."

----

Kinabukasan, pagdating ko sa office wala pa si Yuji. For the first time naunahan ko sya, late ata sya ngayon. Maaga kong sinimulan yung ilang lesson plan ko at pumasok sa isang klase pero pagbalik ko sa office, wala padin si Yuji.

Aabsent siguro yun ngayon, may sakit kaya sya? May gulo sa bahay nila? Pero nakita ko si Marcus kanina sa klase ko, pumasok anak nya sya hindi? Bakit kaya?

I found myself eating a chocolate while sitting in my chair and realized that I'm thinking of him.

"Teka, ba't ko ba siya iniisip?" Iniling iling ko yung ulo ko at ilang beses kong inulit sa sarili ko na burahin sa isip ko si Yuji.

"Itigil mo yan Karlota, you're acting like you're his girlfriend!"

*Door opens*

Laking gulat ko ng biglang bumukas yung pinto pagkatapos kong sumigaw. Tinikom ko naman yung bibig ko ng si Yuji yung nakita kong pumasok.

"Why are you yelling?" Sabi pa nya. Oh no, narinig nya yung sinabi ko?!

"Yelling? I'm not yelling." Tanggi ko.

"I heard you from outside." Omo. Narinig nya!

"Really? What did I yelled about?" Tanong ko pa, tinataasan ko confidence ko para alamin kung narinig ba nya talaga yung sinigaw ko kanina.

"I didn't understand what you said but I heard you yelled."

HA! Hindi nya narinig!

Patay malisya ko nalang syang nginitian kaya naglakad na sya papunta sa desk nya. Isang bagay na napansin ko sa sakanya, yung putok nyang labi. Matagal ko ng alam na inborn na sakanya yung pagkasobrang pula ng labi nya pero iba ngayon.

May sugat talaga e.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi sya titig-titigan sa desk nya. I can tell from his face that he's sad. But why? Anong nangyari? Bakit putok labi nya? May nakaaway ba sya? Pero sino naman?

Sarap iuntog yung ulo ko sa dami kong tanong sa utak ko. Nakita ko syang naglalagay ng band aid sa bandang gilid ng labi nya pero mali eh. Yelo nilalagay dyan hindi band aid!

Nakita ko pang tinapon nya yung isang band aid dahil mukhang nawalan na ng dikit sabay kuha na naman nya ng bago. Dinidikit nya ulit kaso nawalan ulit ng dikit dahil nababasa ng labi nya. Ano ba Yuji? Yelo ilagay mo! Hindi band aid!

Tumayo na ko sa upuan ko at dire diretsong lumapit sa mini fridge namin at kumuha ng ice cube at nilagay yun sa panyo ko. Lumapit ako sakanya na ipinagtaka naman nya.

"What?" Tanong nya habang nanggigigil naman ako sa sugat na nasa labi nya.

Kumuha ako ng isa pang upuan at inupuan yun sabay hawak ko sa mukha ni Yuji at dinampian ng yelo yung labi nya. Nagulat sya sa ginawa ko, ni hindi nga sya makapagsalita ng bigla kong nilapit yung mukha ko sakanya para icheck yung labi nya.

"What are you doing?" Tanong pa nya habang tinititigan ako.

"Shut up and let me do this. How come na band aid nilalagay mo dito e labi to? Hindi talaga didikit yan dahil nababasa ng laway mo. Galing mo kong pagalitan tapos ikaw naman pala tong hindi marunong alagaan yung sarili mo. Tsaka napano ba 'to?"

Sa dami kong sinabi nakatitig lang sya sakin hindi nya sinasagot yung tanong ko kaya diniinan ko yung sugat nya sa labi.

"Aaah!!"

"Tinatanong ka diba? Dapat asawa mo gumagawa nito sayo eh."

Yun nalang nasabi ko. Habang dinadampian parin ng yelo yung labi nya.

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon